Chapter 10

3 0 0
                                    



TW : This chapter contains sensitive language and content! This include suicidal! This is disturbing, so I encourage everyone to prepare themselves emotionally before proceeding.

If you believe that the reading will be traumatizing for you, then you may choose to forgo it.

***

Ang daming nangyari sa ilang buwan na kasama ko si lei. Mas lalo kaming nagiging close at wala akong takot na nararamdaman. Ayokong isipin na may wakas din ang kasiyahan na 'to dahil ang alam ko lang ngayon ay masaya kami pareho.

Maging si beth at lee ay nagtataka na sa closeness namin at ang mga kaibigan niya dahil araw-araw kaming magkasama. Akala nila may namamagitan saamin ni lei.

At unti-unti nagkakaroon ng ako ng tiwala kay lei dahilan para mag open up sakanya na hindi ko nagawa sa mga kaibigan ko. Sakanya ako umiiyak, minsan pa ay alam na alam niya kung bakit ako malungkot. Open kami sa isa't isa, kung anong problema niya sa bahay nila ay sinasabi niya saakin. Madalas siya ang nag o-open saaming dalawa at dinadamayan ko naman siya gaya ng pag damay niya saakin pag ako ang malungkot.

Nasa kotse kami at may pupuntahan daw kami ni lei pero hindi ko alam.

"Ang boring." Aniya at binuksan ang car stereo at biglang may music na nag play na saktong kauumpisa lang.

"I never believed, in love...."

"I was deceived, by love..."

"I never had much luck with lovers before..."

Familiar 'yong song saakin. Kanta ni sarah at ni jl 'to, very special love. Ang cute ng movie nila eh. Si sarah ang nanligaw kay jl. 'Sir, Coffee?' Napangiti ako ng maalala ang palabas nilang dalawa dahil naging favorite ko rin ang dalawa. Sinabayan ko ang kanta sa chorus.

"Then, I found a very special love in you..."

"It's a feeling that's so totally new..."

"Over and over, it's burning inside..."

"And I found a very special love in you..."

Nagulat ako ng bigla rin akong sabayan ni Lei sabpag kanta.

"And it's almost breaks me in too..."

"Squeezing me tighter..."

"But I'm never gonna let go..."

Nagkatinginan kaming dalawa at natawa pareho.

"Alam mo pala 'yong kantang 'yon?" Nakangiti kong tanong.

"I heard that song somewhere." Sagot niya habang nag dri-drive.

Bigla akong may naisip, nagkaroon ako bigla ng random thoughts. "Lei, random thoughts lang. takot ka bang mamatay?"

"I don't know." Hindi niya alam?

"Before no but now... yes." Sagot niya st tinignan niya ako pero agad din niyang binalik ang tingin niya sa daan.

"Hmm.. Hindi."

"Why aren't you scared?"

"I already died long time ago. My death was unrecognizable. Kung sakali man, double dead na ko." Mapait akong ngumiti habang diretso ang tingin ko sa daan.

Pinatay ako ng galit, sama ng loob, tampo, at sakit. Pero ni-isa ay walang nakapansin no'n... kundi ang sarili ko lang...

"Kung tutuusin, paulit ulit akong namamatay. Nasa harap mo ako, nakakasama mo ako, nasa tabi mo ako pero paulit ulit akong sinasaksak." Dagdag ko.

Chasing The Horizon (Chasing Series #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now