Chapter 9

3 0 0
                                    



Nag aalala ako. Kahapon pa hindi nagpapakita si Lei saakin, kasi no'ng isang gabi ay may tinawagan siya. Sabi niya secretary niya raw at 'yon ang nag drive ng kotse ni lei. Tahimik nga lang siya no'ng kumakain kami. Nag tataka ako at nag aalala dahil parang may mali.

Bago kasi umalis sa mcdo, nakiusap siya saakin kung puwede ba raw niyang hawakan ang kamay ko, nag tataka man ako ay pumayag ako. Sa pag lalakad namin nakakaramdam ako ng kakaiba, sobrang higpit din ng pagkahawak niya sa kamay ko. Tinatanong ko siya kung okay lang siya pero ang sagot niya lagi ay okay lang siya.

Balisa akong nagpatuloy sa trabaho kahit na punong puno ako ng pag aalala. Hindi naman ako nagamit ng phone at hindi ko rin alam ang number niya.

Hayss... bakit ba iniisip ko siya?

Sana okay lang siya.

"Tine, ayos ka lang?"

"O-oo."

"Weh? Mukhang may iniisip ka, kanina ka pa balisa."

"Ano ka ba, wala kasi rito 'yong poging manliligaw ni tine." Sabi ni jazz.

"Oo nga 'no, himala wala siya rito." Ash.

"Ano ba kayo, hindi ko manliligaw 'yon. Kaibigan ko 'yon."

"Sus kaya ba balisa ka?" Jazz.

"Nag aalala lang ako sakanya."

"Bakit? May sakit ba siya?" Ash

"Mukhang may sakit."

"Mukha? Hindi ka sure? Nako baka niloloko ka n-"

"Huy! Tumigil ka nga ash."

"Biro lang naman, eh."

Bumuntong hininga ako at hindi na pinansin ang dalawa na si jazz at ash. Nag hatid ako ng food sa customer at ngumiti dahil kailangan. Bagsak ang mga balikat ko pero sinusubukan kong alisin ang pag aalala ko dahil ayokong maapektuhan ang trabaho ko.

Sumapit ang gabi at tapos na ang trabaho. Nag lakad lakad muna ako, pagkatapos kasi ng trabaho ko, dito kami sa seaside naglalakad lakad tapos mag fo-foodtrip kami rito kahit napakaraming tao. Naging comfort ko na rin ang paglalakad dito dahil kay Lei. Nakakapanibago lang sa wala siya rito mula pa kahapon.

Sana lang talaga ay okay siya...

Tumigil ako sa pag lalakad at umupo sa gilid, mahangin na at medyo malamig. Sa lakas ng hangin ay ang mga buhok ko humaharang na sa mukha ko. Bumuntong hininga ako.

"Miss." Hindi ko pinansin.

"Miss puwedeng umusog ka?"

"Aliw ka rin manong 'no? May kasama ako, nakaupo diyan." Pag susungit ko habang hindi siya nililingon at pinatong ang bag ko sa tabi ko.

Kinuha ko lahat ng buhok ko at akmang ipupusod ng may humawak sa buhok ko. "Sinong kasama mong nakaupo riyan ng mabangasan ko?" Mabilis akong tumingin sa likod ko.

"Lei!"

"Hi stranger."

"A-anong ginagawa mo rito?"

"I was looking for you. Akala ko nasa restaurant ka pa but it's already close kaya hinanap kita rito nagbabakasakali na baka narito ka." Hindi ko mapigilang ngumiti.

"T-teka, okay ka kang ba? May sakit ka ba?"

"Yeah, kaya wala ako kahapon." Hinipo ko ang noo at leeg niya.

"I'm okay now." Aniya at ngumiti. "Sure ka? Baka mabinat ka."

"Hindi 'yan, kasama na kita eh."

"Alam mo ikaw puro ka biro. Dapat hindi ka na nagpunta pa rito."

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon