CHAPTER 8

8 2 0
                                    

AUTHOR'S POV

Ilang oras lang ang inabot ng byahe nila hance at heduz ng makarating sila sa condo kung saan nanunuluyan ang dalawang babaeng hinahanap nila.

Pagkababa nila ng sasakyan ay agad silang sinalubong ng mga paparazzi at kinuhaan sila ng ibat ibang pictures. Dahil sikat ang isa sa kanila ay hindi maiwasang pagkaguluhan silang dalawa bago makapasok ng condo.

Nang makapasok sila sa loob ay agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakauniporme.

“Good Morning old lady, where looking for someone named.” huminto si hance sa pagsasalita at tumingin kay heduz.

“Where looking for Ms Cleofa Huego.” wika naman ni heduz sa matandang babae.

Taka silang pinagmasdan nito kaya naman agad silang nagpakilala.

“Im Professor Hance De Silva, A Medical Director of De Silva's Medical Hospital.” usad ni hance sa matanda.

“And im attorney heduz Afemmer Wudler.” tinitigan lang sila ng matanda na parang mayroon bang kakaiba sa kanilang dalawa hanggang sa magsalita ito at ituro ang daan papuntang condo unit ng dalagang hinahanap nila.

Masuyo nilang tinahak ang daanan, kada taong makikita nila ay pawang weird na tingin ang pinupukol sa kanilang dalawa.

“Dito ata ako mamamàtay, sa tingin palang nila para nakong binibilad sa araw.” wika ni heduz habang naglalakad.

Nauna sa kanya ng bahagya si hance pero hindi ilap yon para hindi nya agad masundan ang kaibigan dahil pareho silang bampira nito ay naaabutan nya parin ito kahit na mabilis parin ang lakad ng binata.

Huminto ito sa R301 kaya huminto narin sya, nagmasid silang dalawa sa paligid bago sila mag doorbell.

Pero bago pa yon gawin ni hance ay biglang bumukas ang pintuan kaya naman ay napatingin sya sa mga kamay nya.

Teka ginawa koba yon? takang tanong nya sa isip nya. Kahit ang kaibigan nya ay napatingin din sa kanya kasi nababasa nito kung ano man ang nasa isip nya.

Hindi nya akalaing may iba pa syang abilidad bilang isang bampira pero nawala agad ang isiping iyon ng may magsalita, hindi nila ito nakikita dahil pareho silang nakayuko pero agad na nanuot sa ilong ni hance ang dugong gustong gusto nya.

“Hello? anong kailangan nyo? at bakit kayo nakatayo sa room ko?” tanong ng isang babae, nang tumingala silang dalawa ay agad na nagsalubong ang mga mata nilang apat.

Maging si heduz ay nangislap ang mga mata ng makitang muli ang babaeng iniligtas nya noong panahong nakilala nya ito. Samantalang si hance naman ay hindi maialis ang tingin sa dalagitang nakatayo sa harapan nya, nakasoot ito ng skirt at pink tops na natatabunan ng cardigan.

“Hello, cleofa ako ito. Si heduz hindi moba ako natatandaan? ako iyong lalaking nagligtas sayo noong araw na muntik ka ng mapahamak.” titigan lang sya nito ng ilang minuto bago ngumiti.

“Natatandaan kita, ikaw yung lalaking akala ko ay may gagawin sakin kakaiba. Attorney?” tawag nito sa kanya.

Nagalak sa tuwa ang binata ng matandaan sya nito ngunit si hance ay nanatiling nakaismid at nakatulala lang sa hangin.

Kahit ng makapasok sila ni hindi man lang ito nagsalita o kung ano man, pag inaalok sya ng kung ano ay ang tanging sagot lamang nya ay tango at iling.

“Ikaw siguro si doc Hance? am i right? ikaw iyong naghatid sa bestfriend ko nung isang gabi, nung naabutan sya ng ulan sa daan. Salamat ah, yung gabi narin kasi nayon is alalang alala ako sa kanya na baka matulad sya sa nangyare sakin dahil walang masakyan, kaya buti nalang nakapunta sya ng ligtas, thankyou doc.” wika ni cleofa sa kanya, nakayuko lang sya saka tumango sa sinabi ng dalaga.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now