Chapter 19

4.9K 163 7
                                    

(Vien)

After my last class, nag diretso ako sa office ko and to my surprise, I saw Keith sitting on my couch. Anong ginagawa nya dito? I thought, nakauwi na sya, kanina pang lunch.

"Keith? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nakauwi ka na?" tanong ko sa kanya habang pinapatong ang mga gamit ko sa table ko.

Sabi nya kasi uuna na daw syang umuwi. Mag papahintay pa nga ako sa kanya para sabay kami umuwi. Pero sabi nya di daw sya pwedeng gabihin. Alas sais pa kasi ang out ko sa school. At ito nga kalalabas ko lang sa last subject ko. At makikita ko nalang narito sya sa loob ng opisina ko.

"Hinihintay ka" malamig na sagot nya. Kumunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.

"May problema ba? Tell me. I'm your best friend, you can tell me everything" playful kong sabi.

"Exactly!" Bigla nyang sagot.

"Best friend nga kita at kilalang kilala kita" inis nyang sagot, ano bang ibig nyang sabihin? Hindi ko sya naiintindihan.

"Anong trip mo at bakit mo pinagtripan si Gwen?" tanong nya. Changing the mood agad.

"Pinagtripan?" Ulit ko sa word.

Kanina inis na inis sya nag salita tapos ngayon ang seryoso na nya ulit. At bakit naman pumasok si Gwen sa usapan namin?

"Is that only a trip or your idea ?"

"Hindi kita naiintindihan Keith." inis ko na ring sabi sa kanya. Hindi ko sya naiintindihan eh, nag tatanong sya ng mga ganyan pero di pa nya inexplain kung kanino at saan tungkol ang pinagsasabi nya.

"Then, eexplain ko sayo. Umupo ka lang dyan at wag kang gagalaw!" she screamed tapos tumayo sya sa harapan ko.

"I am not gay, pero halata ko yung pinag gagawa mo. Vivien! And based on my calculation ito yung nabuo ko. Una, hindi ko pinansin yung mga pinag gagawa mo kay Gwen na pinahihirapan mo sya. Pinag gawa mo sya ng 21 pages I think na Trigonometry or Geometry I guess at takang taka ako kasi hindi ka naman ganun gumawa ng punishment sa students mo. Pinipingot mo lang o kaya pinipitik ang tenga. Then, the day she cut her class on your time pinag gawa mo sya ng speech. At may tula pa kaya hindi sya nakapag take ng exam, at pinatulog mo nalang sya sa OFFICE mo dahil sa pagod nya. So, ito yung equal.. nag seselos ka dun sa kasama nyang babae. Kaya ka nag pagawa ng ganun. At wala ka namang subject na parts ng math, kaya nakakapagtaka. At nakikita kitang nag mumurmor mag isa while looking at Gwen at dun sa babae." she explained.

Wooow ang galing nya mag basa ng kilos ko.

"Mind reader ka ba?" I mocked.

"No, transparent ka lang kasi kilala kita!" she screamed.

"Yung araw na nasa cafeteria si Gwen and she's eating with her cousins, nandon din ako. Narinig ko yung mga pinag uusapan nila. Hindi sya comfortable kapag ikaw yung pinag uusapan ng pinsan nya. Then, I saw you nasa may pinto ka ng café at may hinahanap ka. Tumingin ako kay Gwen at napatingin sya sayo at nung makita ka nya, nataranta sya sa kinuupuan nya. At tumakbo sya palayo sa kabilang door" paliwanag nya. Ang lakas talaga ng gaydar ni Keith. Kailangan ko mag hanap at o kaya mag isip ng idea para hindi nya mahalata ang nararamdaman ko pagdating kay Gwen.

"And you followed her. At nung makita kita dala mo na yung bag nya." explain pa nya. A-Ano? Nasa cafeteria din sya noon? Bakit hindi ko sya nakita?

"Now, answer me. Trip mo ba yun or idea mo talaga?" she hissed raising her left eye brow.

"Trip! Duh Keith, ginagawa ko yun sa ibang student ko. Getting their bag and making fun with them." very confident kong sagot.

"Even the kiss?" she asked again. Tumingin ako sa kanya. Argh, alam ko hindi idea yung kiss na yun. Pero hindi rin yun trip. Pero sa ngayon kailangan kong mag sinungaling at sabihing trip lang yun.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now