Chapter 45

3.2K 117 11
                                    

(Gwen)

"BUNGAL!"

"BUNGAL!"

Kung maka bungal naman ang tumatawag na yon hindi man lang naiisip na nakakahiya. Kung ako yon, jojombagin ko naman ang mukha eh. Pero feeling ko hindi naman ako so tuloy lang ako sa pag lalakad patungo sa school.

"HOY BUNGAL!"

Kanina pa yon ah. Palakas ng palakas.

Lumingon ako at nakita ang mga pinsan ko. Mag kakasama sila. Kumaway ako sa kanila. Inirapan naman ako ni Ella.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka lumilingon" nakairap na sabi ni Ella habang ka-holding hands si Maricris.

"Wala akong naririnig na tinatawag mo ang pangalan ko" sagot ko kay Ella.

"Bingi ka na! Bungal ako ng bungal dito hindi ka lumilingon" sagot nya.

Anak ng—! Ako pala yon!

"Bwiset! Ano sa tingin mo sa akin? Bungal?!" yamot kong sabi sa kanya. Sukat don, isang malakas na tapik sa noo ang ginawa ko sa kanya.

"Iiihhh! Panini naman eh! Ang ganda na ng kilay ko. Binura mo!" nag papadyak nyang sabi. Kinuha nya yung phone ni Maricris at ginamit na salamin. Tawa naman ng tawa sina Zac, dahil sa naburang kilay ni Ella.

Tawa kami ng tawa pero biglang napalitan ng katahimikan ng marinig namin ang isang HUGOT.

"Nabubura na pala ngayon ang kilay, sana ganon din ang feelings." pokerface na sabi ni Veronica, tuloy tuloy lang ang lakad nya at para bang hindi kami napansin.

"Isa pa to. Agang aga huhugutan nyo ko!" inis kong sabi sabay higit sa mahabang buhok ni Veronica.

"Gwen naman!" impit nya matapos ko higitin ang buhok nya.

"Saan punta natin?" tanong ni Ella sa akin.

"Uuwi na. Syempre papasok pa lang" sarcastic kong sagot. Hawak ko pa din kamay ni Veronica. Inirapan naman ako ng mga pinsan ko.

Syempre papasok pa ako, papasok na nga ako ng gate eh. Bwiset!

"Kausapin nyo na nga lang ako pag matino na kayo" inis kong sabi sa kanila.

"Kausapin mo na lang din kami pag matino na yang utak mo pati puso mo" sabi ni Ella.

"Oo" sagot ko. Hinila ko si Veronica palayo.

"At saan mo naman ako dadalhin?" mataray na tanong ng aking beast friend. Hinarap ko sya at kinorner sa pader.

Nagulat naman si Veronica sa ginawa ko.

Ang aga lumalandi ako, no?

"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa ang nakakaalam" husky tone kong sabi sa kanya at binigyan sya ng pilyang ngiti.

"Aga nyan" sabi ng isang tinig. Pareho kaming napatingin sa dumaan at si Ms. Vien kasama si Sir Angelo.

"Of course. Maya natin ituloy, baby? Na-interrupt eh" pabebe kong sabi kay Veronica.

Lumingon pa sa akin si Ms. Vien at inirapan ako. Napapangiti ako dahil naalala ko yung mga ganyang irap nya pag nag seselos sya.

Teka, nag seselos ba sya?

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko.

"ARAY!" daing ko sabay lingon kay Veronica. Ang sama ng tingin nya sa akin at naka cross arm.

"Ang sakit non!" inis kong sabi sa kanya.

"Bastos ka bebe! Rapist!" sigaw nya sabay alis sa harapan ko.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now