THIRTY

9.3K 158 6
                                    

ASTR30

Wala akong ganang kumain ng agahan but still, kumain pa rin ako ng marami because of my hungry baby. Patagal ng patagal ay mas lalo akong nagce-crave sa mga pagkain. And right now, imbes na ang ulam ang gusto kong kainin, I was craving for something new.

I need a new food na hindi ko pa natitikman.

"Oh, iha," saad ni papa. "Tapos ka ng kumain?"

"Ahm... Opo, iba kasi ang gusto kong kainin," sagot ko habang nagsasalin ng tubig sa baso ko.

"What do you mean? Are you craving for other foods?" marahang tanong ni mama.

"Actually, yes," I honestly answered. "Hindi ko alam pero natatakam po ako sa pagkain na hindi ko pa natitikman,"

"Oh no," rinig kong sambit ni Travis sa tabi ni Lily.

"Oh, yes," excited na sabi ni mama. "What do you want to eat, iha? Kahit ano sabihin mo lang sa amin,"

Labag sa kalooban ko na sabihin sa kanila, nakakahiya eh. "'Wag na po, ako nalang ho ang bibili,"

"No way, iha," pigil ni papa. "Tatawagin natin si Kellan para bumili ng pagkain para sa'yo. Tutal nasa labas naman siya saka hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na walang kasama lalo na't buntis ka, baka kami pa ang ma-sermon ng anak namin." seryosong sabi nito na parang si Travis lang kung magsalita.

Sumuko nalang rin ako at sinabi sa kanila ang gusto kong kainin. Maya-maya rin pagkatapos kumain ay tinawagan nila si Kellan pero hindi ito sumasagot. Tinawagan ko rin siya gamit ang phone ko pero wala parin.

"I think his phone is on airplane mode," sabi ni Travis.

"Hindi na dapat tayo magulat," his father sighed. Hay nako, Kellan! Saang lupalop ka ba ng mundo at anong ginagawa mong puta ka!

"Hay, ang batang 'yon talaga," his mother, too, sighed. "Masanay na tayo,"

Ako na sana ang nagpresintang bumili ng pagkain pero pinilit pa rin nila ako na huwag lumabas ng bahay. Tinatry pa rin nilang tawagan si Kellan pero wala pa rin.

"Travis, gisingin mo nga 'yung kambal mo. Magalas-dyes na hindi pa rin nag-almusal," sabi ng mama niya.

"May hangover pa 'yun. Papadalhan lang siguro siya ng pagkain sa itaas."

Ano ba namang klaseng papel yan oh? Nakakainis ah. Binabalatan ko nalang 'yung tatlong piraso ng saging na kinuha ko at sinawsaw sa matamis na nutella.

Halos nabilaukan pa ako nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Bumungad doon si Kellan na may dala-dalang mga papel.

"Bata ka! Saan ka nanggaling?! Kanina ka pa hinahanap ng asawa mo!" sermon ng ama niya.

Hindi iyon pinansin ni Kellan. Mabilis itong lumapit sa akin at pinatayo ako. "Come on, I have something to tell you."

He led me up to our room and locked the door. Pinaupo niya ako sa kama at mabilis na hinalikan ako sa labi. Tinulak ko siya agad.

"Ano ba 'yang sasabihin mo? Nagtatampo pa ako ha! Hindi mo sinasagot ang mga tawag naming lahat leche ka!" panenermon ko sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at umupo sa tabi ko. "I have some good news to tell you, baby. You've got to read this right now."

Binigay niya sa akin ang dalawang pirasong papel na printed.

One line catched my eye. It was written in bold.

Results showed that Mr. Corbin Clarke is the biological father of premature baby boy- Jordan Clarke. The child shared the same DNA from his father, Corbin Clarke, of about 96%...

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن