Chapter 1 "Love is courageous"

1.1K 31 29
                                    

“Gusto kita!”

Finally! Nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. After a year ng pagmamasid, pang-iistalk at ang iba ko pang ginawa na nagpakita ng symptoms ng pagkacrush ko sa kanya. Ito na, nahakot ko na ang lahat ng confidence sa katawan ko. Handa na rin ako sa kung ano mang pwedeng mangyari.

By the way, ako nga pala si Aria. Single but definitely not available. Currently in love to this guy named Caleb. Shocks! Kinikilig na agad ako mabanggit pa lang ang pangalan niya. Paano ba naman ako hindi kikiligin kung sa tuwing binabanggit ang pangalan niya ay naaalala ko siya. Tall. Dark. Handsome. Varsity Player. Gentleman. Mabait. Matalino. Ano pang hahanapin mo diba?

Pero ngayon, ito pa rin ako hinihintay ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Kahit dadalawang salita lang 'yon, panigurado ay nagulat ko siya doon.

Pero hindi ko mapigilang mapaimagine kung anong sasabihin niya.

Sasabihin na ba niya na gusto niya din ako?

O sasabihin niya na wala siyang interes sa isang katulad ko?

“Caleb!” tawag ng mga kaibigan niya.

"Sige, alis na ko. Hinihintay na kasi ako ng barkada ko. Bye!”

Iyon ang huling sinabi niya bago siya umalis para samahan ang mga kaibigan niya.

Ano 'yon?! Well, siguro naman alam niya na kahit hindi tanong ang sinabi ko ay umaasa ako ng sagot galing sa kanya. Pero anong nakuha ko? Wala. Anong ibig sabihin noon?

“Aria!” narinig kong may tumawag sa'kin.

Napalingon ako sa pinto. Mga kaibigan ko lang pala. Well, hindi lang sila basta basta kaibigan lang, sila ang mga best friends ko.

Si Emily, siya ang pinakatahimik sa'min. Matuwa ka na kung nakapagsalita siya ng 10 words sa isang sentence. First year ko lang siya nakilala dahil bagong lipat lang siya sa school ko. Naging close kami dahil halos lahat ng groupings sa bawat subject ay magkasama kami.

Si Spencer, siya ang pinakamatanda sa aming apat pero siya rin ang pinaka mukhang bata. Sobrang makulit 'yan. Transferee lang din siya katulad ni Emily pero dahil magkapitbahay naman sila ni Emily, matagal na silang magkakilala.

At si Hanna, ang dakilang chikadora at pinakamaingay sa'ming apat. Elementary pa lang magkakilala na kami. At dahil palagi kaming magkalapit sa seating arrangement dahil magkalapit lang ang apelyido namin, madali kaming naging close.

Pagkakita ko sa kanila ay agad akong lumapit at doon ko napansin na parang may pinagdadaanan ata si Hanna ngayon. Hindi kasi siya yung usual self niya na maingay. At kapag siya ay natahimik na, matakot ka na.

“Hoy! Ang tahimik mo dyan.”

Nagulat ata sila sa sinabi ko kasi the moment na sinabi ko 'yon, nagtitigan na silang tatlo. Creepy!

“D-Di naman ” sagot niya na may kasamang ngiti na alam kong fake.

“May problema ba?”

“Ha? Wala! Ano ka ba? 'Lika na nga!” sabi niya na parang may halong nerbyos.

“Sige.”

Sumabay na ako sa paglalakad nila at sumama na rin sa conversation nila. Mukha namang normal ang lahat. Pero hindi, sigurado ako na may tinatago talaga sila sa'kin.

**

Pag-uwi ko, kinuha ko agad ang cellphone ko at tinignan ang inbox ko para malaman kung nagtext na ba siya. Baka naman nahiya lang siya na sabihin yung nararamdaman niya sa'kin sa personal.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now