MBB Specials "Before It All Started" : The Starting Line

297 9 2
                                    

Paano nga ba ako nagkacrush kay Caleb Salazar na naging dahilan ng pagkakomplikado ng buhay ko?

Well, let me start with the day I first met him...

**

Tradisyon na sa school namin na every quarter ay may recognition day. Sa araw na ito, binibigyan ang mga honor students bawat year level at top 10 ng bawat section ng certificate as an appreciation for their hard work and perseverance in their studies.

After ng ceremony ay bigayan naman ng report card kaya maya maya ay nandito na ang mga magulang namin.

Pero ngayon, dahil gusto ng mga guro namin na maging smooth ang flow ng program, nagdaos sila ng practice.

Mamaya pa naman ang ceremony kaya may time pa para magpractice.

Since ikalawang taon ko naman na dito sa high school, medyo nasasanay na ako sa mga ganito nila. Noong grade school naman kasi walang ganito eh. Dati, first honor lang ang pinararangalan every quarter.

"Clemente!"

Napalingon ako sa direksyon ng boses na 'yon.

Yikes! Si Ms. Torres pala ang tumawag sa'kin.

"Tulala, Ms. Clemente?" tanong niya sa'kin nang nakatingin na ako sa kanya.

Natawa naman ang mga nasa paligid namin na nakarinig.

Napayuko na lang ako sa kahihiyan habang tinuturo sa'kin ni ma'am ang pwestong uupuan ko.

Umupo na ako sa pwesto ko at maswerteng nakatabi si Spencer. Magkasunod kasi kami ng rank eh. Ako pang7, siya naman pang 8.

Niligid ko ang mata ko sa paligid habang naghihintay na magsimula na ang practice at napansin kong walang nakaupo sa tabi ko.

"Charlotte!" tawag ko sa kaklase kong top 6.

Lumingon naman siya nang marinig ang tawag ko.

"Hm?"

"Bakit ka nandyan? Hindi ba dapat magkatabi tayo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Ewan. Basta dito ako pinwesto ni Ma'am Torres eh." sagot niya sa'kin.

Medyo mahina ang boses ni Charlotte kaya kailangan ko pang mas lumapit at naoccupy ng kamay ko ang blankong silya.

Nanatili lang kaming ganoon ni Charlotte at nag-usap.

"Miss." narinig kong may nagsalita.

Tumungo ako at may nakita akong lalaki.

Hindi ko siya kilala. Siguro transferee lang siya.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Dyan daw kasi ako eh." sabi niya at itinuro niya ang silyang pinapatungan ng kamay ko.

Huh?

Nagtataka ako kung bakit may transferee na nasingit sa'min. Pero hindi na ako nagtangkang magtanong pa kay ma'am o kay lalaking singitero na mukhang walang alam at nakipagkwentuhan na lang ako kay Spencer.

Natapos ang practice namin at pinagrecess na kaming lahat.

Pero ako, hinatak ko si Spencer at inaya kong samahan ako sa adviser namin.

"Anong kailangan mo kay ma'am?" tanong ni Spencer habang papunta kami kay ma'am.

"Hindi ka ba nagtataka? Bakit may transferee na nasingit sa'tin? Eh alam ko dapat puro tigasection A lang ang nandoon dahil tayo lang ang honors."

Nagkibit-balikat lang si Spencer na kaparehas kong walang ideya sa nangyayari.

Nang sa wakas ay makalapit na kami kay ma'am, itinanong ko na ang bagay na bumubulabog sa'kin.

"Ma'am, bakit po may transferee na nasingit sa'min? Akala ko po ba mga candidates for honor lang ang makakasama?"

"Ah, 'yon ba? Umabot kasi ang grades niya sa requirement para maging honor student. Above 91 rin ang average niya katulad niyo. Ang galing nga niya, right? Kahit nasa ibang section siya, he still stood out." sagot ng teacher ko.

So, posible pala 'yon?

Nang makuha ko na ang sagot sa tanong ko, umalis na kami gymnasium.

**

Oras na ng recognition at nasa kanya-kanyang pwesto na kami. Katulad nga kanina, katabi ko si transferee guy.

Nakakainis siya! Dahil sa kanya, bumaba ang rank ko.

Lumingon ako sa kanan ko para kausapin si Spencer pero napansin kong masaya niyang kausap ang isa pang katabi niya.

Tss, wala naman akong makausap dito. Hay, ang boring pa naman kung walang kachikahan.

*TING!*

Alam ko na.

Kinausap ko si Charlotte at pinagkwentuhan namin ang librong Hunger Games na parehas na naming nabasa.

It's like killing two birds with one stone. Nakapagchikahan pa ako para hindi mabored, naout of place ko pa si Mr.Transferee na mang-aagaw ng rank.

Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap kay Charlotte at napapansin ko sa peripheral vision ko na tahimik at walang pakialam pa rin si Mr.Transferee.

Tss, ano ba 'to tuod?

Natigil lang kami sa pag-uusap ni Charlotte nang paakyatin na kami sa stage para kuhanin ang certificate namin.

"Salazar, Caleb."

Umakyat na ng stage si Mr. Transferee at kinuha ang certificate niya.

Tss, hindi mo deserve 'yan.

Matapos naming makuha ang mga certificates namin ay pinagform kami ng isang linya dahil mayroon pang picture taking.

"Compress pa!" sabi ng photographer.

Ugh! Compress pa daw. Ang nakakainis dito ay katabi ko si Mr.Transferee dahil magkasunod kami ng rank.

Hay naku, sana talaga hindi na siya umepal sa ranking, ayan tuloy katabi ko pa siya.

Nagpumilit akong ngumiti nang kuhanan na kami ng litrato. Kahit sa loob-loob ko ay gustong gusto ko nang sumimangot at umalis dito.

Nang tapos na ang picture taking ay nagmadali na ako sa pagbaba.

Sana hanggang dito ko na lang siya makasama. Sana ito na ang huli.

**************

Tiny Note:

Pero hindi 'yon ang huli diba? Well anyway, after a year or more than a year, nakapagpost na uli ako sa MBB 1.

Natripan ko lang na gumawa ng special chapter kaya pagbigyan niyo na ko. First time lang 'yan!

Pero kung gusto niyo pang ituloy ko 'to, paabutin niyo muna 'to ng 50 reads. Sorry, nagiging demanding ako these days.

But I'm going to make sure that it will all be worth it ;)

Bye :) 'Til next special chap!

P.S Kung namention ko man ang surname ni Caleb at iba doon sa nakalagay sa itaas, pakisabi naman sa'kin. Thanks!

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now