Chapter 25 "Love is happiness"

342 11 3
                                    

“Saan tayo pupunta?”

Hindi niya ako sinagot at sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya.

Nakarating kami sa parking lot ng lahat ng sasakyan nila.

Ang daming mamahaling kotse ang bumungad sakin. Ngayon lang ako nakarating dito kaya ngayon ko lang nakita ang sandamakmak na kotse nila. Dalawa lang kasi ang alam ko eh. Yung kotseng naghahatid-sundo sakin at yung sariling kotse ni Caleb.

Naging parang statwa ako na amaze na amaze sa mga mamahaling kotse sa harap ko.

 

 

 

Siguro milyon milyon ang nagastos nila dito. Grabe!

Pero natigil ang pagkatulala ko sa mga kotse na yun nang hilain ako ni Caleb uli.

Huminto kami sa harap ng isang motor.

Maganda rin ito at maraming accessories.

Sumakay si Caleb habang pinapanood ko lang siya.

“Anong ginagawa mo dyan? Sakay na. Sayang ang oras” sabi niya sakin

Actually, hindi pa ako nakakasakay sa motor. Ang dami kasing balita na maraming naaaksidente na nagmomotor araw-araw. Kaya takot na takot akong sumakay sa mga ganun. Mamaya mapaaga ang kamatayan ko!

“A-Ayoko!”

“Bakit naman?” nagtatakang tanong niya

“Nakakatakot kaya! Bakit di na lang tayo sa kotse mo?”

“Psh. Wag ka nang matakot. Ako naman kasama mo eh. Hinding hindi kita ipapahamak”

Hinila niya ako papunta sa motor.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon