Phantom no. 11

27 4 2
                                    

Strum's POV

"ready na ba lahat?" tanong ni Dylene sa amin habang inaayos ang korbata sa leeg niya.

Hindi man naming gusto ang planong ito, wala kaming magagawa kundi gawin. Dahil isang anghel na may baril yata ang nakaharap at nakaisip ng planong ito.

"ready na p- *cough! Cough!" isang matinis na boses ang pinakawalan ni Jude. Boses na nagpasakit sa aming mga tenga at dahilan kung bakit sasakit ang lalamunan ni Jude mamaya.

"ano ba Jude! Prinactice na natin ito ah! Ulitin mo!" malalim at matalim na puna ni Dylene sa boses ni Jude.

"eh sa masakit sa lalamunan eh! >____<!" angal ni jude gamit ang natural nitong boses.

"wala akong pakialam kung mawalan ka pa ng vocal cords dyan! Basta pagbutihin niyo mamaya!" may maawtoridad na sabi ni Dylene.

Napailing na lang ako. Bruhilda talaga!

Hindi ko na lang pinansin ang bangayan nung dalawa. Inayos ko na lang ang pagkakaalgay ng wig sa aking ulo. Saka tumingin sa paligid.

Nasa isa kaming silid.

Maliit pero tama lang.

Sa kanang bahagi naroon sila Mark at Nathan. Na nakasuot ng parehong pencil skirt bna tenernohan ng spaghetti blouse. May mga suot din silang wig. Yung kay Nathan pure black short hair na may bangs. Yung kay mark naman, kulay dilaw na medyo mahaba-haba.

Sa may kaliwa naman, ay ang nakasuot ng cheerleading outfit na may blond at naka-pig tailed na wig na si Jude, habang nakikipag bangayan kay Dylene na nakasuot ng amerikana na panlalake, at nakasuot ng sombrero, habang sa mukha naman at nakasuot siya ng mustache-

"ay yung siopao nahulog!" isa na namang matinis na boses ang aking narinig at napatingin ako sa kinalalagyan nila Mark at Nathan.

Nakita ko si Mark na pinupulot ang isang pirasong siopao. Pagkapulot ay agad niya itong ibinalik sa loob ng kanyang blouse. Sa may breast part.

Inayos niya ito at nung okay na, saka siya bumuntong hininga!

"kailangan ba talaga toh?" tanong niya gamit ang natural niyang boses kay Dy.

Na siya namang nagaayos ulit ng kurbata niya.

Tumingin si Dy kay Mark at tinanguan.

Siguro ay alam niyo na ang plano namin.

And yes!

Your right. Absolutely.

Kanina, halos mabaliw kaming lahat dahil sa pagpipiplit ni Dy na ipasok kami sa isang beauty parlor. Lumalabas na kaibigan pala ni Dy yung mga nagaayos na bakla dun. Wala kaming nagawa kasi pinagbantaan kami na pagpapasuotin ni Dy ng mga bagong oufit niya ng isang buwan. Habang inaayusan nila kami, hindi ko alam pero, parang minamanyakan kami!!!

>___<

Yuck!

No hurt feeling guys!

hindi naman ako tutol sa mga LGBT...

kaya lang minsan kasi nakakainis sila.

Uy!

Wag kayong nega!

Aish!

Basta wag niyo akong ipapakulong!

>___<'

"guys! It's already 7:30! We need to go rampa na!" isang matinis na malading sabi ni Nathan na may halong posing pa na parang model na masakit ang tyan.

That Guy With A Phantom FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon