Chapter 24 "Love never fails"

328 12 1
                                    

Narinig kong may kumakaluskos sa labas ng pinto.

May magnanakaw ba na nakapasok? O kaya naman ay akyat bahay gang? Naku! Ang dami pa naman nilang pwedeng manakaw dito dahil maraming mamahaling gamit dito. Panigurado tiba tiba sila!

Bumangon ako sa kama ko at tahimik na lumakad papunta sa pinto.

“Anong gagawin natin kapag nakapasok na tayo?”

Hindi ko masyadong narinig yung sagot nung kasama.

“-pagkatapos dalin natin siya sa baba”

ANO? D-Dalhin ako sa baba? At anong gagawin nila sakin? Pagsasamantalahan nila ako? Naku! Nirereserba ko ang v-card ko para sa magiging asawa ko ah. Ayokong maging katulad ni Nene na batang ina! >.<

Kumuha na rin ako ng pamalo para hindi na siya makapalag agad.

Unti-unti kong binuksan ang door knob at pagkabukas ko.....

*PAK!*

Nakita ko ang mga gulat na gulat na mukha na bumungad sakin.

O.O ---> papa

O.O ----> tita

O.O ----> manang

x__x ---> Caleb

Waaah! Napalo ko si Caleb ko. Naku! Bakit ba kasi inakala kong mga magnanakaw sila?

“Ha-Happy Birthday” sabi ni Caleb bago siya mahimatay

“CALEB!” sabay sabay na sigaw namin.

Agad namang kinuha ni papa si Caleb at kinarga papunta sa kwarto niya.

Sumunod naman kaming lahat at pumasok sa kwarto niya.

Ngayon lang ako nakapasok dito ah. SHUT UP! Hindi dapat yan ang iniisip ko ngayon >.<

Umupo ako sa tabi ni papa.

“Pa, sorry po” nakayukong sabi ko.

Nahihiya kasi ako sa ginawa ko.

Mukhang napansin naman ni papa na nagsisisi na ko.

“Bakit mo ba kasi ginawa yun? Gusto ka lang naman namin isurprise eh”

“A-Akala ko po kasi magnanakaw eh. Bakit po ba kasi kailangang gulatin niyo pa ko?”

“Gusto lang sana naming simulan ang espesyal na araw mo nang pinapasaya ka. Hindi naman namin alam na magkakaganito eh”

“S-Sorry po”

Lalo akong naguilty sa mga sinabi ni papa.

Ginulo ni papa ang buhok ko.

“Okay lang yan. Hindi mo naman napuruhan si Caleb eh. Maya maya magigising rin yan. Bumalik ka na sa kwarto mo at mag-ayos na. May pasok ka pa.”

“Makakapasok po ba-“

Hindi ko na natapos ang tatanungin ko nang hinila na ko palabas ni tita.

Pagkalabas namin ng kwarto ay hinarap niya ko sa kanya.

“Pasalamat ka birthday mo ngayon. Kaya ko pang palampasin ang ginawa mo ngayon. Pero tandaan mo ‘to, sa susunod na sasaktan mo ang anak ko, malalagot ka na talaga sakin” sabi niya sakin habang pinanlalakihan pa ko ng mata

Nakakatakot naman >.< Ganito ba talaga si tita?

“S-sorry po talaga” kinakabahang sabi ko

“Pumunta ka na sa kwarto mo.” Sabi niya

Pagkatapos ay tinulak pa niya ko.

Ganito ba talaga siya? Nagpapanggap lang ba siyang mabait sakin nung una? Erase! Erase! Baka naman sadyang nag-alala lang siya sa anak niya. Kahit sinong ina naman magagalit sa ginawa ko eh.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now