Phantom no. 15

33 4 0
                                    



Jude's POV

June 18 2016

Araw na kung saan ay babasahan ng sakdal si Romero Pascual.

At ngayon ang araw na yun.

Nakasakay kami ngayon sa isang mobile cart kung saan nakasakay si Romero at kami nila Strum bilang Escort niya.

Napatingin ako kay Strum na nakatingin lang sa malayo at parang malalim ang iniisip. Medyo hindi namin siya makausap ng maayos nitong mga nakaraang araw. Medyo nagtatampo na rin siya sa amin...

Hindi man niya sabihin...

Alam kong naghihinala na siya sa mga kinikilos namin, at parang naguumpisa na siyang maghanap ng impormasyon tungkol sa nakaraan niya.Hindi ko maiwasang mapailing. Malaking kasalanan ang ginawa namin hindi lang kay Strum kundi pati kay Liann.

Napatingin naman ako kay Romero na taimtim na nakapikit at parang nagdadasal. Napangisi ako, nagdadasal din pala ang isang toh!

Pero sana, mapagbayaran niya ang mga kasalanan na ginawa niya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Lingayen.

Doon kasi napiling basahan ng sakdal si Romero. Isang magaling na judge ang humahawak ng kaso.. si judge Monica Ballesteros. Actually malapit din na kaibigan ni Marilou si Monica. Kung kami ni Marilou my loves ay nagging mag bestfriend nung highschool...sila ni Liann nung College.. sila Monica at Mars ay dun sa may London.

Napaka friendly talga ni Marilou my loves ko!

^____^

Huminto ang sasakyan at agad namin ibinaba si Romero nang naka posas. Si Strum ay nakapwesto sa kanang bahagi ni Romero habang ako ay nasa kaliwa at hawak ang batok ni Romero. Kung saka-sakali lang naman na tumakas itong gagong ito! At least madali ko siyang mababalisa.

Normal POV

Alam ni Strum na may mali sa lahat ng ipinapaliwanag nila Jude. Magulo ang utak niya mula kagabi dahilan para hindi siya masyadong nakatulog. Samahan mo pa nang nagungulit na multo na lagging umaaligid sa kanya.

"uy Strum! ano bang nagyayari sayo't parang kang zombie jan?" pangungulit ni Liann kay Strum.

Matagal na kasi simula nang kausapin siya ni Strum at para na siyang tangang multo sa ginagawa niya.

Ngunit hindi pa rin siya pinansin nito...pero tinignan siya nito ng masama na nagsasabing...

'tumigil-ka-kundi-papatayin-kita!'

Kaya walang nagawa si Liann kundi ang mapasimangot at sumunod kay Strum ng tahimik.

Pumasok sila Jude, Strum at ang nasasakdal na si Romero kasunod ang limang kasamahan nilang pulis. Patuloy silang naglalakad sa hallway hanggang sa marating nila ang isang pinto na gawa sa kahoy. May dalawang pulis rin na nakabantay din dito. Nang Makita nila si Jude at Strum ay agad silang nagsalute bilang paggalang sa mga nakakataas sa kanila.

Jude and Strum saluted back. Nang mapansin nang dalwang guwardiya si Romero ay agad nilang binuksan pinto. Pagkabukas, agad na sumalubong sa kanila ang isang malawak na silid. Maraming tao ang nakatingin sa kanila. Kabilang na si Judge Monica na nakasuot ng kulay itim na uniporme ng mga judge at taimtim na inoobserbahan ang nasasakdal. Nasa magkabilang gilid niya ang dalwang guwardiya. Di kalayuan sa kinalalagyan niya, sa kaliwang bahagi ng korte ang taong magsusulat ng mga kaganapan sa loob ng korte.

Sa mga upuan, sa may kanan at unahang bahagi, Ay ang mga taong nagsampa ng kaso laban kay Romero, sa tabi nila ay ang kanya-kanya nilang mga abogado. Sa likod naman nila nakaupo ang pamilya't kaibigan nila.

That Guy With A Phantom FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon