CHAPTER 3

14 2 0
                                    

AUTHOR'S POV

Dahil narin sa gutom ay walang nagawa ang binatang si hance kundi ang bumaba ng opisina at humanap ng makakainan. Sakto namang nakasalubong nya si Vugan ang isa sa mga surgeon partner nya tuwing surgery.

“Doc! Tara lunch, gutom nako kasi.” usad nito pagkalapit sa kanya.

“Alright, lalabas din sana ako para bumili ng kape. Hindi kona rin kaya ang gutom ko.” sabi nito.

Buti nalang ng araw ding iyon ay hindi ganoong kainit kundi mapapaso ang balat nya. Hindi pa naman sya naglagay ng protective sunscreen na binili pa ng lola nya sa London para sa sensitive nyang mga balat.

Nakacontact lens narin sya baka sakaling masinagan ng araw ang mata nya. Kahit na nakasalamin at nagawa nya paring magsoot nito dahil sa takot na baka maexpose ang kakaibang kulay ng mata nya.

Lahat ng tao sa hospital ay walang kaalam alam sa sikreto nya maliban sa partner nyang si Vugan, ang mga barkada pati na ang lolo at lola nya.

Lumaking walang magulang si hance. Dahil namatay ito noong dekada na naglalaban pa ang tao at bampira. Kaya ang lolo Vester at lola cristina ang nagalaga sa kanya simula pa lamang noong maliit sya.

Malaki ang itinulong ng dalawang matanda para mapalaki sya ng maayos at mapag-aral sa pribadong eskwelahan.

Lahat ng naabot nya sa buhay ngayon ay lahat ng yon ay tulong sa kanya ng lolo at lola nya. Kaya naman napakalaking pasasalamat ng binata na may natira pang kahit na isa sa mga tatayong nanay at tatay sa kanya.

104 years old na si lolo vester at 102 naman si lola cristina. Subalit hindi parin nagmumukhang ugod ugod at sobrang matanda ang dalawa dahil narin sa may dugong bampira ang mga ito.

“Dito nalang tayo kumain, malapit lang naman sa hospital kaya madali lang tayong makakabalik.” wika ng kaibigan nyang si Vugan. Itinuro nito ang restaurant sa tapat ng hospital ng lolo nya.

Hindi nya alam kung anong meron sa loob. Pero dahil sa gutom at kawalan ng gana ay sumama na sya sa loob. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang napakahabang pila sa counter area.

Pero bago pa sya makalakad papunta ron ay napabuntong hininga sya ng mapukaw ng atensyon nya ang dalawang babae na pupunta sana sa gawi ng huling pwesto ng maunahan ito ng apat na lalaki.

Whoops! Ako ang nauna, sorry.” rinig nyang usad ng isang lalaki.

Dahil sa vampire hearing sense nya ay naririnig nya ang usapan ng mga ito kahit na napakalayo nito sa kinaroroonan nya.

“Wala na tayong mauupuan.” wika ng isang babae.

Ang babae namang nasa unahan nya ay palingon lingon kaya siguro hindi nito alam na umuusad na ang pila. Kaya naman ay nagsalita na sya.

“How long did you stand here?” malamig nyang tanong dito, napakamot ito ng ulo bago maglakad sa counter area. “Stupid.” bulong pa ng binata.

Kamot ulo nalang ito ng makahakbang papunta sa counter. Dumating naman agad ang kaibigan ni aliyah. Samantalang si hance ay todo masid sa dalaga.

“Friend, may nahanap nakong mauupuan. Ayun oh, nilagay ko narin ang mga bag natin antayin kita ha. Cr lang ako.” sabi nito sa kasama nya. Tinuro pa nito ang kinaroroonan ng mga gamit nila.

Ouch!” bulalas ng babae.

“Ang pogi!” Ani ni cleofa kay alliyah habang ang mga tingin ay nakapukol kay hance.

Naku, magbanyo kana para naman makakain na tayo mamaya. Sge na, dali!” wika naman ng dalaga sa kaibigan nya, tinulak tulak pa nito papunta banyo pagkatapos ay naglakad na papuntang table nila.

YOUR DOCTOR Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt