Chapter 52

3.6K 116 21
                                    

(General)

"Kamusta?" Bungad agad ni Rodolfo sa mga tauhan nyang dumating.

"Boss..." Bigkas ni Miguel. "Hindi namin nadale eh" katwiran ni Miguel bago sumulyap sa mga kasamahan nya.

"Nabobobo ako sa pinagagawa nyo. They are just kids Miguel bakit parang nagmumukha kayong tanga." Naiinsultong hayag ni Rodolfo.


"Boss, they are not just kids." Singit ng isang babae. Tama lang ang tangkad at may kulay brown na maalong alon na buhok.

"Gia, they are just kids. The implant chip were taken from them since Mr. Elliot II died." Sagot ni Rosolfo sa kanyang kanang kamay.

"Yet, they have those skills" bulong ni Gia. "Tama po si Ms. Gia, Boss." Sabad ni Miguel. Humarap ang nakatataas sa kanila

"That is not an excuse!" Sigaw muli ni Rodolfo. Sukat don ay nakatanggap ng malakas na sampiga si Miguel.

"You, you and you! All of you! Get out!" Sigaw ni Rodolfo matapos duruin ang mga tauhan nya.

Nagmadaling umalis ang mga tauhan nya sa harapan nya maliban kay Gia na nakapamulsa habang naglalakad patungo sa pinto. "I thought of their tracking chip, yet they also hacked the code." Nakapamulsang sabi ni Gia. "Marami tayong hawak na alas, pero, hindi mo makita." Malamig na sabi ng babae bago itong tuluyang lumabas.

Dahil sa galit, binato ni Rodolfo ang hawak na basong may alak.

"She ruined everything." Nag ngangalit na saad ni Rodolfo.

Lumabas sya ng opisina nya at hinanap ang gustong tumakas na kapatid. Dagliang nag si-hawi ang mga tauhan sa harapan nya upang hindi sila mapagbuntunan ng galit ng kanilang boss.

"Fernan!" Sigaw nya sa kapatid.

"Fernan?!" Sigaw nyang muli at pinaghahanap ang kapatid sa loob silid kung saan kinulong nya ito.

Tama ang kanyang hinala, traydor ang kanyang kapatid. Narinig nyang kausap nito ang anak-anak na si Anj at may planong masama para sa kanya.

Hindi nya akalain na matapos nila ipatorture kay Gwen at sa mga kasamahan nito ang main target nila na si Mr. Eliot II at kapatid nitong si Mr. Eliot III ay may mangyayaring kasunod, ang kay Mr. Carlos. Ang mga Eliot, isa sa mga dahilan kung bakit namatay ang kanilang Lolo at ama. Lumago ang negosyo at natalo ang Eliot's, ngunit may katumbas palang madugong sagupaan sa pagitan nila. Nalaman na lang nila na pinag mumulan pala ng grupo ni Eliot ay mga hitman. Kaya gumawa sila ng paraan at grupo ng mga hitman upang gumanti. Matagal na sana nilang napatay ang magkapatid kung hindi lang tumakas ang isa nyang anak na si Coreen. At namatay naman ang isa nyang anak sa engkwentro sa pagitan ni Mr. Eliot Sr. na si Wincel.

Ngayon si Gwen ang gumawa at katulad ng hudas nyang anak na si Coreen tumakas ito at ang isa pang kahudasan na ginawa ng bwiset na anak ni Fernan ay ipapahamak sya at may plano syang pabagsakin. Kung saan nangyayari na dahil sa away sa pagitan nila ni Mr. Carlos. Ang negosyanteng pinagkakaingatan nya. May malaking utang sya sa Mr. Carlos na yon na ang kabayaran ay ang Crown Apparel. Ang plano nya ay pabagsakin ang kapatid nya at ibigay ang kompanya kay Mr. Carlos.

Nasaan ang hayop na lalaking yon? galit na galit na saad ni Rodolfo habang hinahanap ang kapatid.

Lumabas si Rodolfo ng mansion at hinanap ang kapatid sa mga guards. "He escaped" humihingal na sabi ni Gia.

"Paano kayo nasalisihan?! Mga GAGO! BOBO! Iisang tao tapos napakadami nyo? Ang lalaki pa ng mga katawan nyo? Anong silbi nyan?" Galit na sigaw ni Rodolfo sa tauhan.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon