Chapter 26

5.1K 165 6
                                    

(Gwen)

After umalis ni Vien. Nag pasya akong matulog pero hindi pa nakakapikit ang mata ko ng tumawag ulit si Veronica. Kahit na sinabihan ako ni Vien wag ko daw sagutin eh wala naman sya dito kaya sasagutin ko yung tawag ni Veronica.

Naiinis— ay mali hindi sya naiinis, nag seselos sya. Nag seselos pala kasi si Vien kay Veronica. Bakit daw kailangan ko pang mag punta sa dinner ng family ni Veronica, bakit hindi na lang daw yung kapatid ko oh yung kapitbahay ko wag lang daw ako.

Selosa masyado. Alam naman nya na hanggang mag best friend lang kami ni Veronica. At alam nya na sya lang ang gusto ko at girlfriend ko sya.

Pero may Paul pa sya?

Oo, meron nga.

Alam mong off limits sya di ba?

Pero sya naman nag sabi na mahal nya ako. Hindi nya mahal si Paul.

Ang tanong hiwalay na ba sila? Di ba hindi pa? Alam mo kung ano ang tama, Gwen.

Alam ko naman pero syempre hindi ba ako pwedeng magmahal? At saka galit na galit ako sa boyfriend nya kasi manloloko. May gerlpren na ngang isa, dinalawa pa.

Hindi rin ba si Vien din?

Ay oo nga no? Si Vien din pala at ako pa ginawa nyang kabet. Charot lang! At saka sinabi nya sa akin na tatapusin na daw nya yung sa kanilang dalawa ni Paul.

"Anak, cellphone mo kanina pang tumutunog" biglang pukaw ni Mama. Ay, dumating na pala si Mama.

"Oh?" Walang amor kong sagot kay Veronica sa kabilang linya.

"Buti naman sinagot mo na" mataray nyang sagot din. Aba, ang babaitang tong.

"Bakit ba? Kagigising ko lang" pag sisinungaling ko.

"Mukha nga. Anong oras na?" Mataray nyang tanong.

"Mukha ba akong orasan?" Pilosopo kong sagot sa kanya.

"Argh! 4:55 na. 6 ang oras ng punta mo dito. Dad will get angry once na malate ka kahit 1 minute. You know him, he hates late comers" paalala nya.

Tss. Eh kung wag na nga kaya ako mag punta.

"Bakit ang big deal ko sa Daddy mo? Ano bang meron?" Inis na tanong ko sa kanya. So, papagalitan ako ni Tito Tony kapag hindi ako nakadating agad ng maaga sa bahay nila.

"Just be here okay. Akala ko naman may pasok ka. Wala pala. Susunduin kita okay."

"Okay okay. Liligo na ako." Sagot ko na lang. After nyang iend, sinenyasan naman ako ni Mama na mag punta sa tabi nya. Kaya lumapit agad ako.

"Bakit Ma?" Tanong ko.

"Anak, paano kung kunin ka ng Papa mo. Sasama ka ba sa kanya?" Tanong ni Mama na ikinagulat ko.

Wow, teleserye lang?

"Ma, buhay pa ba sya? Kasi kung patay na sya hindi talaga ako sasama sa kanya. Aba ma, ang dami ko pang pangarap sa buhay. May gusto pa akong mahalin at may makasama habang buhay.." dire diretso kong sagot. Tumingin ako sa mukha ni Ma at ang sama ng tingin nya sa akin.

Oh bakit ang sama ng tingin ni Mama. Wala naman akong sinabing masama. Sya nga itong nakakagulat. Basta basta nalang mag tatanong ng kung ano ano eh.

"Alam mo, mag bihis ka nalang.
Yes/No lang ang isasagot mo pero ang dami mong sinabi." Sagot ni Mama at hinampas ako ng mahina sa braso.

"Eh, hindi ko kasalanan yon. Kasi malay ko bang buhay oh patay ang Papa namin tapos mag tatanong kayo ng ganon." Sabi ko at bago pa ako makatanggap ng hampas mula sa Nanay ko, nag diretso na ako sa banyo para maligo.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now