CHAPTER 6

9 2 0
                                    

AUTHOR'S POV


Sa muling pagkikita ng dalawa ay naroroon nanaman ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ni hance. Sa tuwing makikita nya ang dalagang si Alliyah ay hindi nito maiwasang maging bastos sa paningin ng dalaga sa tuwing ilalapat nya ng tingin ang mga mata nya sa leeg nito.

Hindi nya maintindihan kung bakit ganon, o sadyang pinapakalma lang sya nito para kahit papaano ay hindi sya makagawa ng kahit na ano mang masamang gawain sa harapan nito.

Nagmamadali syang bumalik sa hospital ng mga oras na yon, samantalang si alliyah naman ay dumeretso papuntang sasakyan upang makauwi at makadalaw mamaya sa may sakit na kaibigan.

Hindi nila lubos kilala ang isat isa pero tila may kung anong kuryente ang palaging nararamdaman sa tuwing magkikita silang dalawa.

Oh! Good Morning doc, kanina pa kita hinahanap. Kanina pako paikot ikot pero hindi kita makita, teka san kaba galing? bat pawis na pawis ka?” Tanong agad ng nurse na si William ng makita si hance na kakapasok lang ng entrance.

“It's none of your business.” masungit na tugon sa kanya ng binata kaya naman napakamot ito ng ulo at pinagmasdan ang paglalakad ng doctor sa pasilyo ng hospital.

“Sungit naman, badtrip agad e nagtatanong lang naman.” kamot ulong wika nito.

Halos lahat ng tao sa pasilyong nadaraanan ni hance ay kapwa binabati sya, hindi dahil alam ng mga ito na apo sya ng presidente ng hospital kundi ay dahil sa famous sya at galing sa pagoopeera.

Ang mga kabataan ngayon ay gustong gustong maging kagaya nya, maging isang tanyag na doctor na iniidolo ng lahat pagdating sa larangan ng medisina.

“Good Morning Professor De silva.”

“Good Morning Doc Hance.”

“Good Morning po professor.”

Sabay sabay na wika ng makadaan sya pero ni ganting bati ay wala man lang itinugon ang binata sa mga ito, kundi ay dumeretso lang papuntang opisina at pumasok.

“Mukhang badtrip nanaman si doc ah?” wika ng isang nurse.

“Oo nga e , patay nanaman tayo nito.” tugon naman ng dalawang kasama nito.

Naupo agad sa swivel chair si hance at pinaikot yon patalikod. Pumikit sya pagkatapos ay hinawakan ang ulo.

Sumasakit na ang mga yon kung tutuusin sa dami ng iniisip nya. Sumabay pa ang palaging pagiging weird nya sa harapan ng babae kanina.

Hindi nya lubos maisip kung bakit ganon lagi ang tanong nya sa tuwing magkikita sila, hindi naman nya ito kilala at mas lalong hindi naman nya ugaling magkaroon ng kakilala at mangeelam sa buhay ng iba pero ang babaeng yon ay palaging tumatakbo sa isipan nya na kahit anong gawin nyang paraan para hindi ito maisip at ang mala anghel na mukha ay wala paring talab.

“Hays, paano ako makakapag focus sa next operation ko kung ikaw nanaman ang nasa isip ko.” marahan nyang tinanpal ang noo pagkatapos ay umikot at ibinagsak ang ulo.

Bago pa yon ay nagflash bigla sa isip nya ang nangyare kanina na halos magsabay sila sa pagsasalita.

Ikaw?

Ikaw?

Teka? sinusundan moba ako?

Teka? sinusundan moba ako?

“Damn hance, please focus on your patients disease first!!! pleasee... please..” he whispered.


HAPON na ng makauwi si Alliyah sa condo nya, she felt so tired and exhausted kahit na wala naman syang ginawa sa buong klase nya kaninang umaga.

Humiga sya sa sofa at saglit na gustong makatulog pero paikot ikot lang sya at hindi parin nadadapuan ng antok.

