Chapter 22.2

5.1K 195 16
                                    


(Gwen)

"Naku, ija. Ni isa sigurong manliligaw dyan sa anak ko hindi nya sinagot"

Nanay ko ba yun? Sino naman kausap nya? At pati lablyf ko pinagkakalat.

"Ang pinaka aayaw ko lang sa kanya yung nagmamadali syang magbihis at sa labas pa ng pinto sya nag susot ng t-shirt. Hindi man lang inaalala na babae sya"


Teka nanay ko nga. At ano naman kayang trip nya pati greatest secret ko nirereveal nya. At sino nang stalker yang nakikinig sa mga sinasabi ni Mama.

Pupungas pungas akong bumangon mula sa kama ko. Kahit na ramdam kong ang bigat bigat ng katawan ko. Ang huling natatandaan ko ay, nag sasayaw ako at gusto kong umuwi kasi masama ang pakiramdam ko. Pero hindi ako nakauwi dahil sa matinding selos kay Mam at sa boyfrien nya. At nag pumilit pa akong mag sayaw at... wala na. Blackout na.

"Ma? Ano ba naman. Wag naman kayong ganyan" sabi ko. Mukha lang akong zombie sa kinatatayuan ko. Pano ba naman kasi, nakapikit ang mata ko at nakasandal ang ulo sa pader.

Ramdam ko na may humawak sa braso ko. Hindi ko na pinansin kung sino. Kasi si Ella lang naman yan. Alam ko sya ang nag dala sa akin. Supportive na pinsan yan eh.

"Panini! Bakit lumabas ka ng kwarto mo?" Rinig kong tanong ni Mama.

"Bakit? Masama po bang lumabas? Bawal ho ba akong lumabas ng kwarto ko? Wala naman kayong sinabi." Pilosopong sagot ko.

"Ang cute naman ng palayaw mo" sabi ng katabi ko.

"Alam ko—"

Natigilin ako ng marecognize ko kung sino ang nag salita sa tabi ko.

"M-Ms. Vien? Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Akala ko si Ella yung umaalalay sa akin. Hindi pala.

"Sya ang nagdala sayo dito matapos kang mahimatay kanina. Pumunta ka na sa kwarto mo, Panini at dadalhan kita ng makakain." Sabi ni Mama at iniwan kami. Wala naman akong nagawa kasi pinanlakhan ako ng mata ng teacher na humahawak sa akin.

Itong malaking mata na to. Alam na nga nyang may sakit ang inaalalayan nya, tapos kung makahila sa akin wagas.

"O yan, humiga ka na dyan" mataray nyang turan sa akin.

Inirapan ko lang sya at bago ako humiga. "Sa susunod kasi wag na umatend kung masama na ang pakiramdam" inis nyang sabi bago inayos ang kumot sa katawan ko. Ramdam ko naman na sinadya nyang dampian ng kamay nya ang exposed na hita ko.

Chansing. -.-

"Sha shushunod kashi wag na umatend kung mashama na ang pakiramdam" bulong kong sabi at ginagaya pa ang boses nya.

"Sige gayahin mo pa boses ko blondina ka. Hahalikan kita."

As if naman kaya nya. Hello, narito kami sa bahay namin at hindi na ako papayag na dumampi pa yang labi nya sa labi ko. Kinikiss nya rin yung Paul tapos ikikiss nya ako. Like eww! Parang pinasa nya lang yung kiss ni Paul sa akin. Kadiri!

Nagulat ako ng bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Oh ano?" Hamon nya.

"Pwede po ba MS. CHARISSA VIVIEN PASCUAL tigilan nyo ako. Hindi na nakakatuwa. Hindi ko ho trip ang trip nyo." Naiimbyerna kong sabi sa kanya.

"Hindi kita pinag titripan" seryoso nyang sagot at hindi pa rin inaalis ang mukha nya malapit sa akin.

"Pwes, tigilan nyo po ako sa mga kaeklatan nyo" irap ko. Pilit ko inuusog yung mukha nya, ayaw nya naman.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now