CHAPTER 13

10 1 0
                                    

AUTHOR'S POV

Ilang linggo na ang nakalipas, ilang linggo naring sarado ang kaso para sa case ni Cleofa. Huling punta nila sa husgado ay napawalang sala sya sa awa ng diyos ay lumabas syang walang sala.

Ngayon nakafocus silang apat sa kanya kanyang gawain. Laking pasasalamat ni Cleofa sa laki ng naitulong sa kanya ni Heduz.

Bukod don, nagpasya na ang binata na umakyat ng ligaw sa dalaga. Agad namang pumayag si cleo dahil sa palagay nya ay may kahahantungan naman kung magkakamabutihan silang dalawa.

Samantalang si Alliyah naman ay ilang linggo naring busy para sa graduation nila sa mayo. Ni hindi sya minsan makausap ng mga magulang nya dahil nakakulong lamang ito sa kwarto at pawang busy sa pag-aaral.

Gayon din si Hance na sobrang busy sa operation na pawang nagiging hassle para sa isang doctor na katulad nya.

Isang gabi, nasa kalagitnaan sya ng pag-aaral ng disease ng tumawag sa kanya ang nurse.

Isinugod daw ron ang lolo nya, puno ito ng sàksàk sa dibdib.

Pakidala sya sa operating room, faster!” sigaw nya sa buong team.

Makalipas ang ilang minuto ay naroon na sya kasama ang mga nurses at kapwa doctor.

Ilang oras na nilang tinanggal ang bawat bubug na nakaano rito ngunit hindi parin nanunumbalik ang malay ng matanda.

Hanggang sa nagpasya sya na paalisin lahat ng nurses at doctors upang iwan syang mag-isa ron.

Lolo, what happened?” he whispered on air.

Inabot nya ang body knife pagkatapos ay humiwa ng maliit sa bandang puso nito, pero laking gulat nya ng wala na ang tibok niyon ganun ding nangingitim na ito at pawang agnas na.

Napaatras sya ng bahagya at lumabas upang tumawag muli ng mga doctor pero huli na ang lahat.

Nag-flat line na ang monitor , nawalan sya ng balanse at napatumba sa sahig ng operating room.

Doc Hance we need you!”

Doc! Doc! Doc!!

Sa huli kusang bumitaw ang kamay ng lolo nya sa hospital bed na kinahihigaan nito. Dala ng pagkawasak ng puso ni Hance ng makalapit sya sa labi nito.

Sinisisi ang sarili sa lahat lahat, hindi pa man ganon katagal ng mamatay ito ngunit parang matagal na itong patay dahil sa agnas na balat at pagiging butong kalansay.

Dinala nya ito sa kagubatan malapit sa rest house ng lolo nya at don ito inilibing. Huli na ng malaman yon nila Cleofa, Heduz at Alliyah.

Hindi din nila lubos akalaing mangyayare ang bagay na yon sa pamilya ni Hance. Sinubukan nilang puntahan ito sa bahay ng binata subalit wala ni isang sumasagot.

Hanggang sa makatunog si heduz na parang may hindi magandang nangyayare. Agad nyang inaya ang dalawa at pinasakay sa sasakyan.

Nais nilang puntahan ni Hance ngunit hindi nila alam kung nasan ito.

“Wala kabang alam na pwede nyang puntahan sa mga oras na ito?” tanong ni Alliyah sa backseat ng sasakyan.

“Meron pero malabong pumunta sya don ng ganitong oras at isa pa walang rason para pumunta sya ron.” wika naman ni heduz.

“Ali, sa tingin mo san sya pupunta?” tanong naman ni Cleo.

Nag-isip ang dalaga habang nakaupo sa backseat. “Roger.” wala sa sariling usad nya.

YOUR DOCTOR Onde histórias criam vida. Descubra agora