Hys” she whispered. “Saglit na tulog lang bat ayaw mo pa akong pagbigyan lord.” wika nya sa kanyang sarili habang nakatakip ng mga mata ang mukha.

Tumayo sya sa sofa at tinungo ng kusina, binuksan ang ref pero wala namang kinuha. Hindi nya alam kung ano ng nangyayare sa kanya ng mga oras na yon. Napapiksi pa sya sa pang ring ng cellphone nya ng tumawag ang kaibigang si cleofa at pinapapunta nito sya sa bahay upang magkaroon ng kasama.

Hindi naman nagatubili ang dalaga kaya naman nagmadali syang maligo ay mag-ayos para sa kaibigan.

Umuulan ng gabing yon kaya nahirapan syang makasakay, ilang oras syang nakatayo sa waitingshed kanina parin tumawag ang kaibigan at tinatanong kung nasan na ito ngunit hinging paumahin lang ang binigay ng dalaga at sinabing antayin nalang sya dahil dun rin naman sya magpapalipas ng gabi.

“Basta mag-ingat ka, alam mo naman na ang passcode kaya no need mo ng tumawag.” wika nito sa kabilang linya.

Binaba nya ang tawag at sakto namang may kung anong sasakyan ang pumara sa tapat nya. Nang bumukas ang salamin nito at Doon pa lamang nya na napagtantong ang lalaking nakasagupa nya kanina ang nasa loob non.

“Tara! hatid na kita kung saan ka man, don't worry hindi ako masama. Kanina pa kasi kita nakikitang nakatayo and i know medyo malalim na ang gabi para magkaroon pa ng masasakyan.” wika ni hance sa dalaga, nagaalangan pa ito pero buo na ang desisyon ni alliyah, sumakay na sya sa passenger seat at pinunasan ang sarili.

“villa luiza phase 5 lang, magbabayad ako. Need ko lang talagang makarating pasensya na, nag-aantay din kasi ang kaibigan ko.” usad ni alliyah.

Um, gabing gabi na kasi at naisipan mo pang mag-gala.” wika naman ng binata.

“No, may sakit kasi sya and nirequest nya na kung pwede ko ba syang ma—” agad itong natigilan ng makita ang doctor suit na nakapatong sa upuan nito. “Doctor ka?”

Agad na napatakip si aliyah ng kanyang bibig ng mapagtanto ang sinabi. Out of nowhere magsasalita sya o magtatanong sa hindi naman nya kakilala.

“Yes, actually.” wika naman ni hance dito.

“sorry natanong ko, parang pamilyar kasi yung surname mo. May kamag anak kapa bang gaya mong doctor din?” tanong pa ng dalaga.

“Um, my grandfather.” nanlaki ang mga mata ni alliyah sa sagot ng binata sa kanya.

Matapos yon ay natahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan. Hanggang sa sabihin ng binata na naroroon na sila sa destinasyon na itinuro nya.

“what was that?” he ask her when he saw some of money in Alliyah's hand.

“Bayad?” takang sagot nito.

“Ha? wala naman akong sinabing magbayad ka.” marahang humina ang boses ng binata. “unless kung magpapakagat ka sa leeg.”

“Ano kamo? may binubulong ka?” tanong nitong muli, marahas syang umiling upang itago ang sinabi.

“Anyways, Am Hance De Silva, And you—”

Alliyah... Alliyah Sandoval.” hindi na agad pinatapos ng dalaga ang pagsasalita ni hange at agad ng sinabi ang kanyang ngalan bago ito magpaalam na aakyat na sa kaibigan.

“She's so familiar.” hance whispered while he was watching the lady walking in the condo. “ I think kilala ko sya? ” Kausap nya sa sarili ng makaalis ang dalaga sa harapan nya. Ganon nalang ang gulat nya ng may tumawag sa kanya na nagpabalik sa dating katinuan nya.

“Yes? Speaking, Yep. Coming wait for a while.” Hance said.








YOUR DOCTOR Where stories live. Discover now