CHAPTER 19

10 2 0
                                    


ALLIYAH'S POV

Sa muling pagbukas ng mga mata ko ang syang kinagulat ko. Hindi ko mawari kung nasang lugar kami ngayon.

Mahigpit akong nakahawak sa mga kamay nyang nagsisilbing lakas ko sa mga oras na iyon.

Tumingin ako sa paligid ng napagtanto kong nasa iisang pwesto kami kung saang napakaraming puno at bulaklak.

“You know, it's so hard to tell anyone about my world. But you are so special to me that i couldn't even figured out how cruel our fate will be fade.” Unti unti syang bumitaw sa pagkakahawak ko ng mga sandaling iyon.

Lumakad ito patungong kabilang panig, sa bawat hakbang nya ang syang ikinadilim ng paligid namin.

Ang mga puno, bulaklak ay nagiging lantang maitim at walang siglang bagay.

“This is my world, this is how would i live for. ” wika pa nito.

“B-bakit?”

“Dahil ito ang tadhana, walang pwedeng magmahal sakin dahil lahat ng nadikit sakin ay namamatay, nalalanta at nawawalan ng buhay.” tugon nito.

“Pero.....”

“Oo iba ka sa kanila.” wika nito. Nagpatuloy pa ito sa paglalakad papuntang sa kabilang gawi.

“Pero bakit ako? I mean, magkaiba tayo ng mund—”

“Fate. It's our fate, it's your fate. It's my fate.” sunod sunod nitong tugon.

Natahimik ako sandali bago ako nagumpisang maglakad papunta sa kanya.

Nagulat ako, nabigla ng sa bawat paglalakad koy nagbabalik ang bawat sigla ng punong kahoy, bulaklak at ganda ng tanawin.

Maging sya'y nagulat din, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa pwesto nya saka hinawakan ang kamay nito.

Lumukso ang puso ko ng makita ko ang maliliit ng diamond.

“Ang ganda mo, lumuluha ka ng diamond.” mangha kong usad.

“Mahal kita, pero natatakot ako na baka balang araw maging tulad ng nangyare sa lola at lolo ko ay mangyayareng muli satin.” wika nito.

“Natatakot ako na baka masaktan kitang muli, ayoko ng makitang umiiyak ka ng dahil sakin, ayoko.” lumuluha nyang sabi.

Tumingkayad ako saka ko hinalikan ang labi nya bago punasan ang mga luha nito sa pisngi.

“Then love me.” Ani ko sa kanya.

“Hindi kana natatakot sakin...” dahilan pa nya.

“Shshshsh, why would i? if i am the one who can stopped you? To be your safe zone and calmness?” nakangiti kong sabi.

“Stubborn.” bungisngis nitong usad sakin saka tinatak ang kamay ko patungo sa kanya at muling pinatakan ng halik ang aking labi.



HATING GABI ng maalipungatan ako, tumagilid ako pero hindi ako agad nakagalaw dahil nakayakap parin sakin si Hance.

Uhm... Don't move.” ungol nito sa tabi ko.

“Nauuhaw nga kasi ako, bitaw ka mun—”

Pumitik ito saka may inabot sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay.

Isang pitcher na tubig at basong babasagin ang nakapatong sa mini table.

“Drink that and be back immediately.” usad nito habang nakapikit.

Tumayo nako dito ng bitawan nya ang katawan ko, mabilis kong kinuha ang baso saka nagsalin don ng tubig.

Para akong naglakbay sa isang taon sa sobrang pagkauhaw. Huminga pako ng malalim bago humiga ulit.

“Let's sleep again?” tanong nya.

“Hindi ka naman natutulog.” pilosopong sagot ko dito.

“Binabantayan kasi kita.” tugon nya na nagsilbing parang isang injection na tumurok sakin upang hindi ako makasagot.

“Hindi mo nga alam yung ginagawa ko e.” pagdadahilan kopa dito.

“Ali, kahit hindi ko makita o alamin. Alam ko naman yang iniisip mo. Isa pa napasok kaya ako sa panaginip mo.” wika nya sakin.

“Wag mong gagawin yan! Tatamaan ka sakin.” tumawa lang ito saka ulit yumakap sakin.

Namayani ang buong katahimikan sa buong kwarto, Hindi pala ito natulog sa kabaong bagkos ay sinamahan akong matulog buong magdamag sa kama nito.

Tumagilid ako sa kanya, pinagmasdan ang perpekto nyang hulma ng mukha't katawan. Ang perfect nya para sa isang doctor.

Bukod sa tangos ng ilong at puti ay kaya nya ring gawin ang lahat, pero ang isa ang naiba.

Hindi nya kayang pakalmahin ang sarili.

“Buti nalang at nandyan ka, kaya salamat. Hindi kona ulit hahayaang masaktan ka ng dahil sakin.” napatingin ako sa kanya.

“I told you, i can read your mind.” pagpapatuloy pa nya. Parang alam na alam nito ang bawat kilos na ginagawa ko.

“Pwedeng magtanong?” tanong ko pagkaraan.

Uhm, spill it.”

“Paano kung malaman nila”

I will protect yo—”

“Pano kung maparusahan ka dahil sakin?”

Mamamatay akong nagmamahal sayo.”

“Pano kung matanggal ka bilang isang hari?”

“Kaya kong i-give up ang lahat para sayo, inshort i will do everything just to make sure that you're safe with me.”

Bawat tanong ko ay napupunan nya agad ng mga sagot na mas lalong nagpapatibok ng puso ko.

Grabe itong bampira na to, kuhang kuha talaga ang puso ko kahit na sa maliliit na bagay ay mistula akong baliw dahil sa abot ng ngiti.

“Is there any questions?” he asked me.

“Nothing much more.” i replied.

“Then, let's sleep again?” nakangiti nitong sabi, tumingin pa ito sakin at inaantay ang sagot ko.

Tumango ako dito. “Yes we will.”

”Okay.” tumayo ito at humiga sa bandang leeg ko saka ako pinabulaan ng yakap.

“Huwag mokong kakagatin, sasabuyan kita ng bawang tamo.” humagalpak ito ng tawa na ikinairap ko sa inis.

“Kidding, promise I'll will not do that.” pigil tawa nitong sabi.

“Hance!”

“Okay fine! I'll give up.” taas kamay nyang sabi bago ulit humiga sa dibdib ko at yakapin ako.

Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti ng mga oras na yon dahil sa kapilyuhan nito, tinaas ko ang kamay ko saka yon pinatong sa ulo nya at hinagod hagod hanggang sa makatulog ito.

Nang marinig ko ang munting hilik nya ay don lang ako napatawa ng mahina.

“Hindi pala natutulog ha.” pigil tawa kong usad bago pumikit saka pinagpatuloy ang paghagod ng buhok nito.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now