CHAPTER 18

6 1 0
                                    

SOMEONE'S POV


Busy ako ngayon para sa exhibition sa susunod na buwan, nang biglang sumulpot ang sekretarya ko sa opisina.

Hindi nako nagabala pang inaangat ang ulo ko ng magpatuloy ito sa pagsasalita.

“ CEO shin, may bisita po kayo.” tumaas ang isang kilay ko sa tinugon nito.

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina, tumabi sa gilid ang sekretarya ko ng pumasok ang isang babaeng nakapalda at puting t-shirt.

“Please, give us a privacy.” usad ko sa sekretarya ko. Tumango ito bago lumabas.

Tumayo naman ako sa swivel chair na inuupuan ko saka nilapitan ang babaeng yon.

“Hey, what's wrong?” nagaalala kong tanong ng makita ko ang mapupungay na mata nito. Mukhang kakagaling lang nya sa iyak.

Umiling iling ito. Alam kong meron itong problema pero mas inintindi kong huwag na lamang mangulit bagkos ay yakapin ito upang kahit papaano ay maibsan ang sama ng loob nya.

“Dyan ka lang, kukuha lang ako ng tubig.” usad ko rito. Tumayo ako saka pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig ng may mahagip ang mga mata ko.

May isang taong nakatayo sa labas ng bintana ng office ko. Naka longsleve ito na polo at nakatack in yon sa bitin nitong letter pants.

Nakamasid lamang sya sa babaeng nasa sofa habang hindi parin natigil sa pag-iyak.

Nang makabalik ako ay muntik hikbi nalang ang naririnig ko. Pero hindi parin maalis sakin ang mag-alala lalo pat hindi ko rin kilala ang taong nasa labas ng company ko.

“Ali? Hey, what's wrong? did something really bad happened?” tanong ko rito.

Humihikbi parin sya, may sinasabi ito pero hindi ko naman halos marinig. Nang biglang bumukas ang pinto.

Kapwa pa naming sinilip kung sino yon pero, isang lalaki agad ang iniluwa non. Nanlilisik ang mga mata nya sa galit kayat alam kona agad kung anong ibig sabihin non.

“Stay away from her.” galit nitong usad saka ako pinabulaan ng suntok.

“No! What are you doing here? i told you na huwag ka ng magpakita pa sakin! bakit!”  umiiyak na turan ni Alliyah sa lalaking nadarating lamang.

Umintig ang panga nito habang nakatingin sakin, pero agad na lumambot ang expression nya ng lumapit sa kanya si Alliyah.

“Bakit kasama mo sya? ano bang meron sa kanya? At sino sya?” sunod sunod na tanong nito.

“Sino ka sa palagay mo para alamin? Wala naman tayong ugnayan sa isa't isa. Bakit ba sa tuwing makikita kita palagi nalang akong nasasaktan.” Usad nito.

“Please Ali, talk to me huwag mo naman sana kayong layasan kanina. Ganyan kaba kahina para hindi ipaglaban ang tama sa harapan ni lola.” nanginginig na wika nito.

“Lola? minaliit ako ng Lola mo, harap harapan yon kung ano ano pa yung sinasabi nya sakin. Sa tingin mo hindi ako nasasaktan don? Hance tao ako hindi ako robot na walang pakiramdam!” sigaw nito.

“No.. Ali please let's go.” hinawakan nito ang kamay ni Ali saka yon ginaya palabas ng opisina.

“Hance let.. me... go...” rinig kong sabi nito saka sya bumitaw sa pagkakahawak nito, nanlaki ang mga mata ko ng lumagutok ang mukha nito dahil sa malutong na sampal na inabot nya matapos bumitaw ni Ali.

“Ano bang ginawa ko sayo! sa inyo! bakit sa tuwing kasama kita palagi nalang akong nasasaktan. Pagod na pagod nako, gusto ko lang naman iparamdam sa iba ang gusto kong iparamdam din sakin pero bakit ganito naman kasakit.” umiiyak na wika ni Alliyah.

Mahigpit sya nitong niyakap mula sa likuran ng kanyang likod.

