Chapter 8 "Love is unconditional"

507 16 10
                                    

Last Day of Intrams. Finals na ng lahat ng ball games at mamaya iaannounce na din ang mga nanalo sa performances. Sana manalo kami!

Gosh! Next week may klase na naman. Nakakatamad!

Infairness, nakapasok ang section namin sa finals. After kasi ng pagkatalo sa 3B, puro panalo na.

Kaya heto na naman kami, nagchicheer sa basketball court. At ako pa rin ang dakilang water girl.

Mukhang determinadong manalo ‘tong mga kaklase ko. Dikit kasi ang laban ngayon. Pero lamang pa rin ang 3B.

“Wooh! GO 3B.”

"GO 3A!”

Nabibingi na ko sa mga sigaw nila. Kawawa naman ang eardrums ko.

Nang nagtime-out naman, halos madaganan na ko ng mga players dahil nag-uunahan pa sila sa pagkuha ng tubig. Muntik na nga rin akong mamatay sa amoy nila.

Pagkatapos noon, nagpatuloy uli sila sa laro.

Hanggang huli, dikit na dikit ang laban. Lalamang ang 3A, lalamang ang 3B. Hindi na mapredict kung sino ba ang mananalo. Exciting!

33-34

35-34

Grabe, dikit na dikit talaga.

37-34

Wooo! Lamang na ang 3A. Pagpatuloy niyo lang hanggang sa last seconds.

Nadadala talaga ako sa game na ‘to. Napapacheer na ko sa isip.

37-37

Ay! Sheet of paper!

37-39

10 seconds

39-39

5 seconds

Lalong lumakas ang sigawan. Pati ako napapasigaw na.

Hawak na ng kalaban yung bola. Binato na niya 'yong bola.

Please! Sana hindi mashoot. Please.

Parang naging slow motion ang paligid at lahat ay nakatingin lang sa bola.

*SHOOT!*

39-41

Nanalo ang 3B. Kitang kita ko sa mukha ng mga kaklase ko ang disappointment.

Sayang naman kasi talaga.

Napansin kong lumapit agad si Hanna kay Caleb at kinomfort ito.

Ang sweet lang nila!

Lumapit naman sa'kin sila Emily at Spencer at nagtatatalak lang sila about sa game.

“Sayang!” sabi ni Emily.

“Dapat hindi na nashoot 'yonn para may overtime man lang.” sabi naman ni Spencer.

“Okay lang yan. Laro lang yan.”

Tinignan naman nila ako ng masama sa sinabi ko.

“Bakit? Mali ba yung sinabi ko?” pagtataka ko.

“Kaklase ka ba talaga namin?” sabay na tanong nila sakin.

“Ewan ko sa'yo. Kumain na nga lang tayo. Gutom na ko.” sabi ko at hinila ko sila papunta sa cafeteria.

“Wait, paano naman si Hanna? Baka magtampo sa'tin 'yon na iniwan natin siya.” biglang sabi ni Emily

“Di 'yan. Kasama niya naman si boyfie niya.” sabi ko na may kasamang kindat.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Where stories live. Discover now