Chapter 19 "Love protects"

376 10 0
                                    

“HOY! GISING NA!”

Nagising ako sa malakas na sigaw na narinig ko habang may umaalog sakin.

“ANO BA?!” sagot ko sa kanya

“HOY! May pasok na po tayo.”

“ALAM KO! Sandali nga, bakit ba ang hilig mong pumasok sa kwarto ko nang walang paalam ha?”

“Bakit ba? Eh gusto ko eh. Sige na, maligo ka na! Nakahanda na yung breakfast sa baba” sabi niya habang hinihila ako

“Opo, BOSS!” sabi ko

Bumangon na ako at dumiretso sa comfort room. Lumabas na rin si Caleb sa kwarto.

Hay nako! Hindi ko alam kung bakit biniyayaan ako ng ganitong kapatid eh. Ano kayang pumapasok sa utak nun? Napakaweird niya eh. Hindi ko nga alam kung bakit ko nagustuhan dati yun eh.

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko ay bumaba na ko para kumain ng breakfast.

Nakaupo si Caleb sa may dining room. Mukhang hindi pa siya kumakain.

“Bakit ang tagal mo naman?! Halos mag-iisang oras na kitang hinihintay ah.”

“Bakit? Sinabi ko bang hintayin mo ko?”

Umaandar na naman ang pagiging masungit ko. HA! Sorry na lang siya.

“Kumain na nga lang tayo”

Natahimik na kaming dalawa at kumain na.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng mansion.

Nauna sakin si Caleb at parang kinakausap ata niya yung driver namin.

Dumirediretso naman ako papunta sa kotse at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng back seat.

“Hoy! Dun ka sa may harap” sabi ni Caleb

Maka”hoy” naman ‘to. WAGAS! -.-

Sinunod ko naman siya at pumasok na sa loob ng kotse.

Nang makaupo na ko ay napansin kong kausap pa rin niya ang driver.

Hayyy.. Nagchichikahan ba sila? Subukan kaya nilang medyo bilisan. Malelate na kami oh -.-

Nagulat ako nang pumasok na si Caleb sa kotse. Sa may driver’s seat.

“HOY! Bakit ka nandyan? Wag mong sabihin na-“

“Ako ang magdadrive.” sabi niya

Mukhang tuwang tuwa pa siya.

“B-Bakit ikaw? Underage ka pa ah. Wala ka pang lisensya. Baka naman mamaya maaksidente tayo tapos mahohospital tayo tapos-“

“Kumalma ka nga dyan. Marunong ako magdrive okay? Hindi ko naman hahayaan na mapahamak tayong dalawa. At tsaka malapit lang naman dito yung school”

“Kahit na-“

Pero hindi na ko nakasabat pa. Inistart na niya yung kotse at umalis na kami papunta sa school.

Hindi ko pa rin mapigilan na kabahan.

Syempre noh! Mamaya naggagalinggalingan lang pala tong mokong na ‘to. Ipahamak pa niya ko.

Pumikit lang ako.

Naramdaman kong pinagtatawan niya ko.

“Bakit ka tumatawa?!” sabi ko pero hindi pa rin ako dumilat.

“Wala. Ang cute mo kasi eh”

“Che! Magfocus ka na nga lang dyan sa daan.”

“Paano ko makakapagfocus kung napakaganda ng katabi ko ngayon?”

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz