Phantom no. 4

58 4 0
                                    





Strum's POV

"WWWAAAHHHHHH!!!"

"s-sino ka?" nanginginig kong tanong.

Takte lang!

Hindi pa ako tapos umihi eh!

"Strum naman! Nakakatampo ah!"*pout* sabi niya habang, dahan-dahan siyang lumalabas dun sa pader na pinanggalingan niya.

Huh?

Kilala niya ako!

Anong klaseng multo toh?

Nung tuluyan na siyang nakalabas dun sa pader, dun ko nakita yung buong itsura niya.

Sa totoo lang, maganda siya. Nakasuot siya ng kulay puting parang wedding gown, na may disenyong mga rosas na nakapalibot dun sa bandang ibaba. Yung buhok niya parang ganun kay... sino na yun? Si Elsa ba? Elsa yata ng Frozen. Yun na yun! Tapos may hairband siya na nakapatong sa ulo niya. maputi siya at may dimples. Hindi masyadong matangos yung ilong niya. mahaba rin yung pilik mata niya at may kulay brown na mga mata.

At yung boses niya...

Parang narinig ko na kung saan.

Hindi ko lang sigurado...

Pero para talagang narinig ko na yun.

"done checking me out Strum?" she suddenly spoke with a beautiful chuckle.

Aba't?

Pinagsasabi mong beautiful?

Shit!

Nababaliw na yata ako!

Napatingin ako dun sa labi niya...

O//////O

Kissable lips mga pre!

Takte ang sarap halikan!

Ako naman si tatanga-tanga...

Walang nagawa kundi mapanganga!

Eh sa ang gandang multo niya!

"uy Strum! Bakit ang tagal mo j-" biglang pumasok si Jude.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang gulat niyang mukha. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Nung natapos siya, bigla siyang tumawa.

" dude! Nakaihi ka sa pantalon! Hahahahahahaah!!!!!!" sabi niya sabay hawak sa tiyan at tumawa ng tumawa.

Bigla may naramdaman akong parang basa sa may... um... dun sa kayamanan ko...

At naramdaman kong may dumulas mula ibaba ko.

Nung tinignan ko...

O____O

Shit!

Nakalimutan ko!

Dumulas yung pantalon ko sa paa, at dun ko nakita yung nakatiwang-wang na.. alam niyo na! kayamanan?!

Agad kong inangat yung pantalon at inayos. Nung naayos ko na, may basang parte doon.

Nakaihi nga ako!

Langya!

Bwesit na multong yun!

Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko siyang tumatawa rin katulad ni Jude. Nung napansin niyang nakatingin ng masama sa kanya, bigla siyang tumigil and act like an angel in a corner.

"kasalanan mo toh!" bulong ko.

"ay! Wag ganyan Strum! Masama mamintang! Saka, di ko kasalanan kung magugulatin ka pa rin noh!" nakangiti niyang sabi.

That Guy With A Phantom FiancéHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin