Chapter 21

4.8K 178 10
                                    

(Gwen)

Kahit anong gawin kong pagtapik tapik sa mukha ko walang mangyari. Antok na antok ako. Patago pa nga akong sumasampal sa sarili ko, baka kasi mapag kamalan akong baliw sa kinauupuan ko.

Kalagitnaan din ng discussion ni Ms. Vien. Baka masita ako, at masermunan. Ilang beses na kasi akong nasesermunan ni Mam kapag klase nya. Parang ramdam ko, hate na hate nya talaga ako. Take note ha, after nya akong sabihan ng 'I really like you' then binago nya to 'I really like you as my student', pero hindi ko naman maramdaman na isa ako sa mga nagugustuhan (admire) na students nya. Ni hindi nya ako tintawag pag recitation, tinataas ko naman ang kamay ko pero iba yung gusto nyang tawagin, basta parang ayaw nyang tinatawag ang pangalan ko. Hindi nya ako nginingitian. Sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko na sya, ginawa ko ng isang beses pero sinusubukan ko lang kung maapektuhan sya, kaso hindi. Kapag nakakasalubong nya ako, diretso lang sya parang hindi nya ako nakita at sina Ella lang ang napapansin nya. Kapag napatingin sya sa akin at nakita nya akong nakatingin sa kanya, tataasan nya ako ng kilay at saka iirapan.

Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh, kung bakit ang lungkot lungkot ng nararamdaman ko. Simula kasi nung maramdaman ko na iniiwasan ako ni Mam, parang sinabi ko na rin sa sarili ko na iwasan ko rin sya. Siguro nilalayo nya yung sarili nya na lumapit sa akin kasi nalaman nya na crush ko sya at trip lang lahat yung mga ginagawa nya sa akin.

Ang sakit naman.

"Gwen, pst. Ui! Kanina pang masama ang tingin sayo ni Mam Vien" bulong sa akin ni Gian. Tumingin ako sa unahan at nakita nga ang dagger look ni Ms. Vien.

"Kung ayaw nyo makinig sa sinasabi ko dito sa unahan, lumabas na lang kayo" malamig na sabi nya at sa akin talaga nya pinaparinig.

"S-Sorry po" pag papaumanhin ko.

Muli akong nakinig sa mga sinasabi nya. Hanggang sa matapos ang klase nya nag sipuntahan kami nina Gian, Cristina, May at Ella sa kantina. Mamaya kasi P.E na namin, kailangan namin ng hard foods.

Habang nag lalakad kami sa hallway papunta sa Cafeteria may lalaking HRS student ang nag tatakbo papunta sa kinaroroonan ko may hawak na coffee vendo na may takip.

"Ms. Crown, para sa inyo daw po" nakangiting sabi nung lalaki abot abot yung kape.

"Salamat. Kanino to galing?" Tanong ko. Nag kibit balikat lang yung lalaki habang nakangiti at may tinurong sticky note sa tabi ng vendo. Tapos, nag tatakbo na palayo ang lalaki.

"Kanino yan galing?" Tanong ni Cristina.

"Ewan. Sandali basahin ko lang yung note" sabi ko bago tinggal yung sticky note sa tabihan.

A coffee for you cutie :) I'm sorry ulit dahil natapunan kita ng coffee. A simple peace offering for you, Gwen. ;)

Have a nice day.

-M


"M? Looks like mayroon kang admirer Gwen" playful na sabi ni Gian.

M? Sino to?

"Ano daw sabi?" Pukaw ni Cristina. Binigay ko na lang sa kanya yung sticky note para sya nalang ang mag babasa.

Letter M. Sino bang M? May letter M ba sa pangalan ni Ms. Vien? Wait, Charissa Vivien Pascual. Ay wala.

Iniiwasan ka na nga nung tao, sya pa rin yung una mo naisip.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon