Phantom No. 8

49 3 0
                                    



Strum's POV

"BAKIT HINDI MO KAMI TINAWAGAN PARA NAMAN MAKASALI KAMI SA ADVENTURE HA? EH KUNG HINDI PA NAMIN NARINIG NA MAY NAHULI KANG HOLD UPPER, HINDI PA NAMIN MALALAMAN?" sigaw sakin ni Nathan while pacing back and fort.

As for me...

I just rolled my eyes.

"AT BAKA MAMAYA MAPAHAMAK KA? MAAKSIDENTE? HA? NAISIP MO MAN LANG BA KAMI? NAISIP MO MAN LANG BA KUNG PAANO KAMI UNTI-UNTING PAPATAYIN NG MGA PINSAN AT NG ERMATS MO? " sunod na sigaw ni Jude na sa ngayon ay may hawak na flash light.

Kung tinatanong niyo kung bakit flash light? Kasi oras na magalala tong mga toh...

Deretsong interrogation room ang peg nila!

-____-'

Sa totoo lang, bodega ang kinalalagyan namin ngayon. Wala kasing interrogation room dito sa branch namin, kaya imbento na lang pag may time.

Madilim dito at talaga namang mapagkakamalang mong interrogation room saktong may isang silya sa gitna ng silid isama mo pa ang mga nakakalat na kahon at lumang bookshelves. Talaga namang parang nasa pelikula ka na.

Kung tinatanong niyo rin kung nasaan si Mark, ayun may hawak na pencil at isang clip board. Mistulang imbestigador na sinusulat lahat ng dapat isulat. Kahit sa totoo lang wala naman talagang dapat isulat sa sitwasyon na ito.

Ako naman, tahimik na nakaupo at hindi na lang pinansin ang mga kabaliwan ng mga kaibigan ko. Wala naman kasing dapat pansinin sa kanila, lagi naman ganito ang nangayayare simula ng mgaising ako sa comma. Sabi din nila, hindi daw sila ganito noon kaso nga lang nung naaksidente ako, nagsimula ng gawing tradition ang mga ito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang nakakairita kung minsan. Tulad ngayon, dapat nasa may Perez Boulevard dito sa Dagupan City , Pangasinan para masundan yung si Romero Pascual at makapag adventure kami pero ano?

Nandito kami't ito ang ginagawa!

Hayz!

-____-'

"O ANO? TATAHIMIK KA NA LANG DIYAN AT HINDI SASAGOT? MAGSALITA KA! BAKIT MO YUN GINAWA? HA!" sigaw ni Nathan sa akin. Nilapit niya yung mukha niya sa akin at nilakihan ako ng mata. Yung para bang... 'magsalita-ka-kung-hindi-malilintikan-ka' look.

"pare naman! Ilang beses ko bang uulitin? Masyadong mabilis ang pangyayare at hindi ko na nagawang tumawag dahil kinuha na nung holduper yung phone ko!" sabi ko nang may halong pagkairita. Totoo naman eh, wala na akong oras para tumawag sa kanila dahil sinong matinong tao ang tatawag sa gitna ng ganung sitwasyon?

Alangan namang, magsisigaw ako at tumawag sa kanila ng...

"oy! Mga pre! May holdapan na nagaganap dito! Haha! Ang saya ko nga eh!!! Hahaha! Yung mga hold uper ang papanget! Mga walanghiya! Hahhaha!"

Parang tanga lang?!

pero yung huling Sinabi ko na kinuha na nila yung phone ko, hindi totoo. kasi naman bago pa makuha nung hold upper yung gamit ko, umaksyon ako kaagad.

Inalis naman ni Nathan yung mukha niya at bumalik sa dati niyang ginagawa. Akala ko tapos na pero hindi pa pala kasi sumunod si Jude.

Itinaas niya ung hintuturo niya at tinignan ako ng 'as-a-matter-of-fact' pero magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog yung phone niya. Hindi niya na sana papansinin kaso lang ayaw tumigil yung ringtone niyang 'Money for Nothing' na hindi ko alam kung sino ang kumanta. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil medyo rock style yung song na dahilan para mas lalong maingayan at mapilitang sagutin ni Jude yung phone niya.

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now