CHAPTER 2

25 3 0
                                    

ALLIYAH'S POV


“Mr. Alvarez, Stand up!” sigaw ng professor namin ng umagang iyon. Kanina pa ito patingin tingin sa likod na kala mo ay may hinahanap. Lahat ng klase ay napalingon sa likuran ng bigla itong sumigaw.

“Looser” bulong ni Cleofa sakin. Inirapan ko ito pagkatapos ay humarap sa unahan. Nakita kong nakangisi na ang professor namin hudyat na may hindi kanais nais nanamang mangyayare sa araw na yon.

“As a 3rd year college in this course Criminology. Bakit...” huminto ito panandalian, lahat ng kaklase ko ay napasinghap at kanya kanyang bukas ng notebook.

Recitation nanaman” Ani ko sa isip ko.

“Bilang isang estudyante sa kursong ito, bakit kinakailangan ng mga pulis, sundalo o mga opisyal ng batas sa isang komunidad o pilipinas.” umupo pa ito sa mesa ng matapos ang sasabihin.

Lumingon ulit ako sa likod upang tignan ito, nawala na ang ngiti nya kanina sa tanong ng professor.

“Ayan kasi hindi nakikinig.” bulong ulit ni Cleofa.

Pst, manahimik ka nga baka mamaya ikaw pa ang taw—”

“Yes, Ms Sandoval? stand up, and you remain standing.” tawag nito sa pangalan ko.

Naku, bakit ako pa ang tinawag ninyo. Binatukan ko si Cleofa ng makita kong sumenyas ito na tatawa. Napapikit na lamang ako bago magsalita.

Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang isasagot ko pero dahil sa mga nabasa at natandaaan ko last discussion ay yon na agad ang pinanghawakan ko, bahala na kung mapahiya atleast may sagot.

“w-we importantly need it to prevent and control crimes, maintain peace and order, ensure public safety, and internal security, sir.” kinakabahan sagot ko dito.

Tumayo ito sa lamesa at pumunta sa upuan ko. “Sigurado kaba sa sagot mo?” iginalaw galaw pa nito ang buhok ko sa likuran at pinagmasdan akong maigi.

Hindi ako komportable sa ganong pamamaraan ng titig nya dahil parang mamboboso ito na ewan pero mabilis kong itinikom ang kamao ko ng hindi kona mapigilan ang sariling suntukin sya.

“Alright, sit down the two of you. And Mr Alvarez, hindi ka papasa sa kursong ito kung wala ka man lang natutunan kundi ang puro kwentuhan at chikahan dyan sa likod. Kalalaki mong tao, napachismoso mo.” sigaw nito.

Natawa ng bahagya si Cleofa. “Kesa naman sayo, manyakis.” bulong nito.

Siniko ko sya at nginusuan papuntang unahan ng klase.

“Totoo naman kasi, tignan mo nga't kung makatingin sya sayo kanina para ka nyang hinuhubaran.” naiinis na wika nito.

“Hayaan mona, hindi kana nasanay sa kanya ano pa't ganyan naman talaga yan sya. Kaya nga walang matinong girlfriend.” tugon ko naman dito.

Jusmiyo, ayusin mo lang ali ha! pag ikaw nalaman laman kong binastos ka nyang si Mr manyakol. Ako na talaga tatanggal ng shot gun don sa first floor at ipuputok ko yon sa ulo nya.” gigil na wika nya. Pinagmasdan ko itong maigi, halos mapunit na ang A4 bondpaper sa table nito sa sobrang diin nyang magsulat habang nakatingin sa professor na ngayon ay nakatalikod na samin.



LUNCH BREAK sobrang daming tao ng tanghali na yon. Halos hindi pa nababa ang mga senior students pero punong puno na ang cafeteria sa sobrang daming college na naglulunch.

Grabe! Para tayong mga sardinas!” bulalas ni Cleofa.

Punong puno ang bawat pwesto ng counter kung saan dapat kami oorder. Gutom na gutom nako at alam kong ganon rin si Cleofa. Kaya no choice kami, maghahanap at maghahanap talaga kami ng makakainan.

May ilang hours pa naman natitira bago ang second at huling subject sa araw na yon. Nagmamadali na kaming bumaba at naglakad lakad sa entrance ng campus.

