Chapter 41

3.4K 117 14
                                    

(Gwen)


"Namimiss ko na rin sina Alex, ayos lang sige na sasama na ako"

"Sure ka ba talaga Gwen?"

"Oo sure ako. Kaya ko to"

"Pero mag kikita kayo."

"Kakayanin ko. Alam ko ako ang may kasalanan. Nakipag hiwalay ako sa kanya at tumanggi sya sa relasyon namin. Tama lang yon, ako ang nag pakatanga. Hindi sapat ang rason na nag mahal ako para patulan sya dahil, teacher ko sya at studyante nya ako. Hindi mali ang mahalin sya, pero mali ang sitwasyon para mahalin sya."

"Talaga lang Panini? Hindi ka maririnig ni variable 'X'. At saka saan mo nakuha yang pinag sasabi mo? Sa kaibuturan ng iyong ngalangala" isang bruha ang nag salita sa likuran ko.

Lumingon lang ako sa kanya at inirapan sya. Anong ginagawa ng umbrella na to dito? Trespassing sya sa kwarto ko, hindi pwede sa akin yon kahit ganon din sya sa luma naming bahay. Labas-Pasok sa loob ng kwarto ko. Yan talaga yung pinsan ko na feeling at home sa mga bahay na pinupuntahan. Kapal ng fes.

"Tumigil ka nga dyan Panini. Wala kang maririnig na sagot mula sa kausap mo." sabi nya.

"At bakit?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Sira ulo ka ba? Sarili mo yung kausap mo. Ang mabuti pa tumayo ka na dyan at halika na. Hinihintay na tayo sa labas. Napaka pabebe mo. Hindi bagay sayo" mataray nyang sagot at hinila ako palabas ng pinto.

Sino lang ba tong humihila sa akin, si Ella lang naman. Sya din ang tinutukoy ko kaninang feeling at home.

Kasi naman eh, nag dadalawang isip nga ako kung sasama o hindi, kahit na bihis na bihis na ako, at ready to go. Ang hirap mag decide, kaya kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman sumasagot.

Hila hila pa rin nya ako palabas. Masyado kasing malaki ang bahay namin kaya mahirap lumabas ng bahay. Haha. Chos lang. Nadito na kami sa gate at may 2 jeep sa labas.

Bigla syang tumigil kaya halos mapasubasob ako sa likod nya. "Ano ba Ella!" reklamo ko. Nawala ang gusot sa mukha ko ng makita ang expresyon ng mukha nya, malungkot.

"Panini, pasensya ka na. Kasama natin sa jeep si variable X mo." mahina nyang sabi. Natigilan naman ako.

"Kakayanin mo naman di ba?" tanong nya. Nag clenched lips lang ako sabay nod ng isa.

Kung kasama rin pala sya sa isang jeep e di sana nag kotse na lang ako. Marunong na naman ako mag drive ng kotse.

"Mag kokotse na lang ako" sabi ko kay Ella. "Panini, hindi pwede. Utos ng admin, sa jeep lahat sasakay dahil binayaran yon. Di ba kung hindi inutos ng admin yon, hindi sa jeep natin sasakay si Mam X" sabi nya. Konti nalang talaga tong si Ella sa akin, kokonyatin ko na to. Kanina pa nya binabanggit ang word na 'X'. Pinapamukha pa talaga nya sa akin eh.

Sumakay na kami. Nakitingin sila sa akin as in nakatitig talaga. Parang stranger lang ako sa mga mata nila. Take note mga pinsan ko ang tinutukoy ko ah.

Problema ng mga to?

"Waaaahhhh! Gwen! Miss na miss ka namin. Kamusta ka na? Bakit ang ganda mo pa din? Teka, pumayat ka ba? Bakit pumayat ka?" sunod sunod na tanong ni Alex habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Lalo akong papayat kung pinipisa mo ako." roll eyes kong sabi sa kanya. Kumalas sya sa pag kakayakap.

"Sorry. So kamusta ka na?" tanong nya. Pansin ko lahat ng pinsan ko ang kasama ko sa loob ng jeep. May ibang players na kinukumusta ako at narito nga si...Vien.

"O-Okay naman ako." mahina kong sagot hindi ko maiwasan na huwag kabahan. Napatingin kasi ako sa babaeng nakaupo sa dulo sa unahan. Tahimik lang sya habang kausap sya ng isang lalaki.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now