Please hear me first, please.” nagmamakaawang turan nito.

“Bakit?bakit!” sigaw ni Alliyah.

“Pre sa tingin ko mas magandang huwag mo nalang muna syang kausapin, hindi maganda ng lagay ng kaibigan ko ngay—” napahinto ako saking sasabihin ng tumitig ito sakin kalakip ng pagtitig nya ang reflection ko sa mga mata nya.

Nang tamaan ng liwanag yon ay napaatras ako sa kawalan ng mapagtanto kong hindi itim ang kulay ng mata nya, kundi pula.

Bright red-black eye colored.

Bitawan mo sya!” sigaw ko saka hinatak si Alliyah pero hinawi ako nito dahilan para tumalsik ako sa office table ko.

Yuri!” tawag ni Alliyah.

“Ayos..... lang ako, huwag kang lalapit sa kanya hindi sya tao.” nauutal kong wika dito.

Hance! Huwag mong idamay sa galit mo ang kaibigan ko.” tugon nito.

Ali! hindi sya tao, nagiiba ang kulay ng mga mata nya. Huwag kang sumama sa kanya, baka ano pang mangyare sayo.” Ani ko sa kanya.

Ali...” tawag nito, nakatitig lang sya kay Alliyah.

Nang lingunin ko ito ay napansin ko ang isang matulis na bagay sa mga labi nya na unti unting lumalabas.

Napapilig pako saking ulo bago ko narealize na ang matulis at mahabang bagay na nalabas sa labi nya ay isang,

Pangil! Bampira ka!” bulalas ko dito, hinawakan ko ang mga braso ni Alliyah bago tumayo at tunguin ang pinto.

Pero mabilis itong nagsarado, nag-iba rin ang pwesto at kinalalagyan namin ng mag-snap ito.

Hance! Ano nanaman ito.” sigaw ni Alliyah.

“Alam mo kung anong katauhang meron sya?” hinihingal na usad ko.

Tumingin ito sakin, umigkas naman ang kamay ni Hance tinaas nito ang kamay at walang pakundangang gumamit ng mahika upang hapitin si Alliyah.

“Kung ano mang kasalanang ginawa mo sa kaibigan ko, parang awa mona. Huwag sana sa ganitong paraan matatapos ang buhay namin.” usad ko.

“Hindi ko alam ang problema ninyo, gusto ko lang makatulong.” pakli kopa.

“Hance, huwag mo ng idamay si Yuri wala syang kinalaman dito, ako! ako ang may kasalanan, ako ang pumunta sa kanya.” usad ni Ali.

“Hindi ko gustong saktan kayo pareho, pero please Ali sumama ka sakin. Handa akong aminin ang lahat sayo, please pakinggan mo lang ako.” umiiyak na usad nito. “Please, himdi ko gustong saktan ang damdamin mo, hayaan mo lang sana akong magpaliwanag.”

“Kung yon ang makakatulong sa inyong dalawa, please ibalik mo muna ako sa opisina k—” napahinto ako saking sasabihin ng manlisik nanaman ang mata nito ng tumitig sakin. “Fine.” taas kamay kong sabi.

Please.” nagmamakaawang usad nito.

Matagal bago nag-isip si Alliyah bago tumango, lumapit sya rito saka hinawakan ang kamay nito.

Lumambot muli ang expression ng lalaking nag-ngangalang Hance, ang kaninang nanlilisik ang mga mata ay naging payapa, maging ang mga matutulis na pangil ay naging normal na ngipin.

Hinalikan nito sa noo si Alliyah na ikinatakip ko ng mukha, pero nang tignan ko ulit sila ay nakangiti na sakin si Alliyah bago ngumiti.

Nang pumitik muli si Hance ay saka lang naging normal ang lahat, lumiwanag ulit at bumalik narin ang hanay ng opisina ko.

Pero ng tignan ko ang mga ito at wala na sila sa kinatatayuan nila pareho na ikinapagtataka ko naman.

She knows that man is a vampire? how cruel it is.” bulong ko.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now