Chapter 13.1

5.6K 190 13
                                    

(Ella)

"Si Panini?" tanong ko kay Jeric.

"Panini?" Curious nyang tanong. Ano nga nga?

"Si Gwen." I corrected. Ano nakalimutan ni Jeric na PANINI palayaw ni Gwen ? Badtrip siguro lalaking to.

"Ewan ko." sagot nya saka ako tinalikuran. Ay nako, badtrip nga! Mamaya pa yan makaka-usap ng maayos. Bwiset din pag nabadtrip lalaking yon.

Kanina pa akong hanap ng hanap kay Panini pero di ko sya makita. Nag cutting class na naman sya sa time ni Ms. Vien. Nung isang araw nag cutting class yan tapos ngayon ulit? Hay nako! Lagot na naman yun kay kras nya. May kras yan kay Ms. Vien, kahit hindi nya sabihin, halata sa kanya na may kras sya sa teacher na yon. Ayaw nya lang i-admit. Baliw eh.

Natigilan naman ako sa pag lalakad ng harangan ako ni Michael.

"Ella! Ella!" hingal nya. Anyare sa lalaking to? "Si Panini at si Carlo nag aaway sa open court!"

"Ano?!" hindi ko alam na naitulak ko na pala si Michael sa kamamadali kaya napasandal sya sa mga locker.

"Sorry insan. Tara dali!" Nagmamadaling sabi ko. Tumakbo kami patungi sa kinaroroonan ng court.

"Bakit hindi nyo pinipigilan?" inis kong tanong.

"Gusto mong ikaw yung masapak? Nasampal na nga ako kanina" sumbong nya. Hawak yung kanang pisngi, binaling ko yung mata ko sa pisngi nya. Mukha ngang nasampal, mapula na.

"Gwen! Carlo! Stop it!" rinig kong pigil ni Veronica. Nag sasagutan yung dalawa ng madatnan namin ni Michael. Tapos yung iba mga nakatingin lang. Si Veronica nasa gitna.

"Babe, pakinggan mo muna ako." pakiusap ni Carlo kay Veronica.

"Don't you dare! I know what you did!" galit na galit na sigaw ni Gwen at dinuduro pa si Carlo.

Wew, pag talaga galit napapaenglish ka! Ganyan si Panini.

"Veronica please! Give me a chance" He begged again. O ayan english din yan, pati tuloy ako napapaenglish.

"No!" Sigaw ni Panini. "I heard all of it! Niligawan mo lang si Veronica kasi nakipag pustahan ka kay Alfred! At matagal na kayong mag on ni Charina! Tama na Carlo! Wag mo na lokohin ang best friend ko. Buko ka na, tumatanggi ka pa" galit na galit na sabi ni Panini. Hinawakan na sya ni Zac para pigilan. Susugod na si Panini. Amazona talaga si Panini. Palibhasa kapatid nya si Tarzan. Lumapit na rin kami ni Jeric. Pero natatakot ako na baka ako ang sapakin ni Panini.

Nakatingin si Veronica kay Carlo. Tumingin din ako kay Carlo. Gwapo sana si Carlo, kasi pangit lang. Lol!

"Huwag kang makinig sa kanya. Hindi totoo ang mga sinasabi nya" pakiusap ni Carlo kay Veronica. Lalo namang nagalit si Panini at sinugod si Carlo, pero agad akong humarang sa harapan nya.

"Panini! Ano ba!" sigaw ko. Inilayo namin sya ng konti kay Carlo.

"Sya kasi! Manloloko! Alam kong hindi ako yun pero si Veronica pa yung niloko nya. Napakabait ni Veronica tapos lolokohin nya lang?!" Galit na galit na sabi ni Panini habanh dinuduro pa si Carlo. Si Charina naman nakatayo malapit kay Alex.

"Gwen, ang dami nang nanonood sayo oh, hindi ka ba nahihiya?" sabi ko sa kanya. Ramdam kong nag laylow yung katawan nya at tumingin sa paligid saka ulit tumigin sa akin.

"Hindi! Bitawan mo ko Ella kung ayaw mong ikaw masapak ko dyan" banta nya.

Sabi ko na nga ba eh.

"Ito na nga eh. Ginaguard lang kita, baka kasi sugurin ka ni Carlo" sagot ko. Nagmamatapang ka pa kasi, di mo naman pala kaya.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon