Chapter 44

3.5K 124 9
                                    

(Gwen)

Dalawang araw matapos ang outing na awkward namin, narito akong muli sa bahay este mansion ng Papa ko. As usual ang ginagawa ko pero natitigilan ako sa bawat galaw dahil sa impormasyon na bumabagabag sa isipan ko, tungkol sa mission na ginagawa namin noong Sabado ng gabi.

"Gwen" pukaw ng isang tinig. Lumingon ako at nakita si Anj na may hawak na folder.

Ito na ang sagot sa lahat ng tanong ko.

"Confirm. He's her father" konpirma nya sabay lahad ng white folder sa harap ko.

Binuklat ko ang folder. Binabasa ko ang mga nakasulat habang pinapaliwanag nya.

"Mrs. Roselyna Ellena Pascual is his wife. May apat na anak. Richard Pascual is the oldest, Angela is the second one, Charissa Vivien is the third one and Maricris is the youngest."

Natigilan ako. Akala ko nananaginip lang ako noong araw na tinanong ako ni Ms. Angela tungkol kay Uncle Rudy. Kung nahanap na daw dahil kasama ang Daddy nila. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mukha matapos ko makausap si Ms. Angela. Kaya ng kinahapunan, mas pinili ko na mag pasundo kina Anj. Kunwari mayroon kaming pupuntahan. Ayaw ko lang na makasabay sa isang jeep si Ms. Vien. Hindi ako maniwala na Dad nila ang gustong ipapatay ni Uncle Rudy. Pero ito ngayon konpirmado na.

Ngayon nag kokonek ang mga pangyayari. Pascual ang apelido ni Vien. Nabanggit din nya na may transakyon sa negosyo ang Dad nya sa aming mga Crown.

"Bakit sya pa?" bulaslas ko.

"Well, I don't know either. Pinatatawag ka pala ni Mr. Fernan" sagot nya bago nya ako talikuran.

"Bakit hindi Dad ang itawag mo sa kanya? Di ba inampon ka din nya?" tanong ko.

"Yes, he adopted me. But I'm on duty that's why I called him in a formal way." seryoso nyang sagot.

"Okay... pero it's okay with me if you want to call him Dad, I like to be your sister." mahina kong pahayag. Kita kong natigilan sya sa pag lalakad.

"Kahit na ang sungit sungit ko sayo?" she asked me, feeling dazed pa rin.

Tumango ako. Mabait naman sya eh, nabalot ng galit ang kanyang katauhan kaya siguro ganyan sya. COLD sa iba.

"You are part of our family now, Anj. Ikaw ang nag silbing ako ng nangungulila ang Dad ko sa amin. I thanked you for that." mabait kong pahayag.

Bait ko. Haha! Char!

"Thanks" sagot nya at nasilayan ko ang tunay nyang ngiti.

Nag tungo ako sa opisina ng Dad ko. Si Anj naman ay sa silid nya nag punta.

I knocked first before entering. Nakita ko si Papa na nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana.

"I'm here" pukaw ko. Lumingon sya at ngumiti.

"I got an email from Rudy. Nakita na sila ng mga police, kahapon. Mr. Pascual is alive, though he needed to stay in the hospital because of his injuries. Si Rudy, malakas ang pag kakapalo mo sa ulo nya so, he needs to attend his doctors, just to make sure na rin." paliwanag nya.

Nanatili akong tahimik habang nag sasalita sya. Nasa isip ko, ano na lang kung malaman ni Vien na kami ang may dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang Daddy nya. May alam sya sa buhay ko, kinuwento ko yun sa kanya. Kaya siguro nag tatanong sya kung nasaan ako ng gabing yon.

"Mr. Pascual was my ex-girlfriend's father" Pahayag ko habang pinag mamasdan sa mata ang Papa ko. Alam ko alam naman nya ang about sa amin ni Vien before eh, kaya wag na syang mag kukunwari.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon