Chapter 7

6.6K 215 26
                                    

(Gwen)

Pumasok ako ng room wala pa yung teacher namin. Ang iingay ng mga kaklase ko. Hindi na ako makikisali sa pag-iingay baka mamaya mapagalitan pa kami.

Umupo ako sa hulihan. Sumobsob muna  ako sa desk bago nag lagay ng headset sa tenga ko. Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko.

Tumingala ako. Inis kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Ito na naman?! Yung madaldal na lalaki na kaklase ni Zac. Ano na naman ba ang kailangan nito sa akin? At saka, bakit nasa room namin sya?

"Hi?" bati nya. Tapos nagpacute pa. Anong akala nya matutuwa ako sa pag mumukha nya? Maiinis pa ako. Hindi ba sya nagtanda sa ginawa ko before? Sinuntok ko na nga sya sa mukha para naman maging bad impression ako sa kanya, pero heto, narito pa din.

Malamig ko syang tinitigan bago ako muling sumobsob sa desk ko.
Kinakalabit pa rin nya ako, may sinasabi at mas malakas pa yung boses nya kaysa sa naririnig kong music. Nakakabwiset na talaga ang lalaking to! Tinanggal ko yung isang headset ko sa kanang tenga.

"Ano ba?" Nabubwiset kong tanong sa kanya. "Ikaw pala si Gwen" sabi nya. Nag roll eyes lang ako sa kanya.

Style nya bulok.

"Pwede makipag kilala?" Pacute nyang tanong.

"Kilala mo na ako, kung hindi mahalaga ang sasabihin mo umalis ka sa harapan ko." Suplada kong sabi sa kanya. "Hindi ako interesado sayo" dagdag ko pa. Hindi naman nyo masasabi na sugar coated ang pagkakasabi ko. Straight forward na ako. Dahil hindi talaga ako inetresado sa kanya!

Muli akong sumobsob. Sa totoo lang nabubwiset ako kapag may nag aapproach sa akin na lalaki. Tibo ba ako? Hindi naman ako gayak lalaki. Ayaw ko lang ng maiiksing shorts. Nagkagusto na ba ako sa babae? Hindi. Pero mayroon akong hinahangaan katulad ni Angelica Jones, nung dalaga pa sya. Hahaha! Si Glaiza de Castro! Naku, kras na kras ko yun. Ang ganda nya kasi tapos fierce pa yung mata nya.

Ang ganda ganda ng imagination ko ng may maramdaman muli akong kumulbit sa akin. Ugh! Kanina pa to ah! Nabubwiset na talaga ako!

"Ano ba?! Hindi mo ba ako titigila-" mukhang ako ang natigilan sa pag sigaw ng makita ko kung sino ang kumulbit sa akin.

"Oh? Ano?" Mataray nyang turan. Umawang bibig ko sabay shake ng ulo ko. Omg! Si Ms. Vien pala yung kumulbit sa akin.

"Umupo ka na ng maayos dyan. I'm going to start my lesson" malamig na sabi nya. Bumuntong hininga na lang ako bago bumulong "Tanghali na oh, kaya nakaka antok"

Nag roll eyes pa ako. Sayang lang kras ko kay Glaiza kapag nakikita ko tong si Ms. Vien. Kamukha nya kasi! Feeling ko init ng ulo sa akin ng prof ko na to eh. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ilang beses naman na ako nag sosorry sa kanya.

Gulat akong umupo ng ayos matapos lumingon ni Ms. Vien.  "May sinasabi ka ba?" taas kilay na tanong nya.

Patay!

"W-Wala po" kabado kong sagot sa kanya. Grabe naman ears nya, wala siguro earwax. Lakas kasi ng pandinig nya. Super hearing ba.

"Okay, eyes here in front" start nya.

Eyes in front daw.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu