THREE

14.7K 278 3
                                    


THREE

VIANE DREA SILVA

Today is Tuesday!!! So that means!!!

Day off!!!

Hay, grabe! Makakapagrelax na rin sa trabaho. Tuesdays and Wednesdays kasi ang days off ko ngayong month. Mini vacation na siguro ang itatawag ko dito.

Kahit alas-otso na ng umaga, humiga pa rin ako sa kama dahil ayaw ko pang bumangon. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari noong isang araw.

Kellan cares...

Doesn't he?

Bakit ganun? Kahit limang taon na kaking hindi nagkita, nakikipagkarera pa rin ang puso ko sa kanya. Pinagpapawisan ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Nagwawala ang isip ko.

Ano ba iyon? Siguro nagulat lang talaga ako nang makita siya ulit. Ang rami kasing nagbago sa kanya. Isang tingin lang alam na alam ko na ang pinagbago ng physical features niya sa noon at ngayon.

Natatandaan ko pa ang malalim niyang boses noong isang araw. Mas naging maskulado ang pangangatawan niya. May tumutubo na stubbles sa panga niya at halatang paminsan niya lang shine-shave. Tumaas ang buhok niya pero sa maayos na paraan. Mas gwapo siya ngayon kaysa noon. As in 100% mas gumwapo si Kellan.

Ano ba yan! Ba't ko ba iniisip si Kellan! Tsk! Bumangon na ako sa kama at pumunta sa kusina para magluto ng makakain.

Pagkatapos kong gumraduate ng college, tinulungan agad ako ni kuya na kumuha ng culinary classes sa kaibigan niya after kong mag-aral ng tourism. Nag-aral ako doon ng ilang buwan bago ako nakapagdesisyon na gusto ko ng magtrabaho.

At first, nahirapan ako. Kasi naman diba, nasa amerika ako tapos parang hindi pa ako nasasanay sa kultura nila. Akala ko nga hindi talaga ako magiging flight attendant at mababagsak lang ako sa pangkaraniwang trabaho dito sa amerika. Naintindihan na naman daw ako ni kuya. Mahirap daw talaga kapag first time mong maparito para magtrabaho pero masasanay ka lang din daw. Ang sabi niya mas mahirap pa ang napagdaanan niya nung hindi pa siya naging doktor. Nahirapan daw siya sa pagtrato ng mga amerikano sa kanya pero balewala lang iyon sa kanya dahil may isang pamilya siyang gustong i-angat: Ako.

Simula ng mamatay ang magulang namin, kinuha na kaming dalawa sa kapatid ni mama at doon nanirahan. Nang makatapos siya ng college sa pilipinas, kaagad siyang pumunta ng amerika dahil gusto niyang magtrabaho dito bilang isang doktor. Akala niya madali, pero ang hirap talaga ng buhay dito. Natatandaan ko pa noon na pinigilan ko siyang umalis dahil ayaw ko pero sabi niya ginawa niya raw iyon para sa akin.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may maamoy akong sunog.

Pakshet! 'Yung isda ko! Punyeta naman! Ito na lang nga ang naiwan dito sa ref! Eh kasi naman, wala na akong time para maggrocery dahil sa busy ng buhay ko. Grr!!!

May narinig akong may nag-doorbell sa   apartment na tinitirhan ko. Oo, akin lang. Isang taon akong nanirahan sa apartment ni kuya pero nung naging flight attendant na ako, sinabi kong ayaw ko na maging istorbo kapag kasama niya ang girlfriend niya sa apartment niya kaya ayun, pumayag siya. Saka malayo ang apartment niya sa airline kaya naghanap ako ng mas malapit.

"WHAT THE HELL IS THAT SMELL?! ARE YOU COOKING FISH?! DIDN'T YOU KNOW THAT WE ALL NOT ALLOWED TO COOK SOMETHING BAD HERE?! FUCK! IT SMELLS SO BAD!"

Takte naman! Tama pala! Ang tanga-tanga ko talaga!

"Sir, I'm so sorry," mahinahon kong sagot sa lalaking amerikano. "I forgot that we're not allowed to cook fish here. It's just that I don't have any other food left in the fridge."

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Where stories live. Discover now