CHAPTER 15

8 1 0
                                    

SOMEONE'S POV

Pupunta na sana ako sa opisina ni Professor De Silva para sana sabihan sya sa board meeting mamayang 3pm pero nagulat ako ng makasalubong ko ito.

Napatanga ako ng makita ko ang abot tenga nyang ngiti habang naglalakad sa hallway ng umaga na yon.

Prof! Doc!” mahinang bulong ko, napatingin ito sakin at saka naglaho bigla ang ngiti at napalitan ng seryosong mukha nanaman nya.

What?” he asked directly.

Wala man lang pasintabi si Doc grabe agad ang kasungitan tatanong palang e.

“May board meeting daw po kayo mamaya kasama ang mga taga London na surgery doctors. And.....” mukhang nag-aantay ito ng sasabihin ko dahil sa facial expression na nakikita ko sa kanya.

Duke! Sabihin mona, kanina pako nakatayo dito.” naiinip na usad nito.

“E nakakakaba ka kasi doc tumingin e, para mo naman akong kakainin ng buhay nyan kanina lang kasi nakangiti ka tapos nung tinawag kita bigla kang naging masungit nanaman.” makahulugang sabi ko, ngumisi ito saka naglakad.

“Hindi kapa nasanay,” huminto ulit ito sa gitna ng hall malapit sa nurse station. “Teka may sasabihin kapa ba?” tanong pa nya.

“Opo, uuwi raw po ang Dra. Crisitina mamaya sa lunch and gusto ka nyang makausap.” wika ko pa.

Mukhang nagulat ito ng banggitin ko ang ngalan ng lola nya. Yes, his lola is a doctor too in this hospital.

Malawak ang hospital ng nga De Silva alam kong nagpatayo narin sila sa London kaya naman sikat na sikat ang apelido nila sa kung saang lumalop ng mundo.

Alright, that's all?” nang tumango ako ay nagpatuloy na ito sa paglalakad. “Have a great day Duke!” usad pa nya habang nakatalikod.

Napailing nalang ako saka tumungo sa nurse station upang tapusin ang duty ko ng umaga na yon.

Gustong gusto ko na talagang umuwi, kagabi pako gising para mag rounds ng mag rounds sa mga dinalang patients nung isang araw.

Nakalimutan kopang kumain dahil sa taranta ko kaninang madaling araw sa isang patients na nagflat line kaya agad kong tinawagan si Doc Xedlar at Prof De silva.

Buti nalang at naagapan nila ang patient bago ito tuluyang bawian ng buhay. Hangang hanga ako bilang isang Doctor sa mga surgeons na nakapaligid sa hospital at isa naron si Doc De Silva.

Duke!” napalingon ako sa gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Ngumiti ako ng makita ko si Nurse Hanashi. Kumaway ako rito upang tumugon sa tawag nya.

Bukod sakin at kasa-kasama ko rin sya at si Xalenm at Hexeler isa sa mga babubuting staffs din sa hospital nila Doc De silva.

Simula palang noong una kong duty bilang medical student ay sila na agad ang naging kaibigan ko at kasa-kasama sa mga duties and rounds dito sa hospital lalo na kapag pare-parehas kami ng duties hours.

“Hys kapagod.” biglang usad ni Xalenm.

“Kakatapos ko lang iayos yung mga gamot don sa stock room grabe sobrang sakit ng balakang ko.” wika naman ni Hexeler.

“E ikaw? anong nakakapagod na experience mo?” natatawa kong usad kay nurse Hanashi.

“Wala nag rounds lang ako kanina tapos may nakakainis na mag-asawang bumisita sa isang patients tapos hindi man lang nag-ayos ng mga kalat lapit lapit lang ng basurahan e, sa inis ko nilayasan ko nalang.” natawa kaming tatlo sa sinabi nito.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now