CHAPTER 17

6 1 0
                                    

AUTHOR'S POV


Hindi akalain ng dalagang si Alliyah na makakasama nya sa lunch time ang matagal na nyang gustong makilala, yun ay ang lola ni Hance.

Kahit na kinakabahan sya ay pinaskil nya parin ang ngiti nya upang hindi sya magmukhang masungit sa paningin nito.

ineexpect nyang matanda na at ugod ugod na ang lola ni Hance dahil sa edad nito ngunit nagulat sya ng makitang mas bata pa ito sa nanay at tatay nya.

Its.... uhm... ah... it's...” hindi nya halos maituloy ang sasabihin ng hindi maalis ang tingin nya rito, sobrang manghang mangha sya sa itsura nito.

“What was this for lola?” wika ni Hance dito.

“Narinig kong gusto akong makilala ng girlfriend mo, it's her opportunity to meet a old vampire.” pinamulhan ng mukha si Alliyah ng marinig nya ang salitang girlfriend na binigkas ng lola ni Hance.

“G-girlfriend? p-paano? ha?” hindi nya malaman kung anong sasabihin dahil sa hindi nya maayos ang pananalita nya sa tuwing titingin sya sa lola ni Hance.

“Don't mind what she was sayi—”

“Am i right ? she's the girl you've been talk about last time?” naglipat lipat ang tingin ng matanda sakin papunta kay Hance na seryosong seryoso ang mukha.

“Paano po? m-magkaibigan lang naman kami.” inosenteng sagot ni Alliyah.

“She likes you. More more like yo—”

Lola!!!” napaatras si Alliyah ng marinig nya ang sigaw ni Hance sa lola nito. Napabitaw din ang braso nyang nakakapit sa braso nito.

Hindi akalain ni Alliyah na magagawa ni Hance ang bagay na yon sa lola nito. Sobra syang nagulat sa nangyare kaya naman ng sabihin ng mga ito na iwan muna nya saglit upang makapag usap ay saka lang sya nabigyan ng excuse upang makalabas.

Nang makalabas sya, umupo sya sa isang stole at umorder ng strawberry smoothie. Iniabot sa kanya yon ng bartender.

“Salamat.” usad nya, sumimsim sya ron ng maunti pero agad na sumakit ang ulo nya dahil sa sobrang lamig ng smoothie nya.

“Kasama ka nila?” napalingon sya ng marinig nya ang matikas na boses ng bartender.

Nagpalinga linga sya sa paligid upang masiguro na sya nga ang tinutukoy nito, pagkatapos ay tinuro nya ang sarili saka naman tumango ito.

“Ah, nakita ko kasing kasama ka ni Doc De Silva. Ikaw pala yung special guest na sinasabi ni Madam Crisitina.” usad nito sa kanya.

Nagpatango tango nalang sya dahil sa hindi nya alam kung anong sasabihin o ibibigkas nya ng mga oras na iyon.

“E, kung ikaw si Ms. Alliyah bakit naririto ka sa labas?” tanong nito pagkaraan ng ilang oras.

Dahil napasarap sya sa ginawang smoothie ng bartender ay umorder pa sya ng iilan pa ulit upang maibsan ang pagkaboring.

“May mahalaga kasi silang dapat pag-usapan kaya lumabas nalang ako, silbing privacy nadin.” usad ng dalaga.

Samantalang si Hance ay halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis sa kanyang Lola na kanina pa nakikipag usosyo sa kanya at kay Alliyah.

Hindi nya tuloy matukoy kung papaano kakausapin ang dalaga dahil sa sinabi ng lola nya kanina.

“Then if you want to live with her, just do what you want. Pero pagdating ng araw, iiwanan mo rin sya at babalik sa trono na panandaliang iiwanan mo.” ungkat ng lola nya.

“I can't do that lola, i... i... i... i-i love her.” napatungo ang lola nya dahil sa binitawan nyang mga salita.

Galit itong tumingin sa kanya.

“You can do that! Ipagpapalit mopa ang mas paninindiga mo kesa dyan sa babaeng wala namang alam kundi ang mahalin ka!” sigaw nito sa kanya.

Gayong nanlilisik na sa galit ang lola nya ay saka naman sumikdo ang puso nya.

“Hindi ko yun kayang gawin sa kanya, ngayong naguumpisa na akong gustuhin ang babaeng yon. Pwede ko namang pagsabayin ang pamumuno ko sa community ng mga bampira bilang kauna unahang prinsipe—”

“Prinsipe? Community ng mga bampira? gugustuhin?” napahinto sa pagsasalita si Hance ng marinig ang tinig ni Alliyah. Humarap sya rito at kahit nasa malayo sya ay nakikita nya ang pagkalito sa mukha nito na syang mas lalong nagpakaba sa kanya.

“Yes, tama ang narinig mo. Ang lalaking kinakalantari mo ngayon ay magiging isang prinsipe at hari ng mga bampira.” tugon ng lola nya.

Nakayuko lamang si Hance dahil hindi nya alam kung anong sasabihin dito sa mga oras na yon.

“Kinakalantari? mawalang g-galang na ho,” narinig nyang nag-crack ang boses ni Alliyah kaya naman alam na nya ang kasunod non.

Inangat nya ang kanyang ulo saka unti unting nilalapitan ito ngunit,

“Dyan ka lang! Huwag kang lalapit sakin.” sigaw ni Alliyah bago pa sya tuluyang makalapit sa dalaga.

“Una sa lahat hindi ko nilalandi ang apo ninyo. Pumunta ako rito ng may galang at ngiti upang itaas kayo dahil sa mga naririnig ko about sa pag-uugali ninyo, pero nagkamali ako.” umiiyak na ani nito.

“Aba bastos k—” itinaas ng matanda ang kamay nya upang gamitan ng mahika si Alliyah ngunit mabilis na nakapag tapik ng mga daliri si Hance upang makontrol ang kung ano mang binabalak ng lola nya.

“Tulad ng sinabi ko kanina magkaibigan lang kami. Oo aaminin ko, naniwala ako sa sinabi nyo kaninang pwedeng magkagusto sakin si Hance pero wala akong intensyon na guluhin ang buhay nya para hindi maka-akyat sa trono ninyo.” pagpapatuloy nito.

Lalong sumasakit ang dibdib ni Hance sa tuwing makikita itong umiiiyak ay pawang pinagtatagpi tagpi ang puso nya.

“Pero kahit ganon, bilang isang pamilya. Alam ko sa sarili ko na kapag puso ang may gusto kahit na anong isip pa ang pumutol hinding hindi yon mapipigilan. Sana maging patas kayo sa mga bagay o tao na nakakasalamuha ninyo. Hindi sa lahat ng oras ay palaging mabuti, oo may kapangyarihan kayo kaya nyong kontrolin ang lahat tulad nalang ng ginagawa ninyo ngayon pero hindi porket may mga abilidad kayo ay gagamitin nyo na yon para umapak ng mas mababa pa sa inyo.” mahabang usad nito.

Ali....” Hance whispered while slowly moving.

I said stop! isa kapa, siguro kaya pinapunta nyo lang ako rito dahil para ipamukha sakin na wala akong binatbat sa kung anong meron kayo. Tao din ako, nasasaktan dun palang sa part na sasabihan nyo ako na kinakalantari ko ang apo ninyo ay masakit na sakin.” Pakli ng dalaga.

Nang lingunin ni Hance ang kanyang lola ay lumambot ang expression ng mukha nito at saka yumuko.

“Hindi ko kasalanang magkagusto sya sakin.” Alliyah said with soft and quietly down voice.

“Kung ganon, layuan mo ang apo ko at bibigay ko ang kung anong gusto mo. Pera? yaman? kapangyarihan? ano! sabihin mo! huwag lang masira ang pamana nya dahil sa isang katulad m—”

Lola!” umigkas ang kamay ng binata kaya naman tumalsik ang lola nya sa kabilang mesa. Ininda nito ang sakit pero mabilis parang tumayo upang hindi na mas nakakahiya pa.

“Hindi ko kailangan ng yaman nyo, kaya kong buhayin ang sarili ko sa mabuting paraan na gagawin ko. At ikaw.” baling sa kanya nito.

“Don't you dare to show your face on me.” sa muling pakikipag kapwa mata ay naramdaman ni Hance ang bagay na tila naramdaman na nya dati.

Ang mga matang punong puno ang luha, ang damdamin at boses na nagbibigay pait dahil sa sakit na nadarama ay muling nagbigay sa kanya ng isang nakakalitong pangyayari na minsan ding dumaan sa buhay nya.

Ali...”

“And don't bothered me again, doc.” matigas na sabi nito saka tinungo ang pinto at umalis.





YOUR DOCTOR Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora