CHAPTER 5

11 2 0
                                    

ALLIYAH'S POV

“Kilala moba?” tanong ko sa kaibigan ko ng dumalaw ito sa condo ko. Umiling sya pagkatapos ay uminom ng kape.

“Pero alalahanin ko ang pangalang ibinigay nya sakin, kasi alam ko sa sarili ko na kahit bangag ako sa antok kagabi ay nagpakilala sya sakin.” wika naman nito.

“Eh yung trycicle driver?” tanong kopa.

“Hindi ko alam ali, kasi nung dumating yong lalaking yon bigla nalang silang nawala. Tapos pag balik, yung lalaki nalang na nagligtas sakin yung bumalik tapos wala nakong maalala sa mga sumunod.” umupo ako sa tabi nito at niyakap sya ng mahigpit.

Nagpapasalamat talaga ako sa lalaking yon dahil kung hindi dahil sa kanya baka pinaglalamayan na ngayon ang kaibigan ko.

Gusto ko sanang magpasalamat rito sa personal pero hindi naman maalala ni cleofa kung anong pangalan nito.

“Buti nalang walang nangyareng masama sayo, e yung driver kaya ano kayang nan—”

“Isang kakapasok lamang na balita ang pugad ngayon ng malaking issue sa pilipinas matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na halos hindi na maaninag ang itsura dahil sa lasog lasog na katawan.” napatuon ang tingin ko ng maputol ang sasabihin ko dahil sa balitang nasa telibisyon.

“Kuha lang kita ng tubig.” ani kopa dito.

“Hindi malaman kung ano ang punot dulo ng krimen na ito ngayon dahil ang pinaghihinalaan ng pulisya ay hayop na pagala gala sa kagubatan.” sabi pa nitong muli.

Tinutok nito ang sa isang pulis ang mikropono upang kunan ng panayam. Ganon na lamang ang pagkasindak ko ng makita ko ang tito ni cleofa.

Kahit sya nagulat din ng makita ko ang mukha nya ng makabalik ako sa sala.

“Sa ngayon, hindi pa namin masigurado kung sino ang may gawa ng krimen ngunit kung hayop man ito at sinisigurado namin na hindi na muli itong mangyayare, ngunit sa kabilang banda kung tao ito sana naman huwag mo ng antayin na aksyonan kapa ng mga alagad ng batas bago sumuko.” wika ng tito ni cleofa, makikita ang seryosong mukha nito bago ilipat ng exclusive ang mga photos ng biktima.

Ali......” biglang tawag sakin ng kaibigan ko. “S-sya.... sya yung trycicle driver na muntik ng gumahasa sakin kagabi.” utal utal nitong sabi.

Umupo akong muli sa sofa bago sya niyakap at pinatay ang TV. Alam ko sa mga oras na ito ay natatakot na sya, hindi ganon katapang si cleofa pagdating sa mga ganito.

Sadyang pinipilit nya lang upang hindi maging duwag sa harapan ng tito at mga magulang nya na gaya namin ay isa rin sa mga matatanyag na pulisya sa pilipinas.

Mas humigpit pa ang yakap nito ng marinig ko ang mahihinang hikbi nya na mas nagpadaklot sa puso ko.


LAST SUBJECT sa P.E. namin pero hindi parin ako makapag focus dahil inaalala ko si cleofa. Nilalagnat kasi sya at ang puro salitang nalabas sa bibig nya ay ang pangalan ng lalaking nagligtas sa kanya

“Ms Sandoval, what is the angle of 30°?” tanong sakin ng professor namin, marahan pa nitong tinuro ang stick nya sakin.

Uh? 15?” nalilito kong sagot, nagtawanan naman ang buong klase ng oras na yon.

Nang buong araw ding yon natapos na lahat lahat ng klase namin na wala man lang akong natutunan sa subject nya.

Balak ko sanang kumain pero agad akong nagdecide na umuwi nalang at puntahan si cleofa mamayang hapon.

Hindi ko kayang nakikitang nagkaaganon ang kaibigan ko ng dahil lang sa taong hindi naman nya kakilala, pero base sa lahat ng sinasabi nya ay parang matagal na silang magkakilala.

“Opo pauwi nako sa condo, pupunta ulit ako mamaya kila cleo baka kasi tumaas nanaman ang lagnat non walang magluluto para sa kanya.” Wika ko ng tumawag sakin ang mama ko.

“Okay sya, basta wag ka lang masyadong dumikit muna kay cleo baka ikaw naman ang magkasakit.” bilin nito sakin.

“Opo ma.” tugon ko naman, pagkatapos ay ibinababa ang tawag. Pero bago pa yon may nakita akong isang binatang pinagt-tripan ng mga kapwa binata din.

Masuyo ko silang sinaway mula sa kinatatayuan ko ay sumigaw ako upang bigyang pansin nila.

Hey! Tigilan nyo yan.” sigaw ko sa mga ito pero hindi parin kudos tumitigil kaya naman nilapitan kona ang mga ito.

Pero nagulat ako ng may mas nauna sakin na isa pang lalaki, nakatalikod ito sakin kaya hindi ko agad naaninag ang mukha nya pero ng magsalita ito ay parang pamilyar.

“Wala talaga kayong magawang matino ano? kaya pati bata pinagtitripan nyo.” wika nito sa malamlam at parang may pagkamalalim na boses.

“Sorry po doc, gusto lang naman namin syang hingiaan ng pagkain pero ayaw nya kasing magbigay.” sabi ng mga ito.

“Kaya kailangan nyong pilitin at harasin para bigyan kayo?” tanong nitong muli.

“Sorry po doc” hinging paumahin ng isang binatilyo.

Nah, pumunta na kayo ng cafeteria at umorder kayo ng kahit na anong gusto nyo, ako ng magbabayad mamaya — at ikaw naman little boy, sa susunod na anuhin ka ng mga ito ay magsumbong ka agad don sa guard, para mabigyan ulit sya ng leksyon.” wika pa nitong muli agad namang tumakbo ang mga batang yon papunta sa cafeteria at ang bata namang binully nila ay tumakbo sa kung saan.

Sinundan kopa yon sya ng tingin hanggang sa makaalis sya.

“At ikaw? sino ka naman?” napaiktad ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko.

“A-ah? e-eh” utal utal kong sabi bago dahan dahang humarap.

Ikaw?”

Ikaw?”

Halos sabay naming sabi sa isat isa, nakaduro ako sa kanya samatalang sya ay nakatingin lang sakin sa weird na paraan.

Ilang minuto pa kaming nagtitigan bago sabay na tumalikod.

Teka? sinusundan moba ako?”

Teka? sinusundan moba ako?”

nang humarap agad ako ay sakto ring harap nya, hindi ko alam kung coincidence lang ba kung bakit kami nagsasabay ng pagsasalita pero hindi kona intensyon na tanungin yon bagkos ay nagumpisa ng maglakad papaalis sa parteng yon.

Dirediretso lang ako hanggang sa makarating ko ang sakayan pauwi sa condo.








YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now