Chapter 37.1

4.2K 131 2
                                    

(Ella)

"Hey? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Maricris.

"Yes" pag sisinungaling ko. Yung totoo? Nag aalala ako kay Panini, baka kasi sumakit ang binti na. Kinausap kasi ako ni Sarah (yung friend ni Panini) noong isang araw na medyo nabalian si Panini matapos sila maglaro. Eh ito namang si Panini wala man lang sabi sa amin na nagkaganon sya.

"No, hindi ka naman okay eh.You seems bothered" pag aalala nyang sabi sa akin tapos. Parang naiilang akong lumalayo sa kanya habang nilalagay nya yung strands ng buhok ko sa gilid ng tenga ko.

Nagulat nalang ako ng hawakan nya yung baba ko at iharap sa mukha nya. Di ba sya nahihiya nasa loob kami ng gym, madaming tao tapos yung mga kateam mates ko nangangantyaw na sa aming dalawa.

Ano bang ginagawa nya?!!0.0

"Ella? Okay ka lang ba? Nag aalala na rin ako sayo kasi yung mukha mo parang kinakabahan"

"U-Uh. S-Si Panini. kasi" sabi ko saka nilayo yung mukha ko sa kanya.

"What's with Gwen?" Taka nyang tanong.

"Nag aalala ako baka kasi sumakit na naman yung binti nya. Sumasakit yung binti nya kapag nag lalaro sya. Medyo may bali pa kasi binti nya." nag aalalang sabi ko.

Kasi naman kasi tong si Panini eh! Pwede naman mag bangko na lang sya. Hayaan na lang nya yung game. Kahit matalo kami okay lang.

"Mananalo kayo. Promise" sagot nya. Hahawakan na sana nya ang kamay ko pero nilayo ko.

"Hindi naman yun yung pinoproblema ko, Maricris eh. Okay lang kung matalo kami pero yung binti nya. Kahit hindi pa man kami naglalaro, nag-aalal na ako. Lalo pa't patapos na ang game na to nila Vince" pag aalala kong sabi. Kita ko namang lumingon sa akin si Ms. Vien. Isa rin kasi sya sa sports committee, eh nasa likuran nya lang kami.

Nasa ganung pag aalala ako ng bigla nalang akong halikan ni Maricris sa cheeks.

"Sana makatulong yan"

Ang alin yung kiss nya? May sira talaga utak nitong si Maricris. Naging mag kaibigan lang kami, nabaliw na sya. Minsan pa naweweirduhan na ako sa kilos nya towards sa akin.

"Teka? Saan ka naman pupunta?" tanong ko. Matapos nya akong halikan aalis sya?

"Aalis na ako" nakasimangot nyang sabi bago tumayo.

"Ha? Ayaw mo na manood ng game?" Tanong ko. Hindi sya sumagot. "Yung eye glasses mo nga pala" sabi ko sabay kalkal ng lagayan ng eyeglasses nya sa bag ko.

"You really don't like me here" sagot nya. "Ha? Wala naman ako sinasabi ah" depensa ko. Napatingin ako kay Ms. Vien na nakatingin sa aming dalawa.

"Yes, hindi mo sinasabi but I can feel you don't like me around" sagot nya. Hinawakan ko ang braso nya kahit medyo naawkward ako kasi nga nafefeel ko na yung awkward kapag nariyan sya.

"Honestly, one of the reason I transfered here dahil sayo. It's because of you okay. I like you, Ella. I really do. I hate to admit it, but yun talaga ang nararamdaman ko para sayo" naiiyak nyang confess. Hindi ako nakapag salita agad. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now