CHAPTER 21

5 1 0
                                    

HEDUZ POV

Nakatingala ako sa kisame ng bahay ko ng makaramdam ako ng kakaiba sinabayan pa yon ng kulog at kidlat na mas lalong nagpapatibok ng puso ko.

Pumasok ako ng sala at nadatnan ron ang kasintahan kong si Cleofa. Abala ito sa thesis na ginagawa nya ng mapagtanto nyang pumasok ako.

“uhm, okay ka lang? ang putla mo.” saad nito ng makapasok agad ako sa sala. “Ay sabagay, mapuputla pala ang mga bampira.” ngising bawi nito sakin.

Maganda ang joke na yon para sakin na gustong gusto palagi ang mga banat nya pero ng araw na yon ay para akong paniki na nakawala sa gubat at ngayon ay hinahanap ang bawat masukal na paligid.

“Himala, hindi tumawa. Okay ka lang ba talaga? mamumutla ka talaga.” wika nito sakin.

Tumayo ito upang daluhan ako, mahigpit akong napakapit sa kanyang braso ng manghina ang mga paa ko. Napaupo kami sa sofa bago kopa maitapak ang mga paa ko sa sahig ng bahay.

“Okat ka lang? Gusto mong uminom muna ng tub— nagdudugo yung ilong mo!” pakli nito sakin mabilis nitong kinuha ang face towel sa gilid ng upuan at pinagtakip yon sa ilong ko.

“Pakiramdam ko ay parang may hindi magandang mangyayare.” sa wakas ay nasabi kona rin ang gusto kong sabihin.

“Bakit? may problema ba?” nag-aalalang wika nito, nakaantabay parin ang mga kamay nyang may towel sa ilong ko na patuloy parin sa pagdurugo.

“Kukuha kita ng tubig? Gusto mo bang uminom muna?” tanong nito sakin ng hindi ako agad makasagot sa sinabi nya.

Umiling ako saka hinawakan ang kamay nya.

“Pwede ba akong makasuyo? Pakitawagan si Hance ngayon na. May gusto lang akong malaman.” mukhang nagtaka ito sa sinabi ko dahil hindi parin sya nakilos sa pinagkakaupuan nya. “Please?”

Tumango ito pagkatapos ay tumayo, ilang minuto ang tinagal nito bago makabalik sa sala.

“Papunta na raw si—” nabitawan nito ang dalang cellphone ng bumungad sa harapan nya sila Hance at Alliyah.

“What happened?” tanong ko agad nito, lumapit sakin si Hance samantalang si Alliyah naman ang dumampot ng cellphone at inabot yon sa kaibigan sabay yumakap dito ng mahigpit.

“Nagteleport kayo?” rinig kong tanong nito kay Alliyah.

“Pwede nyo ba kaming iwan lang sandali?” tanong ko sa kanilang dalawa. Marahang niyakag ni Ali ang girlfriend ko paakyat sa second floor ng bahay.

Nang maramdaman naming wala na sila sala ay saka pa lamang nagsalita si Hance. Dinampian ko rin ng palad ko ang ilong ko at matagumpay na pinaalis ang dugong dumadaloy rito.

“Alam na ni lola ang tungkol samin ni Alliyah.” napalingon ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nyang yon. “Pati ang inyo ni Cleofa.”

“Ano? paanong?—”

“Hindi ako nangangamba sa inyong dalawa ni cleofa, pero ang inaalala ko ay si Alliyah. Ayokong madamay sya sa mga nangyayare sa buhay ko. Pero ayoko rin na iwan sya sa ere gayong nagiging maayos na ang pagsasama namin at gumagaan na ang loon nya sakin.” usad nito.

“Kayo naba? bakit ganon ka nalang kung makapag protekta sa kanya?” umiling ito sakin.

“One night past away, nanaginip ako. May isang babaeng nakagapos at naka tali ang kamay saka paa. Pinaslang yon sa harapan ko gamit ang sandata ni husefa. Hindi ko makilala ang mukha nya ngunit meron isang bahagi sa puso ko ang kusang sumakit ng bumagsak sya sa lupa at kinandong ko sa mga bisig ko.” kwento nya.

“Kilala moba?” tanong ko.

“Hindi. Hindi ko rin sya namumukhaan sa mga naging kasintahan ko ngunit meron talagang kakaiba sa babaeng nakagapos na yon. Hindi ako ganito sa mga kakilala ko, pero sobra ang pangamba ko.” tugon nito.

“Sino sya?” tanong ko naman saking sarili.

Natahimik kaming dalawa dahil kapwa kami ay hindi malaman kung sino ang babaeng tinutukoy ni Hance sa mga sinabi nito sakin.

“Andoron ka nung araw na yon sa panaginip ko, ikaw pa mismo ang tumawag sakin na nandyan na sila sa labas. Paglabas natin, andon ang hari at mga kapwa kapulungan natin maging ang lola Christina nandon din.” wika nya.

“Ako? kaya ba dumurugo ang ilong ko dahil sa ganyang panaginip mo?” usad ko naman.

“Maybe ? I swear to my community may hindi magandang nangyayare sa pagitan ng mga bampira at tao. Hindi ko kayang may madamay pa ng dahil dito hindi kopa nasasabi kay Alliyah ang ganong set up, gusto kong pumunta sa lagusan ng vampire land para malaman kung anong nangyayare ngunit baka magulat sila kung bumalik ako dahil lang sa babaeng tao.” saad nya.

“Kung babalik ka, sasama ako. Hindi ko hahayaang babalik kang mag-isa ron. Nangangamba din ako na baka mamaya ay madamay ang mga tao sa pagitan natin.” wika ko.

“Tatawagan kita bukas ng madaling araw para makapunta tayo ron aga—”

“Aalis kayo? bakit at para san?” nagulat kami pareho ng hindi namin mamalayang nasa tabi na namin sila.

Hance?” tawag ni Alliyah kay Doc.

“Babalik ako agad, pangako may aayusin lang kami sa vampiredom hindi kona rin matiis na nagdudusa si Heduz dahil sa ganitong pangyayari kaya need naming makapunta agad don at ayusin ang problema.” usad ni Hance.

“Babalik ka? babalikan nyo kami diba?” nagumpisa ng gumaralgal ang boses ni Alliyah halatang iiyak na ito dahil sa pamamaos ng boses nya.

“babalik ako, babalikan kita pangako.” usad nito kay Alliyah.

“Bumalik kayo kundi, baka kami na ang magkatuluyan nyan.” sabay sabay kaming tatlo na napatingin kay cleofa ng magsalita ito. “Joke lang.”

Matapos ang usapan na yon ay nagkanya kanya na silang uwi ng mga bahay habang kami naman ni cleofa ay tumuloy narin sa pagpapahinga.

Mahimbing itong natutulog sa balikat ko , iniisip ko kung ano ang mangyayare sa kanila habang wala kami.

Subalit hindi rin mawala sa isip ko kapag hindi kami makabalik sa vampiredom ay baka may masamang mangyare sa parehong mundong inaapaka namin ni Hance.

Tulad nya ay ayaw ko ring madamay ang mga mahal namin sa buhay kung sakali. Kaya habang maaga pa ay gagawin na namin ang nararapat upang wala ng masawi ng dahil sa amin.

YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now