Chapter 20

5K 166 4
                                    

(Ella)

"Weird" biglang bulong ko sa sarili ko. Dumaan kasi sa harapan namin si Ms. Vien kasama yung boyfriend nya.

Nadito kasi kami sa labas ng school, nakatambay. Uwian na rin naman, nag papahinga lang kami ng onti at uuwi na rin mayamaya. Nag hintayan na kaming mag pipinsan.

At ito nga dumaaan si Mam Vien.
At hindi namansin si Ms. Vien sa amin lalo na kay Gwen na habol naman ng tingin sa kanya. Dati rati kasi kahit may kasama pa sya na boyfriend nya, gingreet nya kami. Este, gingreet naman nya kami pero si Gwen lang ang hindi.

"Ang weird ni Mam ano? Parang iba sya ngayon" sabi ko kay Alex.
"Oo nga" sang ayon naman ni Alex .

"Oi, Insan bakit ang tahimik mo?" Tanong ko kay Gwen. Kanina pa syang hindi nag sasalita.

"Wala lang. May laro ba mamaya sa court?" Tanong nya.

"Uhm, meron. Pero iba yung laro mamaya eh, liga ng barangay natin at ng kabilang barangay. Kung gusto mo ngayon tayo mag laro?" Si Zac yung sumagot. Hindi nga kami makakapag laro may liga mamaya eh. Hindi kami makakasingit ng laro.

"Sige!" Sang ayon ni Gwen.

"Sige! Game!" Sabay sabay kaming nag tatakbo sa parking lot at nag sisakay sa may dala ng motor. Since, wala kaming dala ni Gwen na motor at wala naman talaga kaming madadala, kay Alex nalang kaming nakisakay.

Habang binabaybay namin ang daan, charot lang. Ang daming napapatingin sa direksyon ni Gwen. Kapansinpansin naman talaga ang ganda ni Gwen eh. Gandang gwapo nya kaya.

Sa lahat ng mag pipinsan, si Gwen talaga yung pinaka boyish at lapitin ng chixx. Ang ganda kaya ng ganda ni Gwen. Kakaiba, para bang anghel pero demonyong anghel kasi iba magalit yan eh. Charot lang.

**

"Guys may coffee shop daw dyan ! Masarap yung kape!" Sigaw ni Jeric sa amin.

"Jeric, may kapeng barako sa bahay nyo dun nalang tayo mag kape. Kabibili lang ni Tita nung linggo sa Batangas" sagot ni Panini. Katatapos lang namin mag laro. Namamahinga kami, tapos liligo na din mamaya.

"Libre ko kayo" biglang sabi ni Jeric.

In 3.2.1

"O sya tara na. Dali baka mag sarado yung shop. Dali ! Dali!" Atat na atat na sabi ni Panini habang hila hila kami ni Alex at Jeric.

Sabi ko na nga ba eh, basta libre laging game si Panini.

"Tingnan mo to, narinig lang yung libre word, energetic na agad." Sabi ko. Inirapan nya lang ako.

"Sayang kaya at saka balita ko, karamihan daw sa nag kakape dun ay yung mga napasok sa St. James University, mga tourism pa. Kasi malapit daw yung building nila sa coffee shop na yan." Sagot ni Gwen. Tiningnan ko naman ang pinsan kong lalaki. Nag ningning ang mga mata.

"Sya tara na. Ano pang hinihintay natin?" Sabi ni Zac.

Isa pa talaga tong si Zac. Chix, agad ang pumasok sa isip.

"Maligo muna tayo. Nakakahiya naman kung papasok tayo dun na ang babaho." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga no. Sige, ligo muna ako. Babay"

"Ako din!"

At ayun isa isa nila akong iniwan sa court. Mga walang hiya. Nag tatakbo narin ako sa bahay para maligo.Maiwanan pa ako nina Jeric sayang din ang isang libre.

**

Totoo nga ang sinabi ni Panini. Ang daming studyante na taga St. JAMES. Grabe ang dami nga nila.
Pero wit ko mga bebes na to, di kami talo no!

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now