Chapter 26 "Love doesn't easily anger"

313 10 4
                                    

Pumasok ako sa classroom nang may ngiti sa labi ko.

Paulit-ulit kong inuulit sa utak ko yung nangyari kahapon.

Hindi ko talaga maalis ang ngiti ko sa tuwing inaalala ko yun.

Best birthday ko kaya yun.

“Uy! Tignan mo ‘to. Di mawala yung ngiti oh.”

“Oo nga. Parang kahapon lang para siyang nabagsakan ng building eh.”

“Ano kayang meron dito?”

Narinig kong sabi nang mga babaeng bumungad sakin pagkaupo ko sa pwesto ko.

“Wuy Aria! Saya saya mo ngayon ah. May nangyari siguro kahapon sayo?” sabi ni Spencer

“Oo nga. Siguro kaya maaga kang umuwi eh kasi may date ka with your special someone?” sabi naman ni Hanna

“Special someone? Sino naman yun Aria? Kwentooooo!” sabi naman ni Emily

At sabay sabay silang tinitigan ako.

 

 

 

Para silang mga pulis at ako ay suspect na kinukwestyon. >.<

“W-Wala! M-Masaya lang ako kasi...”

Mas nilapit nila ang mukha nila sakin.

“Kasi... Binigyan ako nila papa ng surprise party!” kinakabahang sinabi ko

Nag-isip isip sila.

Hindi naman ako nagsinungaling diba? Totoo namang sinurprise nila ako kahapon eh. Kaya ko nga napalo si Caleb eh. Kaso nga lang hindi iyon ang dahilan ng mga ngiti ko.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now