TEN

11.6K 233 4
                                    

TEN

VIANE DREA SILVA

Naalimpungatan ako nang maramdamang may kung ano hangin sa noo ko. Epal talaga kahit kailan 'tong si Kellan! Sinapak ko ng mahina ang pisngi niya.

"Aw! Why did you slapped me?"

"Istorbo!"

"It's already eleven, Vi. Come on, wake up. I'll cook,"

Agad akong bumangon at pumunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkalabas ko, nakita ko siyang nakatayo habang inaayos ang kama niya. "Ako na magluluto."

He stiffle a smile. "No, I insist. Ako ang nanliligaw kaya dapat ako ang magluluto,"

There we go again. Back on step one. "Remind you, Kellan. H'wag kang aasa,"

"Pero binibigyan mo ako ng pag-asa. I could feel it," he smiled widely. "You also feel the same. I knew it. Nagtitimpi ka lang ng kilig,"

My mouth formed an 'O'. Kapal talaga! "I am not!"

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako bago hinalikan sa pisngi. "Yes, you are. Come on, let's cook,"

-

Gumagawa kami ngayon ng pancakes and eggs. Kami ang nagluluto. Hindi lang siya. Nag-aaway pa kami dahil gusto niya ako ipakain ng kanin eh ayaw ko naman. Hindi naman sa ayaw ko na ng rice, basta 'wag lang.

"Kahit ngayon lang, magrice ka. Tingnan mo nga sarili, ang payatot mo na," sermon niya at tinignan ang katawan ko.

"Eh 'di ba, 'eto naman gusto mo 'di ba? 'Di ba, mahilig ka sa mga sexy na babae!" sabat ko.

"Eh sexy ka naman talaga eh noon pa. Hindi ka naman talaga mataba noon, malaman lang. I mean, talaga bang ayaw mo ng rice?"

"Ayaw."

"K. Nagsusuggest lang naman ako eh. Kumain ka nalang ng marami para kahit papaano," dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pinalupot niya ang mga braso niya sa bewang ko. "Hindi naman sa sobrang payat ka na, mas gusto ko kasi 'yung katawan mo noon. 'Yung lahat ng kinakain mo napupunta sa pisngi mo," he kissed my cheek at nagulat ako ng kagatin niya ito.

"Ew! Ew, Kellan!" inalis ko ang laway niya sa pisngi at pinahid sa suot niyang manipis na sando. Shet, nahawakan ko pa ng kunti ang matigas niyang abs! Shet, may abs pa rin siya! Fuck yeah!

"'To naman. Masanay ka na!"

Umupo na kami sa dining room ni Kellan at nagsimulang kumain. Pagkatapos namin kumain, siya na ang nagpresinta para hugasan ang mga pinagkainan namin.

Pumunta ako sa kwarto niya para kunin ang bag at ang boots ko. Sinusuot ko ang boots ko nang bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad si Kellan.

"Aalis ka na?"

"Oo, maliligo na ako." sabi ko at tumayo. Yumakap siya sa bewang ko at sinabing, "Mamaya ka na umuwi. Ang lapit-lapit lang naman ng apartment mo,"

"Maliligo ako, Kellan."

"Dito ka nalang maligo," sabi niya na may ngiti sa labi. I don't know though kung nagjojoke ba siya o hindi.

"Shunga ka? May sarili akong banyo no!"

"Fine."

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Where stories live. Discover now