MBB Specials "Before It All Started" : My Lips Like Sugar

263 9 3
                                    

"Crush ko si creamer at sugar!" kinikilig na sabi ni Hanna.

"Ako, si coffee ang gusto ko. Ang gwapo niya kaya!" sabi naman ni Spencer gamit ang matinis niyang boses.

"Ang c-crush ko ay si creamer." nahihiya namang sabi ni Emily.

Kakarating ko lang sa usual spot namin sa fastfood kaya naman nagtataka ako sa mga pinagsasasabi nila.

"Anong sugar, creamer at coffee?" tanong ko sa kanila pagkaupo ko, dala dala ang mga pinamili kong pagkain.

"Hindi ano, sino!" masiglang sagot sa'kin ni Spencer.

Kahit kailan talaga ay hindi siya nauubusan ng energy. Hindi pa nakakakain 'yan sa lagay na 'yan.

"Ang tagal mo kasi, 'yan ang dami na tuloy naming naisip na codename." sagot naman ni Hanna.

"Sorry ha? Kasalanan ko bang hindi pinagbaon ng tanghalian ni mama?" sarkastikong sagot ko.

"Tama na 'yan, kumain muna tayo." pamamagitan ni Emily sa'min.

Sinunod naman namin siya at kumain na.

Ibang klase kasi 'tong si Emily. Minsan lang magsalita pero kapag nag-utos ay mapapasunod ka talaga.

Binalot kami ng katahimikan habang kumakain.

Iba talaga ang nagagawa ng pagkain!

Nang matapos kaming kumain, nagdesisyon na kaming maglakad papunta sa classroom namin.

"Sino si creamer?" tanong ko sa kanila habang pababa kami.

May dalawang floors kasi ang fastfood namin. Nasa itaas ang mga mesa at upuan para pagpwestuhan ng mga estudyante habang ang lahat ng food stalls ay nasa ibaba.

"Si Wren!" nahihiya pero kinikilig na sabi ni Emily.

Woah, ngayon ko lang nakitang namumula sa kilig 'tong si Em. Himala!

"Ah, 'yong coffee?" tanong ko uli.

"Si papa Noel!" sagot naman ni Spencer na nanggigigil na sa kilig.

Kulang na lang ay tumalon-talon siya dito para mailabas niya ang lahat ng kilig niya sa katawan.

"Siya ba 'yong ipanglalaban sa Mr. and Ms. Intramurals?"

Tumango naman na parang bata si Spencer bilang sagot sa tanong ko.

"May gusto ka sa kanya? Mukha namang mayabang 'yon." sabi ko kay Spencer.

Inirapan naman ako ni Spence dahil sa sinabi ko.

"May ipagmamayabang naman kasi siya. Ang gwapo niya kasi!"

Napabuntung-hininga na lang ako habang palabas kami ng fastfood.

Malakas talaga ang kutob ko na may masamang ugali 'yong Noel na 'yon.

Pero kinalimutan ko muna 'yang Noel na 'yan at tinanong ko na kung sino ang nagmamay-ari ng huli at natitirang codename.

"Sino naman si sugar?"

Sasagutin na sana ako ni Hanna nang biglang may nagsalita sa microphone.

"Please pause for a moment and let us pray the angelus." sabi ng isang kaeskwela namin.

Napaharurot naman kami ng takbo at naghanap ng masisilungan.

Tuwing angelus kasi ay kailangan naming tumigil kung nasaan man kami. Kaya naghanap na kami ng masisilungan na hindi natatapatan ng araw.

Ang init kaya sa ganitong oras!

Ilang minuto rin ang tinagal ng angelus. Matapos nito, bumalik na uli kami sa paglalakad at dumiretso na sa Building 1, ang building kung nasaan ang classroom namin.

"Oh, sagutin niyo na 'yong tanong ko." pangungulit ko sa kanila.

"Ano nga ba 'yong tanong mo?" tanong ni Hanna.

"Ulyanin!" sigaw naming tatlo sa kanya.

Napapout naman siya dahil sa pang-aasar namin sa kanya.

"Ang tanong ko, sino ba si sugar?" inulit ko na lang ang tanong ko.

"Ah, 'yon ba? Sino pa ba? Si Caleb, my loves!" sagot ni Hanna na kinikilig rin.

Caleb? Si Caleb Salazar?

"Siya ba 'yong transferee?" tanong ko.

Tumango naman silang tatlo.

Hanep! Iba talaga ang kamandag ng transferee na 'yon.

Actually, noong unang quarter, nasa lower section pa siya dahil kakalipat lang naman niya sa school namin. Pero noong napunta siya sa honor roll, inilipat na siya sa section namin.

At ngayong nasa klase na namin siya, agad siyang nakahakot ng mga admirers mula sa mga kaklase namin.

Ang dami na kayang may crush sa kanya! Idagdag mo pa ang bago niyang biktima na si Hanna.

"W-Wait, bakit naman naging sugar si Caleb? Ang itim niya kaya! Unless, brown sugar talaga ang tawag niyo sa kanya." sabi ko.

"Iyon nga 'yon!" sagot nilang tatlo.

Nagtaka naman ako.

Napakamot ng ulo si Spencer nang hindi ko nakuha ang sinasabi nila.

"Kung ano ang kulay nila, kabaligtaran noon ang codename nila. Maputi si Noel bebe, diba? Kaya si coffee siya. Si Wren at Caleb naman ay maitim kaya creamer at sugar ang codename nila." pagpapaliwanag ni Spencer.

"Shh! Baka may makarinig sa inyo. Kaya nga tayo nag-isip ng codename para hindi nila malaman kung ano ang pinag-uusapan natin. Mahirap na, maraming chismosa sa paligid." sabi naman ni Hanna.

"Wow! Makapagsalita ka parang hindi ka chismosa." pambabara ko sa kanya.

Dahil sa pang-aasar ko, lumabas na naman ang legendary pout niya.

"Kanina ka pa, Aria!" sigaw ni Hanna sa'kin.

Alam ko na ang gagawin niya bago pa niya matapos ang sinasabi niya kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa classroom namin.

"Humanda ka sa'kin, Aria!" sigaw niya habang hinahabol ako.

"Iyon ay kung mahahabol mo ako." lumingon ako saglit para asarin siya.

~*~

Yieee, umabot na sa 50 reads ang 1st special chap. I love you all talagaaaa :*

Katulad ng 1st special chap, every special chap that I'll be posting must have 50 reads first bago ko ituloy. I need motivation kasi eh, sana naiintindihan niyo ko :)

Maraming salamat sa'yo na bumabasa nito. Ang ibig sabihin lang noon ay patuloy mong sinusuportahan ang storyang ito at natutuwa ako na nakaabot ka hanggang dito.

'Til the next chap!

~Tiny

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now