Ang ginaw be!

Winter nanaman ang wheater tapos sa mga susunod na araw ay uulan at kung hindi naman at iinit ng bonggang bongga.

Bago pa kami tuluyang makalabas ng gate ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita kong papasok naman ang grupo ng mga kababaihang ayaw na ayaw ko.

here we go again.” i whispered

Oh! Tignan mo nga naman, ang swerte talaga natin ngayong araw. Akalain mo yon? Si pulis Sandoval pala ito e.” wika ng leader ng grupo.

“Pwede ba tumabi nga kayo, kakain kami. Wala kaming balak na makipag bardagulan sa inyo.” saad ni Cleofa pero nagtawanan lang ito na parang mga tangà.

“Wow huego, kelan kapa natutong sumagot sa isa sa mga reyna ng camp— ah ah ah ouch! what the fuck!” sigaw nito ng baliin ko ang kamay na dapat iigtas sa bestfriend ko.

“Don't you dare to touch your dirty hand on my bestfriend's face. Hindi yan nagmake up ng ganyan kaganda para dumihan mo. Isa pa, bingi kaba? o sadyang walang laman yang utak mo, hindi moba narinig na kakain kami?” yumuko ako at dinuro ang ulo nito, aabante na para sumugod sana ang alagan nito pero mabilis kong hinatak si Xenadia.

“Subukan nyong lumapit, babaliin ko buto nitong leader nyong walang ibang ginawa kundi mag-angas kala mo naman kinaganda.” wika ko sa kanila, kanya kanya silang atras sabay takbo. Ganun din ang ginawa ni Xenadia.

“Pagbabayaran moto! weirdo.” sigaw nito sakin habang hawak ng daliri.

Lumapit naman sakin si Cleofa na nakangiti at napalakpak ang mga kamay sa tuwa. Inakbayan ko rito na syang hawak naman sya sa mga braso ko sabay labas ng gate.

Sa paglalakad namin sa labas ay hindi namin sukat akalaing medyo malayo layo na pala ang narating namin. Sakto namang may nadaanan kaming meet & great dinner sa labas medyo malayo lang ng kaunti sa hospital.

“No choice, hindi kona talaga kaya.” naiiyak na wika nito sakin.

Agad kaming pumasok, ngunit nagulantang kami ng iisang pwesto nalang ang tanging pwedeng upuan ron.

“Cleo, upo kana ron at ako nalang ang oorder pakilagay narin ng bag ko.” usad ko. Akmang liliko na sya sa gawing yon ng may nauna pa sa kanya at umupo ron sa upuan na dapat ay samin.

Whoops! Ako ang nauna, sorry.” kumakaway na wika ng isang binatang lalaki, nasundan pa ito ng tawa ng mga kasama nya.

“Wala na tayong mauupuan.” nakasimangot na wika sakin ni cleo. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala talaga kaming mauupuan ng mga oras na yon dahil puno na talaga lahat ng upuan.

“How long did you stand here, young lady.” napaismid ako sa gulat ng may isang baritonong boses ang nagsalita mula sa likuran ko.

Hindi kona ito inabala pang lumingon bagkos ay humakbang ng limang beses para maka order na.

stupid.” rinig kong bulong nito.

Kamot ulo ako habang inilalahad sa counter ang order namin. Habang ang kaibigan ko naman ay lumapit sakin.

“Friend, may nahanap nakong mauupuan. Ayun oh, nilagay ko narin ang mga bag natin antayin kita ha. Cr lang ako.” sabi nito.

Ouch!” angil ko ng kurutin nya ako sa braso at tila may nginungusuan sa likuran ko na Hindi kona pinaguunan ng pansin.

“Three hundred fifty pesos po ma’am.” magalang na wika ng babae sa counter.

Nang maiabot ko ang bayad ay ibinigay naman nito ang resibo sakin at bell para sa order mamaya.

Be! Ang pogi!” kinikilig na wika ni cleo ng makalagpas kami sa counter.

Naku, magbanyo kana para naman makakain na tayo mamaya. Sge na, dali!” tinulak kopa ito sa direksyon ng Cr bago umupo.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now