Chapter 10 "Love doesn't boast"

540 18 8
                                    

“Uy girl! Anong nangyari ha?”

“Ooooy! Magkwento ka na.”

Wow. Ang ganda ng pambungad sakin nitong mga ‘to ah.

“Huh? Wala naman akong dapat ikwento eh.”

“Eh sabi kaya samin ni Hanna nakita daw niya kayong dalawa ni Ezra”

“Hep hep! Hindi lang magkasama, magkadate pa!”

“Ano ba yang sinasabi niyo?”

“Hindi naman siguro nagsisinungaling si Hanna diba?” tinitigan nila kong dalawa

“Magkasama lang kami. Period. Hanggang dun lang”

“Eh bakit kayong dalawa lang?”

“Eh kasi hindi dumating yung parents ni-“

“Parents?!” sabay na sabi nila

“Ipapakilala ka na niya sa parents niya?”

“OMG! Ikaw talaga ha. Kayo na pala hindi mo man lang sinasabi”

“Huh? Hindi kami noh!”

“Eh bakit ipapakilala ka niya sa parents niya?”

“Ahh.. Ehh.. Hindi naman niya ko ipapakilala eh. Sabi lang kasi ng parents niya, magdala siya ng someone spe-“

“SPECIAL?!” sabi na naman nung dalawa

“Kayo na lang kaya magtapos ng bawat sentence ko noh?”

Tumawa kaming tatlo

“Hoy! Bawal magchange topic. So ibig sabihin nun special ka sa kanya?”

Tumitig na naman sila sakin.

“A-Aba.. M-Malay ko!”

Tapos tumingin ako sa ibang direksyon.

“Yieeeeee!”

“Kinikilig na yan!”

Kaloka naman ‘tong mga kaibigan ko. Wagas kung makapang-asar eh.

Naputol ang usapan namin nang pumasok yung adviser namin.

Woooh! Lifesaver si ma’am! :D

Lahat kami ay napabalik sa upuan namin nang makita siya.

“Okay, class. First of all, I would like to congratulate all of you for a job well done last intramurals. I know that you have given your best. And by the way, since you won, I will give the plus points that I promised to all of you”

Woooh! The best talaga si ma’am eh. Kailangan ko talaga ng plus points eh. Ang baba ko kaya sa subject niya.

Lahat kami ay sobrang saya na karamihan ay napahiyaw pa.

Umingay ang buong klase. Pero nangibabaw pa din ang sigaw ni ma’am.

“Calm down, calm down. Now, let’s discuss about the annual stage play”

Naexcite na naman ang mga kaklase ko.

Every year kasi may pineperform ang bawat level ng play. 2 months na pinaghahandaan yun. Yung unang month, eliminations. Pipili ng story tapos magpapaaudition para sa mga casts, pero usually ang author ang pinapapili ng mga magiging casts. So importante ang pipiliin ng section na representative para magsulat ng story. Sa first month din kukuha ng mga staffs na mag-aayos ng play. Backstage manager, lighting manager, director etc. Tapos sa 2nd month naman, puro practices na hanggang sa magfoundation week na kung saan ipeperform yung play.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now