Chapter 18 "Love always hopes"

402 10 0
  • Dedicated to Ella Mangahas :)
                                    

Nasa tapat ako ng salamin ngayon at nag-aayos.

Wala naman akong pupuntahan. Sila kasi ang pupunta dito.

Kung nagtataka kayo kung sino ang tinutukoy ko, well sino pa ba kung hindi.....

Ang BFF’s ko.

Well, hindi ko sila kayang tiisin eh.

Pagkacheck ko ba naman kasi ng facebook ko, GRABE. Tinadtad nila ako ng “Sorry” sa wall at messages ko. At nung nakita nilang online na ako, tinadtad naman nila ako sa chat.

Ayaw naman nila akong tadtarin eh noh? Parang magkacrash na yung internet ko dahil sa sobrang dami nilang chinachat sakin.

Hindi rin nakalampas sa kanila ang inbox ko sa phone. Naghung na nga yung cellphone ko dahil sa maraming messages na pumapasok.

Pano ba namang hindi ko sila pagbibigyan sa daming torture na binigay nila sakin, diba?

Kaya ayaw ko man na pumunta sila dito sa bahay, napilitan pa rin akong pumayag sa gusto nila.

Bukas pa ang dating nila papa at tita kaya kami lang ni Caleb at syempre ang mga maids ang nandito.

“Aba, nagpapaganda ah!”

Nakita ko si Caleb sa may pinto ng banyo ko. Iniwan ko lang na bukas yun dahil nag-aayos na lang naman ako.

“Ilang beses ko bang sasabihin na kumatok ka kapag papasok ka ha?”

“Hoy! Kumatok kaya ako. Bingi ka lang kaya hindi mo narinig.”

“Aba. At nasabihan pa kong bingi ha”

Tumawa lang siya.

“Oo nga pala, bakit ka ba nag-aayos ngayon? May date ka?”

“Porket ba nag-aayos may date na agad?”

“Oo. Ngayon ka lang nag-ayos ng ganyan eh. Lagi kasing natural beauty ang pinapairal mo”

Aba. May nalalaman pang natural beauty?!

“May lakad ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya para maiba lang yung topic.

“Wala naman. Wag mong sabihin na ako ang gusto mong kadate?” sabi niya at ngumiti siya sakin ng nakakaloko.

“Ang kapal mo ah!” sabi ko sabay bato ng toothbrush na nasa banyo ko pero hindi ginagamit.

“Bakit ba lagi kang nambabato ha?”

“Eh kasi kung ano ano yang pinagsasabi mo eh!”

“Don’t worry, kahit naman hindi mo na ko batuhin ay tinatamaan na ko sayo”

“Ano ba yang pinagsasasabi mo?”

Binato ko naman siya ng suklay.

“Aray ah! Masakit yun. Gantihan kita dyan eh”

“Sige nga. Anong gagawin mo? Susuntukin mo ko?”

Lumapit siya sakin. Yung sobrang lapit na naman na nararamdaman ko na yung hininga niya.

“Halikan kita dyan eh.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Itutulak ko na sana siya ng may narinig ako boses.

“YAN YA-!” sigaw niya

Nagulat ata siya.

“Ayy.. Sorry..”

“Wait. Hanna!” sabi ko habang tumatakbo palabas ng banyo.

Ugh! Ano naman kayang iniisip niya? Baka akala niya may ginagawa kaming milagro. Nako! Mga utak nga naman ng tao oh.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now