Chapter 22.1

4.9K 175 7
                                    

(Gwen)

Habang nag hihintayan kami dito sa malaking court sa may simbahan namin, lalong sumasama ang pakiramdam ko. Pano ba naman kasi, inagaw ni Ms. Vien yung payong ko kahapon. Umuulan pa naman. Ang lakas talaga ng trip nya.

(Flashback)

Nag lalakad ako mag isa papunta sa cafeteria ng may sumukob sa akin. Umuulan eh. Pag tingin ko, ay yung babaeng akala mo sasali sa drag racing nalaman lang na katabi ko matulog si  Veronica nung isang gabi. Aba't pinabilis yung kotse nya.

Nag seselos ba sya nung gabing yun?

Hinawakan nya yung  payong sabay kindat. Ayan na naman sya, lalandiin ako. Lahat nalang nilandi nya. Bakit kaya, hindi nalang yung boyfriend nyang timer ang landiin nya.

"Sinong iniisip mo?"

"Ikaw" wala sa sarili kong sagot.

"Ako?"

"Oo, ikaw—" natigilan ako sa sasabihin ko. "Ah, eh.." biglang bawi ko. Ano ba yan, lalaki ulo nyan eh. Kasi naman, ayaw mo kasi Gwen babalik sa wisho. Yan tuloy.

"Wala nang bawian. Patay na patay ka talaga sa akin" sabi nya.

"Ang kapal naman ng mukha nito" bulong ko. Alam ko namang patay na patay ako sa kanya. Pero kailangan talaga ulit ulitin?

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko ho, kaganda ko naman" bawi ko.

"Alam ko kaya nga nafall na din ako sayo"  sagot nya bago tumingin sa akin. Natigilan ako sa sinabi nya at tumitig sa mukha nya.

Kukurap kurap naman yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ramdam ko yung pag init ng mga pisngi ko. Oh no! Heto na naman. Pwedeng matunaw? Nakakatunaw yung tingin nya oh!

Nasa kalagitnaan kami ng titigan ng biglang sumulpot si Veronica at kumiss sa cheeks ko.

"R-Ron?"

"Hi bebe! Sa inyo ulit ako tutulog mamaya ah. Sarap mo katabi. Sige babay" sabi nya bago nag tatakbo palayo.

"S-Sige" sagot ko. Oh, iba nasa isip nyo. Lagi nya kasi ako niyayakap para daw makatulog sya ng ayos.

"Ehem..." Tikhim ng isa dyan. "Anong ginawa nyo?" Biglang tanong ng babaeng katabi ko.

"Ginawa? Wala po." Nakangiti kong sagot.

Nakakatuwa lang kasing katabi si Veronica eh. Matapos nya akong yakapin, nakanganga na sya at nakaharap sa akin. Muntik na akong mahimatay nung gabing yun. Chos lang!

"Wala daw, kaya pala ang sabi nya ang sarap mong katabi." Irap nya ginaya nya pa boses ni Ron. Selos?

Pag kasabi nyang yun binilisan nya yung paglalakad at dala dala nya yung payong ko.

Nakakalimutan ba nya na akin yung payong na hawak nya at nakikisukob lang sya. Kasi iniwan nya ako sa gitna ng ulan.

"Hoy! Payong ko! Payong ko yan!" Sigaw ko bago nag tatakbo para habulin sya. Pero, imbes na bagalan yung lakad nya, binilisan pa lalo. Aba! Sumosobra na tong Vien na to. Humanda talaga sya sa akin pag nag kasakit ako.

(End of flashback)

At nung gabing din yun, habang nag lalakad ako may pumutpot na namang kotse sa likod ko at alam kong si Ms. Vien yun.

Akala ko pa naman, pasasakayin nya ako, yun pala hindi. Imbes, sinigiwan nya ako ng:

"Tabi sa daan!"

Yan yung sigaw nya. Aba, nasa sidewalk naman ako ah. Wala naman ako sa gitna nang kalsada. Pinupuro talaga nya ako. At ito pa yung sigaw nya na ikinahiya ko sa  daan.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now