ONE

27.5K 406 9
                                    


ONE

"... We remind you that this is a non-smoking flight. Tampering with, disabling, or destroying the smoke detectors located in the lavatories is prohibited by law. You will find this and all the other safety information in the card located in the seat pocket in front of you. We strongly suggest you read it before take-off. If you have any questions, please don't hesitate to ask one of our crew members. We wish you all an enjoyable flight."

Announcement ng recorded speaker sa eroplano. Ngumiti ako sa mga passengers bago ako tumalikod. Pumunta agad kaming mga flight attendants sa jump seats namin para sa take-off ng eroplano. Nang nasa ere na ang ito, pumasok ako sa cr ng eroplano para magretouch ng make-up ko.

Pinagpawisan kasi ako nang may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Pormal lang ang pagtingin niya sa akin pagkapasok niya ng eroplana kasama niya ang ate niya.
Ngumiti lamang ng matamis ang ate niya sa akin as I greeted them.

Habang inaayos ang mga bag nila, tiningnan niya muna ako bago umupo. Habang ako ang nagdedemonstrate ng safety precautions, hindi ko mapigilang mailang dahil nakalabas ang ulo niya sa aisle at tinitingnan ako. Doon kasi sa medyo dulo ng eroplano. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.

Sa loob ng limang taon, maraming nagbago. Pinaaral ako ni kuya sa Canadian Tourism College dahil gustong-gusto ko talaga maging flight attendant. Akala ko noon hindi ito ang magiging trabaho ko dahil hindi ako gaanong katangkaran pero sa loob ng limang taon, napansin ni kuya na tumatangkad na ako. Ngayon ay 5'6na ako at grabe! Proud na proud ako sa aking height! Hindi ako umiinom ng pampatangkad o kahit ano. Ewan ko ba kung ba't ako tumangkad. Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos.

Pagkatapos kong mag-ayos, nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi. Ewan ko ba, siguro dahil kay Kellan. Siguro ayaw ko siyang makita. Pero ano bang pake ko diba? We broke up. We're done since five years ago kaya ano ba ang inaarte ko? Wala na kami at ngayon ay ginagawa ko na ang trabaho ko.

Siguro naman may bago na itong girlfriend kasi imposible naman kung wala. Lumabas na ako ng comfort room at nakita ko ang kasamahan ko na inaayos ang mga iba't ibang pagkain sa service trolley.

Pagkatapos ay naglakad na ang kasamahan kong si Cristine palabas para asikasuhin ang pangangailangan ng mga pasahero. Lumabas ang ibang flight attendants tulak-tulak ang iba pang trolleys sa dalawang pang aisle. Malaki ang eroplanong sinasakyan namin kaya maraming mga tao. Merong mga first class people, mga pamilya at kahit mga barkada.

Bumalik si Carrie at sinabing, "Most of the passengers wanted dinner. Others want cocktails." mahinang sabi niya.

Hinanda naming dalawa ang main meal para sa dinner. Tigisa-isa kami ng hawak ng tray ngayon. Sinundan ko siya habang maabot kami sa row 16 ng eroplano, hindi ko mapigilang maawkward. Damn, Kellan is now infront of me. After five freaking years!

Cristine served the food to ate Daniella. Nakita ko sa mukha niya ang ngiti ng makita ako tapos ay mabilis siyang tumingin kay Kellan na kasalukuyang nakatitig sa akin. Binigay ko sa kanya ang meal niya.

"Do you need anything else, ma'am, sir?" Cristine asked.

Damn. I need to be professional! Hindi dapat ako magpaapekto.

"Uhm, a glass of juice, please," ngumiti si ate Daniella sa akin. Humarap siya kay Kellan na hindi mailayo ang tingin sa akin. Damn. Look away! "What about you?"

"I'll have the same," sabi nito sa mababang tono.

Oh god, I missed his voice.

"Alright, sir, ma'am. Right away!" masiglang sagot ni Cristine bago umalis.

Ngumiti ako ng propesyonal sa kanilang dalawa. "Enjoy your meal." sabi ko bago umalis.

After that, ipinasa ko kay Carrie ang dapat nasa akin at 'yung kanya ay nasa akin. I can't stand to look at him even more. Baka mahuhulog lang ako ulit at iiyak. I don't know...

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon