FOUR

12.3K 263 2
                                    



FOUR

VIANE DREA SILVA

Naghanda na ako ng mga gamit ko para sa trabaho. 4am palang tinawagan na ako. Sanay na ako. Makakarecieve talaga ako ng call anytime na on-duty ako ngayon. Hinanda ko ang mga susuotin ko kung sakaling kailangan naming maglay-on o magpalipas ng gabi.

Habang nilolock ko ang pinto ng apartment ko, narinig ko sa likod ko ang pagbukas-sara ng pinto. "Viane."

"I can't talk to you now. I need to go to work today." sabi ko habang inaayos ang pagkalock ng pinto.

"Yeah, I know."

Hinarap ko siya. "Why are you up so early? Alas-kwatro palang. Matulog ka nga dun," itsapwera ko sa kanya.

"Oh, Viane!" nagulat ako ng husto nang bigla-bigla niya akong niyakap. "Are you concerned about me? Damn, I missed you too!"

Nanlaki ang mga mata at tinulak ko siya. Poblema nito? "Umalis ka nga! Ano ba! Malelelate na ako!"

"Ihahatid kita."

"No need. Kaya ko na," umalis na ako sa apartment ko at naghanap ng taxi. Bago pa mang may huminto ng taxi, may humablot na sa kamay ko.

"Kellan! Ano ka ba! Saan mo ko dadalhin?!"

"Sa trabaho mo," parang papel lang ang pagpasok niya sa akin sa passenger seat. Hindi na ako nakalabas dahil nakalock na ang pintuan ng kotse.

"Ugh! Siguraduhin mo lang!"

Sinabi ko sa kanya kung saang airline ako nagtatrabaho. Habang nasa byahe, nagmake-up nalang muna ako para presentable akong tingnan. Napansin kong tumitingin siya sa akin habang busy ako dito. Naiilang ako pero hindi ko iyong pinapahalata.

"Do you really have to wear make-up at work? Eh kahit walang kang make-up, you're still beautiful." he complimented but I don't believe it.

"Do you really have to talk? Kung magdrive ka nalang kaya jan. Wag kang titingin-tingin baka mapandol tayo. Ikamamatay ko pa!" sermon ko.

"I am driving, Silva." Is he being serious right now? Tinawag niya kasi ako by my surname. "Kumain ka na ba?"

"Mamaya nalang siguro ako kumain. Maaga pa naman." I said while putting on my eyeliner.

"Papasok ka ng walang kain? You need to eat. Look at you, pumayat ka na. But you still look good." he complimented again. And again, I don't believe it.

"Thanks but no thanks. Baka ma-late pa ako."

"Maaga pa naman diba, sabi mo."

"Pero dapat 5am nandun na ako,"

He looked at his wristwatch. "It's still 4:30, Viane. Marami pang oras."

"Marami? Eh kunti nalang nga yan eh! Ano ba! Kung hindi mo ako ihahatid, ibaba mo nalang ako!" maktol ko sa kanya.

"K, fine! Whatever! Ihahatid kita," his voice raised. "Basta kumain ka ng breakfast dun. 'Wag kang magpalipas ng gutom. Kapag gutom ka, 'wag kang mahiya humingi ng pagkain dun. " matigas nitong sabi.

"Why are you acting like a father? When you're not? Noon, ayaw mo maggala kami ni Cristine sa France tapos ngayon, ugh!"

He just sighed at tahimik na kaming dalawa hanggang sa dumating kami sa airport kung saan ako nagtatrabaho. Nagpark siya at tinulungan ako sa medyo kalahikan kong bag na may lamang mga damit ko. Aalis na sana ako nang hablutin niya ang kamay ko.

Even in the cold chilly morning, he was still so warm. Just the way I liked it. But I remained emotionless. Lumapit siya sakin. "I'll wait till next Tuesday," he started. Nakita ko pa ang usok na lumalabas sa bibig niya.

"Paano mo nalaman?"

"I am your stalker for years, Viane. Of course, I should know." he chuckled. Hindi ko mapigilang gayahin ang ginawa niya.

"Salamat sa paghatid." sinabi ko nalang. Wala talaga akong masabi. I am speechless. He makes me speechless effortlessly.

"May bayad ito," he smirked.

He immediately grabbed my shoulders towards him and kissed me. I was longing for his kiss in five years, now I got my wish.

-

"Hey," naputol ang pag-iisip ko sa boses ni Carrie. Kanina pa pala nakatulala dahil sa nangyari kanina. He kissed me and I swear, damn! Napamura ako sa isip ko! His mouth on mine still feelt exactly the same way he kissed me before. His lips were still so soft and warm. I remember what he said after he kissed me.

Take care at work

Damn! Nanginginig akong naglakad paalis sa kanya hindi dahil sa lamig kundi dahil sa halik at sinabi niya. Nang lumingon ako sa kanya, he just waved and smiled so widely like what he does before when we were together. He smiled as if we were still together, like we haven't had a break-up at all.

"I'm sorry, what?"

"Are you okay? You look red." Cristine look suspicious.

"Yeah, I'm okay. I just didn't eat but I'm alright." I hoped I looked convincing enough though.

"Are you hungry? You want?" Carrie offered a left-over salad.

"No, not that!" ani Cristine. "Here," may binigay ito sa aking lunch bag. "From your sweet boyfriend!" she giggled.

"I don't have a boyfriend."

"Oh, your ex boyfriend, I almost forgot."

Umiling ako sa kanila at binuksan ang lunch bag. Papel agad ang una kong nakita saying:

Hungry or not, eat. Microwave if you want it to be heated.
-k

Sa loob ng lunchbag ay may bacon, eggs, ham, sausage, and sandwich. Pinabaon niya rin ako ng tubig. I can't help but let out a hint of smile on my face. Why did he have to do this? Dahil sa ginawa niya, nagkagulo na ang mga paru-paru ko sa tiyan at ang sistema ko.

"Ooohhh, Ms. Silva is in love." Carrie said.

"Again!" Cristine added.

Lol, no.

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon