Chapter 4

4 0 0
                                    



Nandito ako sa trabaho, at sobra ang pamamaga ng mga mata ko, alam kong gusto akong tanungin ng mga katrabaho ko pero nakakasense silang ayokong pag usapan kaya ni-isa sakanila walang nag atubiling lapitan ako o tanungin. Mas okay na 'yon dahil ayoko rin naman pag usapan.

Inabot ko ang menu sa lalaking nag iisa, alam ko naman kung sino siya. Si Lei, hindi ko siya tinignan alam kong nagtatanong nanaman siya. After kong makuha ang order niya ay umalis na agad ako.

"Ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa manager namin. "Ayos lang po." Sagot ko.

"Sigurado ka?" Tumango ako at nginiti ng pilit. "Nag ta-trabaho na po ako." Sabi ko at kinuha ang tray para ibatid ang pagkain sa mga customers.

Ganito naman palagi, ngingiti ako kahit wala naman dapat ikangiti, para lang naman sa trabaho kaya ginagawa ko ito kahit napipilitan ako. At buti nalang mabait ang manager namin ngayon, 'yong dati kasi masungit at may anger issue.

"Here's your order sir." Sabi ko at isa isang nilagay ang pagkain sa table niya pero agad niyang kinuha saakin ang mga iyon at siya ang naglapag sa table.

"Enjoy your f-"

"Are you okay?" Aniya dahilan ng pag tingin ko sakanya. Ayokong umiyak. Sa simpleng tanong niyang 'yon halata sa tono ang pag aalala niya pero ngumiti ako ng konti.

"Oo." Tipid kong sagot at agad na tumalikod sakanya at pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa mata ko. Nag cr ako para ayusin ang sarili ko.

"Umiiyak ka nanaman." Sabi ko sa sarili ko. Ayokong tignan ang sarili ko sa salamin at baka mas lalo pa akong umiyak dahil kaaawaan ko lang ang sarili ko pag nakita ko ang mga mata kong nanghihingi ng tulong at malungkot.

Lumabas ako sa cr at nagpatuloy sa trabaho. Halos nagdamag si lei dito sa restaurant pero nag o-order naman siya, ayaw sigurong mapaalis.

Hanggang sa pagtapos ng trabaho ko ay nakita ko siya sa labs ng restaurant. "Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na."

"Ihahatid na kita, gabi na."

"Kaya kong umuwi mag isa. Sige na."

"Ihahatid na kita, dadaan din ako sa apartment ninyo, doon din ang daan ko." Para hindi niya na ako kulitin pa ay pumayag na ako.

Tahimik lang kaming pareho sa kotse. "Puwede bang dumaan tayo sa 7/11?" Tanong ko sakanya. "Yeah, sure." Walang pag aalinlangan niyang sagot.

Bumaba agad kami nang makarating kami sa 7/11. Nakasunod lang ito saakin. Kumuha ako ng menstrual pad at tinignan kung may wings. Kahit medyo nahihiya ako dahil mukhang nakatingin siya saakin.

"Are you looking for with wings?" Agad akong napatingin sakanya na nasa gilid ko na at tinitignan ang mga menstrual pad. "May wings 'to." Aniya at inaabot saakin. Napa kurap kurap ako sakanya.

"A-ahh.. hindi 'yan ang brand na ginagamit ko." Sabi ko at patuloy na nag hanap. "Mukhang wala na, I'll try to ask." Nakasunod lang ang tingin ko sakanya at sumilip kung talagang nag tatanong siya.

"Do you have a menstrual pad with wings, 'yong ganitong brand."

"Yes sir, meron po, kuha lang po ako." Nakita kong tumango si lei at mukhang babalik na dito kaya nagpanggap agad akong nag titingin ng pagkain.

"Just get what you want, I'll pay for it."

"Ahh hindi na, may pera naman ako, kakabigay lang ng sahod ko." Sabi ko.

Nag cre-crave ako sa cheetos pero ang mahal. Tumingin nalang ako ng iba pero wala akong gusto. Pumunta ako sa fridge at kumuha ako ng frappuccino ng starbucks, at beer.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon