Chapter 13 "Love doesn't record wrongs"

501 13 6
                                    

“Uy! Balik na naman sa dati?” sabi ni Ezra na nasa tabi ko

“Huh?”

“Ang tahimik mo na naman eh”

 *sigh*

*poke*

“AY! Bakit ka naman nangingiliti ka dyan?!”

“Dati kasi kilitiin lang kita ngingiti ka na eh.”

Tapos napangiti naman siya na parang may naaalala.

“Kaso ngayon hindi tumalab eh. Malaki ba problema mo?”

“Wala ‘to.”

“Wala daw. Eh parang ang lungkot lungkot mo eh”

“Basta. Wag mo nga akong kulitin”

Hindi pa rin kasi siya tumigil sa pangingiliti.

“Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita yung smile mo”

Ngumiti ako ng fake.

“Okay na ba?”

Nagpout naman siya.

“Ayoko nun. Gusto ko yung totoo”

*sigh*

“Bahala ka nga dyan. Manuod ka na lang sa practice oh. Kailangan nila ng director”

“Psh. Alam na nila ang gagawin. At tsaka nandyan naman yung mga ibang teachers eh. Bakit ako? Di mo ba napapansin na kailangan kita?”

Hala.. Eto na naman po siya.

Hindi ko na lang siya inimik at nanuod na lang sa mga nagpapractice.

Lumapit ako sa stage at iniwan si Ezra para turuan yung mga nagpapractice. Regular na rin kasi akong nagdidirect.

Pero yung ngayon. Ginawa ko lang yun para makaiwas sa pangungulit ni Ezra -.-

**

Nung nagbreak na, mag-isa lang ako na kumain sa cafeteria.

Haaayy.. Forever alone na naman ako. Miss na miss ko na ang mga BFF’s ko. T.T

Ilang araw na rin kasi nila akong hindi pinapansin. Ilang araw na rin akong palaging mag-isa.

*sigh*

Kumain na ko para medyo gumaan naman ang loob ko.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa upuan na katabi ko.

Hindi ko na lang pinansin yun at nagpatuloy sa pagkain.

May isa pang tumabi sakin. Sa may left side naman.

Tumango na ko at tinignan kung sino yung mga tumabi sakin.

Yung nasa kanan ko ay si Ezra.

Ang kulit talaga ng lalaking ‘to >.<

Tinignan ko naman yung nasa kaliwa ko.

Si Lulu.

“Bakit kayo nandito?”

“Bawal kumain?” sagot ni Ezra

“Tsk.”

Ang tino niyang kausap ah? -.-

“Gusto ka lang naming samahan” sabi ni Lulu

Ang bait niya :)) Para talaga siyang anghel .

Tahimik lang kaming kumain.

Nang tapos na kaming lahat kumain ay tsaka lang nabasag ang katahimikan.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now