Epilogue

351 8 3
                                    

 “He asked  me! He asked me!”

“Sus, hindi pa ba parang given na yun? Boyfriend mo kaya siya. Duh.”

“Kahit na. Iba pa rin kapag personal na tinanong niya. Hindi yung ‘girlfriend kita, syempre ikaw isasayaw ko’. Mas special pa rin kapag tinanong!”

“Ewan ko sayo! Na sayo naman na siya, hindi pa ba special yun?”

“Special~ Pero syempre mas lalo pang nagiging special kapag may mga okasyon na ganoon. Malay mo may mangyari sa araw na yun diba? At isa pa, he never fails to surprise me.”

“Yieeeee~”

“Uy, ang tahimik nung isa oh.”

“Uy, Aria! Tahimik mo ah”

“Ah!”

“Wala sa sarili?”

“H-Hindi naman”

“Uy, nga pala. Tinanong ka na ba ni Toby?”

“Uhh.. Y-Yeah”

“Really? Nako ah! Ano sagot mo?”

“Baka kasi hindi na lang ako pumunta eh”

“What? Bakit naman? Hindi pwede yun!”

“Ehh-”

“No excuses! Basta hindi pwedeng wala ka sa prom.”

**

-PROM NIGHT-

“Ang tagal naman ni Aria, baka naman totohanin niya yung sinabi niya!”

“Hindi yun. Hindi naman niya tayo matitiis eh”

“Hoy Hanna! Ikaw ah, porket may date ka dyan. Nakakalimutan mo na kami”

“To naman. Syempre hindi ko lang maiwan ‘tong babe ko eh. Pwede ba kahit ngayon lang? Please. Pagbigyan niyo muna ko”

“Hmp! Sige na nga.”

Napangiti naman si Hanna.

“Pero dito ka lang muna habang hindi pa dumadating si Aria.”

“Eh paano kung hindi dumating yun?”

“Edi dito ka lang!”

:3 <--- Hanna

“W-Wow”

“Hala.. Anong me- OMY”

Red flowing dress. Red shoes. Red purse. Red nails. She has red all over her. But it compliment her very well. She had her grand entrance like she was in one of the movies. Everyone was staring at her. No one recognized her. No one knew it was her. That it was the Aria Clemente that they haven’t noticed before.

“Ariaaa! Sabi na nga ba pupunta ka eh. Ang ganda mo grabe!” sabi ni Hanna sakin na agad agad na lumapit sakin

“Thanks!”

“Ang swerte mo, Toby!”

“Alam ko, nung araw na umoo siya sakin, yun na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko.”

“Woooh! Congrats.”

Nagsimula na ang sayawan at nagkanya kanyang sayaw ang mga magkapartner.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon”

“Toby...”

“Yep?”

“Sana wag mong isipin na porket sinamahan kita ngayon eh...”

“May gusto ka na sakin? Alam ko naman yun, Aria. Tanggap ko na na hindi mo kayang magkagusto sa isang katulad ko. Masaya lang ako kasi ako ang pinili mo after all.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ayoko na rin kasing dagdagan ang listahan ng mga taong nasaktan ko. Masyadong na kong maraming dinadala.

Hindi naman kalayuan samin ay nakita kong nagsasayaw sina Hanna at Caleb.

At dahil sa isang sulyap na iyon ay napawi na naman ang ngiti ko.

Niyakap ko na lang si Toby para kahit papano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

**

Natapos ang prom nang lahat kami ay nananakit na ang mga paa at inaantok na.

“Aria, uwi ka na?”

“ Wait lang. May naiwan ako sa hall eh.”

“Sige. Una na kami ah. Hintayin ka na lang namin sa gate”

“Sige”

Pumasok ako ng gym at nakitang wala nang katao-tao rito.

Kinuha ko agad ang gamit ko at nagmadali sa paglabas.

Nakakatakot kaya. >.<

Pero bago pa ko makalabas ay may isang tao na bumulaga sa harap ko.

“C-Caleb”

“Pauwi ka na ba?”

“Oo. M-May kinuha lang ako.”

“Sumabay ka na sakin.”

“Hindi na.”

“Sige na. Ihahatid ko rin naman si Hanna eh”

“Edi lalong hindi dapat ako sumama, quality time niyo yan together oh. Sige na. Anong oras na din, baka kanina pa naghihintay sayo yun”

“Ayaw mo ba talaga?”

“Oo. Sige na”

“Sige. Bye. See you later”

“Sige” sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo sakin.

Palayo sakin at papunta kay Hanna. Oo, sila na uli. Nagkakatotoo yung goal ko. Napagbalik ko na rin sila. Kahit alam ko na masakit para sakin, mas kakayanin ko naman yun kaysa makita na nasasaktan ang isa o kaya naman silang dalawa.

Sapat na nakuha ko siya. Sapat na naranasan ko na mahalin niya ko pabalik. Sapat na yung mga alaalang nagawa naming magkasama.

Pero sa huli, sa kanya pa rin siya nararapat. In the end, he was still my bestfriend’s boyfriend.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now