Chapter 2 "Love is patient"

696 25 16
                                    

Pagkauwing pagkauwi ko, binagsak ko lang ang bag ko sa sahig at dumiretso na sa paghiga sa kama. Sobrang nakakapagod talaga ang mga nangyari buong araw. At dahil mag-isa na lang ako dito sa kwarto, pwedeng pwede ko nang ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Bakit? Bakit siya pa? Bakit ang bestfriend ko pa ang napili mo? Oo, alam ko may gusto siya sa'yo. Pero isa ka lang naman sa mga crush niya eh. Pero ako, mahal na mahal talaga kita. Akala ko dahil sa sweetness at concern na ipinapadama mo sa'kin tuwing magkatext tayo ay may gusto ka na sakin. Pero nagkamali pala ko.

Bakit ba kasi ang feeler ko? Bakit ba ako nag-assume na magkakagusto siya sa'kin kung noong una pa lang kitang kita ko na na type niya si Hanna? Wait, oo nga. Matagal na siyang nagpakita ng motibo kay Hanna. Pero hindi ko 'yon nakita dahil bulag ako sa pagmamahal ko sa kanya.

One time, may practice din kami para sa isang contest. Half day lang naman ang practice namin kaya napagplanuhan naming apat na gumala pagkatapos ng practice. Nagkataon naman na doon sa sinakyan naming jeep papunta sa mall ay naroon din si Caleb. Alam kong pauwi na siya noon dahil parehas lang naman ang direksiyon ng papunta sa mall at papunta sa bahay niya.

Syempre, nagtake advantage kaming dalawa ni Hanna at kinausap siya. Kaso saglit lang ang time na nakapag-usap kami dahil malapit na siya sa bababaan niya.

Pero kinulit siya ni Hanna na sumama na lang sa'min sa mall. Noong una ay ayaw niyang pumayag, pero dahil sa non-stop na pangungulit sa kanya ni Hanna, napapayag din siya sa huli. Noong time na 'yon, inisip ko na lang na sumama siya dahil alam niya na kasama ako.

Kaya ayun, kilig na kilig naman kaming dalawa ni Hanna dahil kasama siya. Kahit nagmukha lang siyang bodyguard doon dahil sunod lang siya ng sunod sa kung saan man kami pumunta.

Noong malapit na kaming umuwi, naisipan nila na magpapicture kami. Noong una, ayaw din niyang sumama sa picture. Pero pinilit uli siya ni Hanna kaya napapayag uli siya.

Nung magpipicture na, pumili na kami ng pwesto. Syempre ang gusto naming dalawa ni Hanna ay makatabi si Caleb. Halos mag-away na nga kami noon eh. Pero ako pa din ang nagwagi dahil sabi ng photographer, doon daw sa likod ang pinakamatangkad, at ako 'yon at si Caleb.

Noong katabi ko na siya, grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos umabot hanggang tainga ang ngiti ko dahil doon ko na lang mailalabas ang kilig ko.

After naming makuhanan ng picture, sabi ng staff ay after 1 hour pa daw makukuha ang pictures namin.

Hindi na namin kayang maghintay ng ganoon katagal dahil gagabihin na kami.

Buti na lang at susunduin naman pala si Hanna sa mall kaya inoffer niya na siya na lang ang kukuha at pwede na kaming umuwi.

Pero kaming tatlo lang ang umuwi dahil nagpaiwan si Caleb para samahan si Hanna.

Ano ba 'yan?! Bakit hindi ko napansin iyon? Doon pa lang halatang halata na na may gusto talaga si Caleb kay Hanna. Simula pa lang sa pagpayag niya tuwing pinipilit siya ni Hanna hanggang sa pagpapaiwan niya sa mall para lang samahan si Hanna.

Ano ba Arianne Nicole Clemente? Bakit ang tanga tanga mo? All this time, alam mo namang si Hanna ang gusto ni Caleb at hindi ikaw. Pero anong ginawa mo? Nagbulagbulagan ka!

Mas maraming luha ang bumuhos sa mata ko. At siguro dahil sa sobrang pagod at sakit, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

**

“Yan.”

“Yan, gising na.”

Pagbukas ko ng mga mata ko, ang unang unang nakita ko ay si mama.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