TWENTY

7.5K 156 2
                                    

ola amigas!
5 days til christmas! who's excited?
btw handsome af kellan on the multimedia^

There was a knock on the door. Naglagay na ako ng perfume at kinuha na ang bag ko. Lumabas ako ng kwarto at sinalubong si Kellan na naghihintay.

Nakasuot ito ng kulay pink na polo at jeans. Infairness! Bagay na bagay siya sa pink. Hindi siya nagmumukhang bakla. Mas lalo siyang gumagwapo at ang hot niya pa tignan! Bakat na bakat pa ito sa kanya dahil sa maskulado niyang katawan kaya mas lalo akong naglalaway sa kanya.

Wala sa sariling hinawakan ko ang biceps niya. "Ang gwapo mo talaga," komplimento ko.

"Mas maganda ka,"

Inikot ko ang mga mata ko at inikot niya rin ang mga mata niya.

"Do you have the letter?" he asked.

"Ay, teka, I think wala pa."

Bumalik ako sa kwarto ko at hinanap ang resignation na ginawa ko kagabi.

Nagdadalawang isip na naman ako kagabi kung gagawa ba ako o hindi dahil may part pa rin sa akin na ayaw kong umalis dun. Pero may part rin sakin na nagsasabing kailangan ko ng umalis dahil buntis ako.

50/50!

Gumawa pa ako ng listahan ng mga advantages at disadvantages tungkol sa pagpapatuloy ko ng pagtatrabahao sa airline. Mas maraming disadvantages kung patuloy pa rin akong magtatrabaho doon.

Plus pinipilit pa rin ako ni Kellan na mag-resign. Natatandaan ko pa ang sermon niya sa akin kagabi.

"Tignan mo, Viane. Sa pagsusulat pa lang ng resignation letter na 'yan, nakikita kong stress ka na. What more when you'll continue working there kahit buntis ka pa? Times two pa ang stress."

Okay naman sana kung maternity leave lang eh! Kaso iniisip ko rin ang sinabi niya gusto niyang kami ang mag-aalaga sa baby namin. Tama naman kasi siya.

Kaya I decided na mag-resign na talaga.

Goodbye, plane.

"Let's go." He held my hand and walked towards the door.

-

"Samahan na kita."

"Hindi na, Kellan. Mabilis lang naman 'to. Dito ka nalang maghintay." mabilis ko siyang hinalikan para hindi na siya magsalita pa at titigilan ako.

"Ingat ka, babe." sabi nito bago ko isirado ang pinto ng kotse niya.

Binati ako ni manong guard na masigla ko namang tinanggap.
Napapatingin naman sa akin ang ibang mga workers sa airline marahil ay hindi ako nakauniporme. I asked a co-worker in the airline to call for the manager.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko na siya. "Goodmorning, Mr. Swiss."

"Hello, Ms. Silva. How are you doing?"

Ngumiti ako. "I'm great, sir. Thanks,"

Tumango ito. "So I've heard you're engaged. Congratulations."

Tinanggap ko ang kamay niyang inilahad sa akin at nakipag-shake hands. "Thank you, sir. Actually, I've got some things to tell you. But do you mind if we'll go somewhere private?"

He nodded. "Sure, Ms. Silva."

Pumasok kami sa office niya at pinaupo ako. I was getting nervous! As far as I have remembered, I had good records from the airline and what if ayaw niya akong ipapa-resign?!

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Where stories live. Discover now